Author's Message:
Dahil graduation ni Inoo Kei aka CHACE ANDREI ngayon eh may update. Wushu. May future architect na ang Hey! Say! JUMP. Magdiwang tayo mga JUMPERS. Kyaaaahhhh!!! My forever ichiban! nyahahaha. At kasabay ng kanyang pagtatapos ay ang birthday ng isa pang member na si Yuya Takaki aka SETH!!!!! yan yan yan.! ang saya-saya! hohoho. mag-ingay ang mga JUMPERS ngayon. Magsabog ng confetti! hahahaha
================= >>>>>>>>>>>> CHACE!!!! hahahahaha (magpa-plantsa na daw kayo ng buhok)
Chapter 14
December 5, Wednesday
Chace’s Point of View
Shet. Shet. Shet. Kahit naman siguro parang normal pa din ang takbo ng buhay namin ni Nathalie eh parang may mali eh. “Nathalie, galit ka ba sa akin?” mas malala pa kasi yung nangyayari yun. Mas gusto ko pa ata yung hindi ako pinapansin kesa yung iba yung pakikitungo niya. “hmm. Bakit naman ako magagalit? May nagawa ka ba, Andrei?” nilapitan pa niya ako at tinusok-tusok yung pisngi ko. Cute ba ako?
“ui, wag mo namang kawawain yung pisngi ko. Hindi naman yan cute eh.” Wala akong naaalala na na-cucutan sa akin. Meron ba? Ah... teka. Baka yung mga maka-asul. Napagkakamalan kasi akong miyembro ng HSJ. Mas gwapo pa ako dun sa mga yun! Nako. “hindi ka nga cute, gwapo ka naman.” Nag-init bigla yung mukha ko. Nananaginip ba ako? Sinabihan niya akong gwapo? Itatala ko ang date na ito sa talaan ko ng mga magagandang araw.
Araw na sinabihan akong gwapo ni Nathalie.
O diba... masaya!
Nababading na ako!
“dali na. Bilisan na natin maglakad. Ang laki nating harang dito sa corridor.” Ay oo nga. Daming naaabala. Nginitian ko nalang sila pero hinampas naman ako bigla ni Nathalie. Teka. Sinaniban ba siya ng kaluluwa ni Sandy? “wag kang ngumiti. Baka mapuno mga ospital.” Kinindatan pa niya ako. Ang cute! “oo na. Sige. Kita nalang tayo mamaya.” Tinanguan lang niya ako at naglakad na siya papunta sa building niya. Bigla namang may umakbay sa akin.
“wag mo nga akong akbayan. Ang init pre!” si Craig lang pala. Kala ko holdap o kaya bakla... =__= “ang keso niyo masyado. Kinikilabutan ako.” Inalis ko yung pagkakaakbay niya sa akin. Nyemas. Ang init! Pero magpapasko. Nako. Ganun lang talaga siguro kapag nandito ako at nag-eexist. Mainit talaga. “dun ka na nga sa lungga mo.” sabi ko at naglakad na palayo. Ganun naman kami palagi eh. Bastusan. Bigla-bigla nalang aalis pag kinakausap.
“oi sandali lang!” lumingon naman ako. “o ano?” wala ba tong klase. Nilapitan niya ako. “may sumusunod sa iyong babae. Nakakatakot. Siya ba yung kinukwento mong mala-stalker na kaklase mo?” bulong niya sa akin. Napalunok naman ako. Andyan nanaman yung retokado na yun? Di pa bay un titigil? Pag naaalala ko yung mga sinabi niya kahapon eh kinikilabutan ako. Ang hirap maging gwapo!!! Huh!
“o sige pre. Yun lang.” Tapos naglakad na siya papunta naman sa building niya. May sumusunod daw? “hoy! Lumabas ka dyan!” sigaw ko kahit mukha akong tanga dito. Buti nalang eh nakapasok na ang karamihan sa mga estudyante sa mga classrooms nila.
“hi Chace!” lumabas siya mula dun sa isang estante. Nabubulag na ba ako para hindi ko siya makita dun? Creepy. =__= tiningnan ko siya. Bakit parang nag-iba siya ng style? Teka. May ginagaya siya eh... hindi ba style ni Nathalie yang pananamit na iyan? Yung tipong mukha nang girl band sa Japan katulad nung BK na grupo? Kilala ko yung mga yun! Yun nga ang nagdulot ng kahihiyan sa akin eh. Sinayaw ko yung isa nilang sayaw. Nyemas.
![](https://img.wattpad.com/cover/2523561-288-k494281.jpg)
BINABASA MO ANG
Always Have, Always Will Book 2: On Your Mind Please Come Back To Me
Novela Juvenil(COMPLETED) Hindi sira ang engagement. Mahal ni Chace si Nathalie pero mahal pa rin ba siya ni Nathalie? What about the love story of Venedict and Nathalie? Does it still exist or is it totally extinct? Continuation of Always Have, Always Will story...