-Twenty One-

1.4K 14 16
                                    

Chapter 21

December 10, Monday

Chace’s Point of View

“pwede ba wag mo akong sundan?” sabi ko ng hindi lumilingon dun sa babaeng kanina pa sunod ng sunod sa akin. Kanina pa iyan eh. Papunta na ako ngayon dun sa parking lot. May date ako ngayon eh. Alam niyo na rin naman kung sino, hindi ba? Ayiee. “pero Chace... I really need to talk to you. Gusto kong magpaliwanag...” kulit talaga oh. “di ko na kailangan marinig ang explanation mo. wala akong pake... basta the deal is off.” Pagkasabi ko nito eh binilisan ko na yung lakad ko kaya naman ay hindi na niya ako naabutan. Mabuti naman.

Pagkarating ko sa parking lot eh nakita ko na kaagad si Nathalie na nakaupo dun sa bench malapit sa sasakyan ko. Napangiti ako. Kasi naman ang ganda ng pagkakaupo niya... pwedeng-pwede na siyang titigan magdamag. “sorry... matagal ka bang naghintay?” tumingin siya sa akin at nginitian ako. “hindi naman.” Sabi niya. Ngumiti din ako kaya ang labas eh nagngingitian kami. Mukha kaming tanga ah. “uh... Andrei... di pa ba tayo aalis? Para na tayong estatwa dito oh...” nabura yung ngiti ko ng mapansin ko na oo nga... kakahiya na to. Baka madala kami sa mental. Pinagbuksan ko siya ng pinto at saka ako umikot papunta sa driver’s seat.

Pinaandar ko na yung sasakyan. “saan mo ako ngayon dadalhin?” cheerful yung pagkakasabi niya. Napangiti naman ako pero siguro hindi niya mapapansin kasi nga nakatagilid ako. “sikreto. Sigurado akong di ka pa nakakapunta dito.” Secret kung saan ko siya dadalhin. “hmm... siguraduhin mo lang na matutuwa ako ah...” hinampas pa niya ako pero mahina lang. Hindi katulad nung kay Sandy na iisipin mo na bakal ang tumama sa iyo. Tiningnan ko yung oras doon sa loob ng sasakyan... alasdos palang ng hapon. Good. Makakarating kami dun siguro eh mga alaskwatro. Tamang-tama lang. Dalawang oras kasi ang biyahe papunta sa lugar na ito.

“Nathalie... kung inaantok ka, matulog ka muna. Medyo matagal pa ang biyahe. Dalawang oras.” Tumingin siya sa akin. “okay lang ba?” paniniguro niya. Syempre gusto ko matulog muna siya kahit sandali para matitigan ay este makapahinga siya at hindi niya makita yung mga dinadaanan namin para hindi niya mahulaan kung saan kami papunta. “oo naman. Hindi naman tayo maaksidente. Hindi ako inaantok at magaling ako mag-drive.” Yabang ko ah. “sige ah... huwag mo akong kakalimutang gisingin kasi ako yung ka-date mo.” nginitian ko lang siya. Isinandal na niya yung ulo niya doon sa upuan. Ready to sleep.

Kalagitnaan na ng biyahe. Medyo malapit-lapit na kami. Ang himbing na ng tulog niya ah. Nagmukha lalo siyang anghel pag tulog ka. Ang angel princess ko. Kapag tulog siya, parang nawawala yung mga pagbabagong nangyari nitong mga nakalipas na taon. Bumabalik yung dating Nathalie. Huminto kami dahil naka-stop light. Nakailaw yung pula. Pinagmasdan ko ang natutulog niyang mukha. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Hinalikan ko siya sa noo. “handa akong maghintay sa iyo. I love you...” iyan ang ibinulong ko sa kanya. Nadinig kaya niya? O sumama nalang sa panaginip niya? Ang himbing ng tulog niya eh.

Nathalie’s Point of View

 

May kumakalabit sa akin pero di ko pinansin. Inaantok pa ako. “nathalie... Nathalie...” may boses na patuloy na tumatawag sa akin. “Nathalie... hahalikan kita pag di ka pa gumising dyan...” doon nagising ang kaluluwa ko. Napadilat ako at isang gwapong mukha ang bumungad sa akin. Waah! “buti gising ka na. Mga ten minutes na siguro kitang ginigising. Grabe... tulog mantika ka pala at may tulo laway ka pa.” Nakangisi niyang sabi. Agad naman akong nagreak. Kinuha ko yung panyo ko at pinunasan yung bibig ko pero parang wala naman eh. “Pffft.... HAHHAHHA!” nahampas ko tuloy si Andrei ng wala sa oras. “Andrei!”

Always Have, Always Will Book 2: On Your Mind Please Come Back To MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon