-Thirty-

700 5 4
                                    

Chapter 30

January 16, Wednesday

Nathalie’s Point of View

Second semester. January? Yeah. I think its January already at tapos na ang Christmas vacation. I don’t know. Hindi ko na namamalayan ang oras. Parang iisang routine lang ang nangyayari sa araw ko. Walang bago. Dull masyado ang buhay ko. Hindi ko alam kung bakit ba nagkakaganito ang lahat. Okay naman ang lahat dati ah. Ano ba talaga ang mali?

“tulala ka.” nagising ako sa pag-iisip ko ng mga kung anu-anong bagay. Kasama ko nga pala si Venedict ngayon.  “sorry.” sambit ko. Nasa school cafeteria pala kami. Siya na palagi kong kasama. Ghad. Nami-miss ko na siya. Hindi ko na siya nakikita dito sa campus. Si Andrei ang tinutukoy ko. Hindi ko alam kung lumipat na ba siya or what. Pero siguro naman kapag lumipat na siya ay mababalitaan ko dahil sikat siya dito sa campus at siguradong may mga babae na magdadalumhati kung sakaling umalis siya.

“tinatawag ka ni Sandy.” Sandy? napalingon ako doon sa direksyon na tinitingnan ni Venedict at siya nga. Nandun ang kaibigan ko kasama si Nate. Nahihiwagaan pa din ako kung paano siya nakakapasok dito sa school namin samantalang hindi naman siya estudyante dito.

Mukhang iritang-irita na ang mukha niya. Halatang naiinip na siya. Kasalanan ko ata. “kanina ka pa niya tinatawag pero hindi mo siya naririnig. tulala ka kasi kanina.” napatango nalang ako. Kung anu-ano kasing bagay pumapasok sa isip ko. Distracted kasi ako nitong mga nakaraang araw. “puntahan ko lang siya.” tumango lang si Vene.

“nabibinga ka na ba or what?” iritang sabi ni Sandy. Umupo ako sa tabi niya. “sorry.” mahina kong sabi. Bumuntong-hininga nalang siya. Ginulo naman ni Nate yung buhok niya kaya binigyan niya ito ng matalim na tingin. Sandy style. “hoy pandak! sino may sabi sa iyo na pwede mong guluhin ang buhok ko ah?” mataray niyang sabi. Nginitian lang siya ni Nate. Makakakita ba ako ng cat and dog fight dito? Hay.

“anyway, nandito kami para sabihin na pupunta tayo sa school natin dati. school festival na!” nabaling na sa akin ang atensyon niya at mukhang pinili niyang huwag nalang pansinin si Nate. Napakunot ang noo ko. School festival? “o? bakit mukhang gulat na gulat ka?” eh kasi hindi ko alam na school festival na pala doon at partida school koi yon dati at doon pa nag-aaral ang kapatid. Bakit hindi ko alam?

“bakit hindi ko alam?” sinamaan lang niya ako ng tingin. “hay nako Nat-nat! alam mo yun! like duh. Si Nick pa nga nagsabi eh kaya imposible namang hindi mo alam. nawala lang siguro sa isip mo dahil sa kakaisip mo dyan kay… ehem… De Verra.” nag-fake pa siya ng ubo eh halata namang fake. Inaasar ba ako neto o ano? Don’t know.

“fine. nakalimutan ko na. Kailan ba iyan ulit? tanong ko. Napailing nalang siya. Nakalimutan ko eh. May magagawa ba ako? “Saturday. Sumama ka. No excuses. Kailangan mo to.” tumango nalang ako. Tumayo na din sila. “aalis na kayo?” tanong ko. “yeah. may class pa ako at kailangan ko ng driver.” sagot niya. Nagpaalam na sila at bumalik na din ako dun sa kinauupuan ko kanina. Dun sa table naming ni Vene. Shiz. Ayoko talaga ng long break. Wala akong magawang matino.

“are you okay?” hinawakan niya bigla yung kamay ko. Agad ko naman iyong binawi. Hindi ako komportable. “sorry.” siguro nagulat din siya sa naging asal ko. “I’m fine.” sagot ko nalang. Kahit siya palagi ang kasama ko, parang may kulang. Na-realize ko kasi na hindi ako masaya.

Huli na. Huli na dahil hindi nga ako kinakausap ni Andrei. Kaka-realize ko lang na hindi na si Venedict ang mahal ko kundi si Andrei. Siya lang at wala nang iba. Ang tanga ko din kasi eh. Na-realize ko lang kung kelan malayo na siya sa akin. “iniisip mo nanaman siya?” natigilan ako sa tanong niya. Masyado ba talaga akong halata? Pinili ko nalang na huwag sagutin ang tanong niya. Alam ko naman kasing nasasaktan ko siya and I am guilty for that.

Always Have, Always Will Book 2: On Your Mind Please Come Back To MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon