-Twenty Two-

1.3K 12 9
                                    

Chapter 22

Venedict’s Point of View

Mabuti nalang naabutan ko siya na nakatanga sa labas. Kailangan ko talagang gawin ito eh. Lumingon siya sa akin at mukhang iba yung timpla ng mukha niya. Yung mukha na handang-handa kang patayin anumang oras sa kahit na anong paraan. Napabuntong-hininga ako. “ayos lang ba sa iyo?” pilit kong pinahihinahon ang boses kahit ang totoo eh kinakabahan ako. Buti nalang madilim. Pinagpapawisan ako ng malamig dito. Shet.

Naglakad siya palapit sa akin. “anong kailangan mo? huh?!” halatang may galit sa tono niya pero hindi pasigaw ang pagkakasabi niya. Kilala ko si Chace bilang tao na kalmado sa halos lahat ng pagkakataon. “kakausapin lang kita. Yun lang.” Sagot ko sa kanya. “simulan mo na. Sinasayang mo ang oras ko.” Tumango nalang ako.

“maigsi lang naman ang sasabihin ko eh.... tandaan mo... babawiin ko siya sa iyo.” Humarap siya sa akin at nakangisi. “baka nakakalimutan mo yung sinabi ko sa iyo noon na oras na saktan mo siya eh hindi ako magdadalawang-isip na ilayo siya sa iyo...” alam ko na sinabi niya iyon pero wala akong balak sumuko. “ito nalang ang sasabihin ko... wala akong balak sumuko. Hangga’t kaya ko eh gagawin ko ang lahat.” Pagkasabi ko nun eh tinalikuran ko na siya pero alam ko naman na pinapatay niya ako sa tingin.

GAGAWIN KO ANG LAHAT. HINDI LANG AKO UUPO AT TATANGA.

Chace’s Point of View

Tinitigan ko lang siya hanggang sa mawala siya sa paningin ko. Potek ka talaga. Bwiset! WALA DIN AKONG BALAK SUMUKO!!!! Teka. Psh. Bakit ba sa utak lang ako nagsisisigaw dito? Pesteng iyan. Makauwi na nga. Di ko na sisiputin yung bibilhin ko dapat. Tss.

Umakyat nalang ako sa condo ko. Makatulog na para mawala ang pagkabadtrip kaso mukhang lalo pa akong mababadtrip. “ano sa tingin mo ang ginagawa mo dito?!” bat ba lahat ng mga nakakapagpabadtrip sa akin na tao eh nakikita ko ngayong gabi? Sabihin niyo nga? Bakit? Ang saya-saya ko kanina eh tapos biglang susulpot na parang kabute tong mga taong toh.

“ayaw mo kasing sagutin ang mga text at tawag ko kaya pinuntahan na kita.” Nakangiti pa siya niyan kaya lalo akong nabwiset. Hay. Bat ba sadyang may mga taong kahit anong gawin eh inis na inis ka at dahil sa pagkainis eh gusto mo nalang silang ihagis palabas... “hindi mo ba nararamdaman na ayaw kitang makausap kaya hindi ko sinasagot ang mga text at tawag mo?” pagkasabi ko nun eh binuksan ko na yung pinto at binilisan ko ang pagsara kaso sa kasamaang-palad eh naiharang niya yung paa niya. May saltik talaga toh. “ano bang problema mo?!” putek na iyan.

“papasukin mo ako! We need to talk.” Aba. Inuutusan ba ako nito? “hoi! Babaeng may saltik, hindi kita trip kausapin kaya pwede ba matutulog na ako. Lumayas ka na sa paningin ko.” Kaso nandun lang siya. Napasapo nalang ako sa mukha ko. “promise. Hindi ako magtatagal. Kakausapin lang naman kita. Please.” Hinayaan ko nalang siyang pumasok. Pag may ginawa siyang di kaaya-aya eh agad ko siyang itatapon palabas.

Umupo siya dun sa sofa at dun naman ako sa katapat na upuan. “o bilisan mo. inaantok ako.” Inayos niya yung upo ko. “sorry dun sa ginawa ko sa kapatid mo. hindi ko naman kasi alam.” Tiningnan ko lang siya. Wala akong balak magsabi ng salita ngayon. Makikinig nalang ako. “hindi ko sinasadya.” Pagkasabi niya nun eh tumayo siya at pumunta dun sa pinto. Sana hindi nalang siya pumasok ng unit ko kung ganun lang naman pala kaigsi ang sasabihin nun. May saltik talaga yun. “at hindi kita titigilan.” Pagkasabi niya nun eh tumaas lahat ng balahibo. What the heck?! Sisigawan ko sana siya kaso nakalabas na siya ng tuluyan. Napahiga nalang ako dun sa sofa. Ano ba iyan?! Hay buhay.

Always Have, Always Will Book 2: On Your Mind Please Come Back To MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon