-Twenty Seven-

1K 7 8
                                    

Atuhor's Message:

Nung June 22, birthday ng crush ko at imaginary character ni Chace na si KEI INOO! Hahahaa. Kaso di umabot UD ko... sayang pero okay lang. Late birthday dedication ko sa kanya. Hahahaha.

Btw, sino magaling gumawa ng fb cover? Kung meron man, pagawa naman kung pwede. Naluluma na kasi yung fb cover ng fanpage ng AHAW eh. Kung meron mang gagawa, salamat ng marami :))) PM niyo nalang ako. Salamat!

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter 27

Nathalie’s Point of View

“he is with me, Nathalie.” Boses yun ni Sofia. Tumayo ako dun sa pagkakahiga ko. Nakasara pa din yung ilaw sa kwarto ko pero naaaninag ko silang dalawa. “bakit mo siya dinala dito?” tanong ko kay Sofia. I’m trying to ignore the presence of him. Hindi ko yun makakatulong sa akin. “well, nakulitan na ako sa kanya kaya no choice ako. Sorry nat.” Bumuntong-hininga ako. Maniniwala ba ako? Baka pinagtitripan niya ako. Kilala ko siya. Nage-enjoy siya sa mga ganitong pagkakataon.

“anyway, I’m leaving. Mag-usap kayo. My job here is done. Bye.” Hindi pa ako nakakareak ng maayos eh nakaalis na siya kaagad. Damn her. Kakaiba talaga siya mag-isip. “anong kailangan mo sa akin? Pagod na ako. I really want to rest.” I want him out of my sight as soon as possible. Nalilito na kasi ako sa nararamdaman ko kaya baka kapag nagtagal pa siya ay baka bumalik ang lahat ng nararamdaman ko sa kanya ng tuluyan. “hindi ako magtatagal. Gusto lang kitang makita.” Nakakainis. Naiinis ako sa sarili ko. Bakit hindi ko makontrol ang takbo ng mga nararamdaman ko?

“I tried but I really can’t do it. Hindi ko kayang kalimutan ka.” Pagsisimula niya. What did he mean? “you should. Magugulo lang ang lahat kapag bumalik pa tayo sa nakaraan.” Ako din. Sinusubukan ko... hopefully ay kayanin ko. Dapat kong kayanin. For Andrei. I don’t want to hurt him and I’m starting to like him again. I just need to nurture it. “hindi ko gagawin ang gusto mo. alam kong kahit papaano ay gusto mo pa din ako... ang I’m taking you back. I want to be with you again.” Napailing ako. “hindi mo pwedeng gawin yun. I’m trying to move on. Wag mo namang hayaan na bumalik ako to zero. Hindi na pwede... Venedict.” I think he’s ignoring my words. Hindi niya ata ako pinapakinggan.

Bigla niya akong niyakap. Parang on queue ay bigla nalang tumulo ang mga luha ko... nakakainis. Nakakainis. Bakit ba kasi ganito? “I love you. I really do. Wag mo naman akong ipagtabuyan.” Bulong niya sa akin habang nakayakap siya sa akin. I missed his hugs. I miss him so much! I found myself hugging him back. Feeling ko sasabog na ang puso ko sa tindi ng emosyon. My ghad! May fiancée na ako. Ano ba tong pumapasok sa isip ko?

I love you Venedict. I still love you.

Chace’s Point of View

“Chace, bakit ka umuwi ng hindi nagsasabi? Nakakahiya.” Binuksan bigla ni mommy yung ilaw sa kwarto ko. I went home. Sa bahay talaga namin. “napagod ako. Yun lang po. Sorry.” Umupo siya dun sa may paanan ko. “you look like you have problems. I’m your mother... you can always tell me.” Nag-aalalang sabi sa akin ni mommy. Hinaplos pa niya yung pisngi ko. “wala po talaga. Pagod lang po ako.” Sabi nga ng karamihan, ang mga nanay ay nakakaramdam kung may tinatago ang mga anak nila. Wag naman sana siyang makaramdam. “fine pero nandito lang ako. You can always talk to me.”

“thank you mommy.” She gave me one last smile before going out of my room. Siya na din ang nagpatay nung ilaw. Ang gusto ko lang ngayon ay matulog... gusto kong makatulog para naman makalimutan ko sa pagtulog ko kahit temporary lang yung sakit. Lumabas lang ako ng sandali, nandun na siya sa eksena. Ang sakit lang. Ganung eksena pa talaga ang maabutan ko?

Always Have, Always Will Book 2: On Your Mind Please Come Back To MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon