-Two-

2.4K 15 4
                                    

Chapter 2

Chace’s Point of View

Hindi ko alam kung ano ang ginagawa ko ngayon sa harap ng kalan. Bakit ako ang naka-apron? Tss. Kulay pink pa. Bakit ako ang nagluluto?! Akala ko makakatakas ako sa gawain na ito. Sabi ko nga gusto kong matikman yung luto ni Nathalie pero bakit ako ang nagluluto? Hindi ko alam ang nangyari. Sa isang ngiti ng magandang nilalang, napapunta ako sa harap ng kalan. Lumingon ako. Nandun siya sa sofa at nagbabasa ng magazine. Tss. Dapat siya yung nandito at ako naman yung nandun at pinapanood siya.

“Dapat ikaw yung nagluluto dito. Psh.” Kaso nga ako na eh. Wala na. Hindi na mababago yun. “Okay lang yan. Mas masarap ka magluto sa akin, Andrei.” Psh. Sabi niya eh. Pagkalutong-pagkaluto ko, naghain na ako kaagad at tinawag na siya para makakain. Hindi naman kami sa table talaga kumakain kundi doon sa may counter ng kusina. Ewan ko. Nakagawian na namin na doon kumain. Mas enjoy. Lumapit siya sa kinatatayuan ko at pumwesto na siya doon sa pwesto niya palagi. Kinuha na niya yung kutsara at titikman na niya siguro. Napalunok ako. Masarap kaya pagkakaluto ko? Hindi ko tinikman yun.

Pinagmasdan ko lang siyang tikman yung niluto kong sinigang. Nauwi sa sinigang ang pagkain namin ngayon. Nagmadali na kasi kaming makaalis doon sa grocery paano dumarami na yung tao. Gabi na eh dumadami pa yung tao. Ang gara. Bigla siyang humarap sa akin at nginitian ako. “Masarap. Kumain ka na kaya?” Tumalon ata yung puso ko. Nakatakas. Simpleng papuri ay iba na epekto sa akin. Ampupu. Lakas ng tama ko. Ano ba yan?

Nasa kalagitnaan kami ng pagkain nang biglang bumukas yung pinto. Ha? Sino yun? Bakit nabuksan? Biglang pumasok si Sandy na may kaladkad na bangkay. Bakit may dalang bangkay iyan? “Lalaki!” Ako yun? Kung maka-tawag naman. “Ano?!” Bastusan na to. “Paghain mo ako. Gutom na ako. Wag niyo nang ipaghain ito. Aso ko yan!” Bigla siyang umupo doon sa tabi ni Nathalie at iniwanan yung kaladkad niyang bangkay doon sa may sofa. Ay, hindi pala bangkay yun. Si Nathaniel pala iyon. “Kung makautos ka ah.” Pero sinunod ko naman. Takteng iyan.

“Sandy, hindi mo ba pakakainin si Nate?” mahinahon na tanong ni Nathalie. Tiningnan ng masama ni Sandy si Nate at saka sumagot. “Hindi yan yung lalaking iyon, aso ko yan.” Aso daw. Ang tingin ko nga bangkay. Mukhang nalantang ewan. Inilapag ko na sa mesa yung plato ni Sandy. Itong babae na talagang ito, oo. Aish. Kaagad namang kumain si Sandy.

“Sino nagluto nito? Di masarap.” Inilayo ko yung plato sa kanya. “Makikikain ka na nga lang, magrereklamo ka pa.” Psh. “He, manahimik ka.” Inagawa niya ulit yung plato niya at parang batang kumain. Ano nangyayari dito? Nilapitan ko yung aso este si Nate pala. “Oi, ayaw mo kumain?” Mukha namang na-rape to. Kalalaking tao. Ano ba yan? Tumayo siya bigla at kumuha ng plato. Aba. Iba na ata ang panahon ngayon. Umupo nalang ako dun sa pwesto ko at pinagpatuloy ang pagkain ko. Walangya itong dalawang ito.

Parang patay-gutom na ewan kumain itong Nathaniel na ito. Nagustuhan ata ang luto. Aba! Pero yun namang girlfriend niya, di daw nasarapan pero kain ng kain. Teka. Mukhang sumabak sa gyera itong Nathaniel na ito. Battered boyfriend??

“Pre, ano ba nangyari sa iyo at mukha kang patay dyan?” Tanong ko. Curious lang. Masama ba? Humarap siya sa akin at parang vacuum na sumagap ng hangin. Kay lalim naman. Baka masama kami ah. “May sweet kasing girlfriend na sumundo sa akin kanina sa university. Nakaladkad ako. Sweet niya hindi ba?” Sarkastiko ang pagkakasabi niya. World War. Eto na yun. Tumayo bigla si Sandy at kinaladkad si Nate. Huwag na nating tingnan. Ituloy nalang ang pagkain. Sa isang taon pa iyan matatapos, pero maari namang matapos na. Kung tigok na si Nate.

Always Have, Always Will Book 2: On Your Mind Please Come Back To MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon