-Thirteen-

1.5K 10 9
                                    

Chapter 13

December 4, Tuesday

Nathalie’s Point of View

Ewan ko ba. Ang ganda ng gising ko ngayon kahit 12 na ako nakatulog. Nakapagluto pa nga ako ng lunch namin ni Andrei eh. Inaamin kong wirdo talaga ako. Masama bang maging masaya? Hindi naman di ba? Actually, 1:30 pa ng hapon ang pasok ko pero syempre dahil sabay kami magla-lunch eh inagahan ko na. Sayang naman kasi ang lunch na ginawa ko. Sinarapan ko pa nga ito eh.

Bat ba ako ganito?

Eh syempre... trip kong pagsilbihan ang best friend ko. Right?

“good mood ka ngayon ah. hindi yan maganda.” May biglang umupo doon sa harapan ko. “dito ka pala nag-aaral?” ngayon ko lang siya nakita dito. “obviously.” Di nalang ako sumagot. Kailangan kong masanay.

“may kailangan ka ba, Sofia?” tanong ko sa kanya. Hindi naman kasi kami close. Di nga maganda past namin kahit nakapag-bonding kami minsan sa isang kapihan. “well, wala naman. Masama bang umepal sa story mo paminsan-minsan and by the way... hindi ko trip na maging masaya ka.” Napangiti nalang ako. “alam ko.”

Okay. Awkward. Wala naman kasi kaming pag-uusapan. Isip. Ah alam ko na. “ano nga pala course mo, Sofia?” tiningnan lang niya ako. Sasagot kaya ito ng matino? Parang hindi.

“hindi ako fashion designing at hindi ako architecture. Malayo ako sa inyo. Interior designing major ako.” Ang haba naman nang sagot nitong babaeng ito eh course lang naman tinatanong. Okay. Bakit ba kung anu-ano naiisip kong side comment? Epekto ba ito ng pagiging masaya?

“may girlfriend bang bago si Chace?” huh? Napatingin ako doon sa direksyon na tinitingnan ni Sofia. “who is that bitch?” tanong niya. Nag-shrug nalang ako. Hindi ko namalayan. Nabagsak na pala yung lunchbox na tinititigan ko kanina. “hey, are you okay?” nag-aalalang tanong sa akin ni Sofia. Sabihin niyo nga sa akin. Bumabait ba siya?

“i’m fine.” Sabi ko. Pero parang hindi. Ito nanaman yung nararamdaman ko.

Selos?

Bakit naman ako nagseselos eh diba best friend ko lang naman si Andrei... at yung feelings ko sa kanya noon ay nag-fade away dahil kay...

I don’t want to mention his name.

“hey girl, snap out of it. Ano bang nangyayari sa iyo? What’s with that monkey girl?” nabalik ako sa tamang huwisyo. “Mitch. I want to kill her.” Sabi ko at nilayasan ko nalang bigla si Sofia. Malamang gegyerahin na ako niyan anytime. Iniwan ko nalang dun yung ginawa kong lunch namin. Wala na ako sa mood. Papahangin nalang ako somewhere.

Sofia’s Point of View

Nyemas. Mukha naman akong tanga dito. Iniwan nalang ako bigla na may kasamang natapon na lunch. Ano gagawin ko dun? Didilaan ko? Eew. Nyetang Nathalie na yun. Laki nang pinagbago ah. Improving. Like it. Anyway, parang trip kong manggulo.

Saan kaya? Oh... alam ko na. Pumunta ako doon sa direksyon na pinuntahan ni Chace at ni monkey girl. Isa siyang unggoy. Mukha kasing tanga tapos kung makalingkis pa. Parang ako lang dati pero duh, kami kaya noon! At hindi ako mukhang unggoy. Maganda ako!

Sakto. Nandun sila at mukhang hindi maipinta ang pagmumukha ni Chace. Natatawa nalang ako. HAHAHA. Ganda ng tawa ko. Lalo pa nung namukhaan niya ako. “So-sofia, anong ginagawa mo dito?” sabay hawi kay monkey girl kahit di talaga matinag yung unggoy. Bilib ako sa powers nung girl.

Always Have, Always Will Book 2: On Your Mind Please Come Back To MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon