-Seventeen-

1.4K 11 12
                                    

Author's Message:

Hello! Alam ko na karamihan sa mga nagbabasa nito hindi mahilig magbasa ng author's message. Okay lang naman sa akin iyon. Pero kasi ano... dun sa epilogue ng Book 1. Nalulungkot ako kasi naka-all caps na yung AM ko dun pero di pinansin. Nilagay ko naman kung paano mahahanap itong Book 2 kasi nga maraming nagsasabi na pag sinearch eh hindi siya lumalabas. Nilagay ko naman na makikita siya kapag na-click yung external link. Hindi naman ako nagagalit kaso medyo nakakalungkot lang na nilagay mo na dun, hindi nabasa tapos sasabihin na "nasan ba yung sinasabi mong Book 2? hindi naman namin makita!" mga ganun ba. Eh nilagay ko naman dun yung kailangang gawin. Hay. Medyo nakakalungkot lang.

Tapos about dun sa pag-sesearch... di ko din alam kung bakit hindi siya lumalabas. Sorry.

Naglagay lang ako ng AM dito kasi medyo nakakalungkot lang pero don't worry di ako galit. Kapag naman may nagtanong, sasagutin ko pa din. :))) Sorry kung medyo ang epal nung AM ko dito. Hay. Sorry talaga :))))

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter 17

 

December 7, Friday

 

Chace’s Point of View

 

“Andrei... kanina ka pa hindi mapakali dyan. May problema ka ba? Sabihin mo lang...” napatingin ako dun sa kamay namin. Bigla niya kasing hinawakan yung kamay ko. Nag-init bigla yung mukha ko. Shet. Simpleng hawak lang iyan ng kamay pero ang grabe na ng epekto sa akin. Hay Nathalie...

“nako wala ito. Kala mo lang yun.” Kinunutan lang niya ako ng noo. Ang cuuute niya!!! Alam ko naman na hindi siya naniniwala sa akin kasi kilalang-kilala niya ako. Paano ba naman ako hindi mapapakali eh yung bwiset na babaeng kasi na iyon...

Flashback:

 

Nandun na ako sa classroom ko. Hinihintay ko nalang namin yung prof at magsisimula na yung klase. Bakit kasi palaging late yung prof na iyon eh... nakakainis. “Chace...” ay palaka! Napatingin ako dun sa tumabi sa akin. Gumuho mundo ko. “pwede ba dun ka nalang! Ang daming bakanteng upuan doon oh...” ibinalik ko na yung tingin ko dun sa pinagkakaabalahan ko kanina. Naglalaro kasi ako dun sa cellphone ko.

 

Nagulat ako nung biglang lumapit siya sa akin at... shet! Anong balak niya sa kwintas ko. “nice necklace, pwede bang akin nalang iyan?” binawi ko sa kamay niya yung kwintas ko. Ayokong hinahawakan ng kung sino lang itong kwintas ko. “pwede ba dun ka nalang. Maghanap ka ng kausap mo!” normally, mabait akong makipag-usap sa mga babae pero exempted tong isang toh. Nakakainis eh.

 

“ano bang problema mo sa akin? Maganda naman ako ah. Kamukha ko naman siya. Hindi ka naman niya gusto kaya nandito naman ako.” Natigilan ako. Hindi daw ako gusto. Napayuko nalang ako. Alam ko naman iyon eh. Alam kong mahal pa din niya yung lalaking iyon pero hindi naman dapat na ipamukha pa sa akin nitong babaeng toh. “kamukha ka nga niya pero ibang-iba siya sa iyo. Hinding-hindi mo siya mapapantayan kahit kailan.”

Always Have, Always Will Book 2: On Your Mind Please Come Back To MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon