Chapter 9
Dcember 2, Sunday
Chace’s Point of View
“Nice one!”
Flash dito. Flash doon.
Ang sakit sa mata!
“Okay! Nice one guys!”
Senyales na iyon para sa break. Buti naman. Ang sakit sa panga ngumiti kahit hindi naman kangiti-ngiti ang sitwasyon. Buhay model nga naman. Pinili nila ang araw ng linggo... para sa aming photoshoot. Hindi ko maintindihan kung bakit linggo pa. Family day kaya ngayon =__=
“Chace, tara! Snacks tayo!” ay nababading na ako. Napapangiti ako ng wala sa oras pero syempre ginawa ko yun pagkatalikod niya. Mahirap na. Baka madala ako sa mental ng wala sa oras. Mababawasan ng gwapo sa EUAT. Joke. Humahangin na masyado. Sino ba naman kasi ang hindi mapapangiti pag inaya ka ng taong mahal mo para magmeryenda? Ang babaw ko nga. Pansensya naman. Minsan na nga lang maging ganito. Pagbigyan niyo na.
Umupo kami dun sa tabi at kinuha yung mga sandwich na hinanda para sa amin. Nakakapagod ngumiti at gumawa ng pose sa camera. Minsan kailangan naka-eyesmile pa. Yung tipong mata mo lang ang nakangiti. Nakakasura na. Bakit ko nga ba pinasok ang ganitong buhay? Hindi ko din alam.
Nasa kalagitnaan ako ng pagkain at pagtitig sa katabi ko nang may biglang tumawag sa pangalan ko ng pagkalakas-lakas! Letsugas! Problema non?! Sino ba yung hinayupak na yun? “CHACE!!!!” napatingin tuloy ang lahat sa gawi nung nakakairitang boses. Nanlaki nalang bigla ang mata ko nang makita ko kung sino man ang taong iyon.
Anong ginagawa niyan dito?
Paano iyan nakapasok?!
“Hello po!” kapal ng mukha ah. Bumati pa dun sa mga nandito. Nagulantang ata ang lahat.
“Chace, sino siya?” bulong sa akin ni Nathalie. Di ko din alam kung sino iyan. Ano nga ba ulit pangalan niya? Letter M yun eh. “kaklase ko iyan. Di ko alam kung anong kailangan niyan.” Tumango nalang siya at bumalik sa pagmemeryenda. Hindi ako umaalis sa kinauupuan ko. Papalapit na siya sa amin. Aba. Nakangiti pa. Kailangan nito?
“Hi Chace!” nakangiti pa niya iyang bati. “Ano ginagawa mo dito?”
“Gusto ko kasi mapanood ang photoshoot mo.” Nakangiti pa din. Naiirita ako.
Tumayo ako at hinila ko siya ng marahan kung saan konti lang ang tao. Naiinis ako eh. “Bakit kailangan mo pang pumunta dito?” tanong ko sa kanya. Hindi naman ata normal ang bigla ka nalang sumulpot para makinood ng pictorial. “Diba kasasabi ko lang? Gusto kong manood ng pictorial mo. By the way, ang gwapo mo!” Nag-peace sign pa. Hindi ako nadadaan sa ganyan.
“Uwi ka na. Makakaistorbo ka lang dito.” Nag-pout daw ang babae. “Ano ba talaga ang kailangan mo sa akin at sa halos araw-araw eh sunod ka ng sunod sa akin?” naiirita kong tanong.
“sinabi ko naman sa iyo. Kilala mo ako. Nagkita tayo dati sa Japan. Ikaw yung tumulong sa akin minsan. Napakabilis mo namang makalimot, Andrei.”
“pwede ba huwag na huwag mo akong matawag-tawag na Andrei.”
“fine, pero huwag ka namang maging masungit sa akin. Hindi naman ako masama.”
Ay ewan!
“umuwi ka na.” Yun nalang nasabi ko. Madami akong natulungan kaya malamang sa malamang ay hindi ko na yun matatandaan. Hindi naman kasi ako matandain sa mga pangalan.
“Chace naman. Hayaan mo muna akong mapanood kayo. Please? Promise, hindi ako mangiistorbo.” Itinaas pa niya yung kamay niya na parang nagpapanatang-makabayan. Hay. Napasapo nalang ako sa mukha ko. Pagbigyan na nga nang matapos na. “sige na. Umupo ka nalang dun sa isang tabi.”
“Salamat!”
Nathalie’s Point of View
Sino yung babaeng iyon?
Bakit parang ang lapit nila ni Andrei sa isa’t isa o akala ko lang iyon?
Hindi ko maiwasan na tumitig sa kanilang dalawa habang nag-uusap sila dun sa may isang sulok. Sa hindi ko malamang dahilan, naiirita ako. Naiirita ako dun sa babae. Kahit hindi ko siya kilala, iba ang nararamdaman ko doon sa babaeng iyon.
Sino ba talaga siya?
Iniwas ko ang tingin ko sa kanila nung napansin ko na tapos na silang mag-usap. Ano kaya ang pinag-usapan nila? Hindi ko alam kung bakit napapaisip ako ng mga kung anu-anong bagay. Dahil ba nasanay ako na wala masyadong babae ang nakakalapit kay Andrei? Ganun na ata ako ka-selfish ngayon.
AYOKO NG MAY IBANG BABAE ANG LUMALAPIT SA KANYA.
I do not even know the reason why I am like that.
Selfish na talaga ako.
“Chace, Nathalie! Start na ulit tayo!” tinawag na kami nung photographer. Panibagong shoot nanaman. Ibang damit, ibang attitude. Dapat bumagay ang gagawin kong pagharap sa camera sa damit na pinasuot sa akin. Ganun ang pagiging model. Dapat kaya mong makapagbigay ng emosyon kahit hindi naman ganun ang nararamdaman mo.
Noong matapos na ang photoshoot. Nagtataka ako. Hindi pa din umaalis yung babae kanina. Ano ba talagang kailangan nun?
Nagulat ako nang bigla siyang kumapit kay Andrei. Naging dahilan iyon upang mapalitan ng kakaibang pinta ang aking mukha. Alam kong nag-iba ang expression ng mukha ko dahil naramdaman ko ang kakaibang damdamin. Inis.
“Chace, pahatid naman sa amin. Sige na. Please.” Nakatitig lang ako sa kanilang dalawa. Naiinis pa din ako. Kung ihahatid siya ni Andrei, paano ako?
“Kailangan ba talaga?”
“Sige na, please. Hindi pa ako sanay mamasahe. Sige na.” Hindi siya sanay mamasahe? Edi sana hindi nalang siya pumunta dito. Bakit kaya kahit hindi ko pa lubusang kilala ang babaeng ito ay nakakaramdam na ako ng pakiramdam na hindi normal sa akin? Parang gusto ko siyang sigawan at sabihan na “hindi ka niya pwedeng ihatid. Kasama ko siya!”.
“Sigurado ka bang hindi ka marunong mamasahe? Paano ka naman nakakapasok kung ganun?” Tama ang tinanong mo Andrei.
“eh, sige na Chace. Minsan lang naman. Sige ka... hindi ako bibitaw sa iyo kapag hindi ka pumayag. Please...” nagmamakaawa na yung babae. Siguro ikakamamatay niya pag hindi pinagbigyan ang gusto niya.
Edi mamatay nalang siya kung ganun.
Hinintay ko kung ano ang magiging desisyon ni Andrei.
Iiwan ba niya ako?
Iiwan din ba niya ako katulad nung lalaki na nang-iwan sa akin noon?
Sandaling napakamot ng ulo si Andrei habang nakakapit pa din na parang linta yung babae. Hindi ko na tatanungin ang pangalan niya. Hindi ako interesado na makilala siya ng lubusan.
Kaso magkaklase sila...
Ibig sabihin ba nun, mas madalas silang magkasama kaysa sa amin?
“Sige na... magtigil ka lang.” Natigilan ako sa narinig ko. Pumapayag siyang ihatid ang babae na yun?
He mouthed sorry to me at saka sila lumabas ng studio. Naiwan ako doong nakatanga.
What the hell was that?!
To be continued~
Author’s Message:
Sorry. Ang tagal kong hindi nag-UD. Bibitinin ko muna kayo sa chapter na ito.
Napansin niyo ba mag-POV si Nathalie? Hehe.
Unti-unti kong paliliwanagin ang lahat dahil alam kong malabo pa yung story. Haha. Yun lang.
![](https://img.wattpad.com/cover/2523561-288-k494281.jpg)
BINABASA MO ANG
Always Have, Always Will Book 2: On Your Mind Please Come Back To Me
Novela Juvenil(COMPLETED) Hindi sira ang engagement. Mahal ni Chace si Nathalie pero mahal pa rin ba siya ni Nathalie? What about the love story of Venedict and Nathalie? Does it still exist or is it totally extinct? Continuation of Always Have, Always Will story...