-Thirty Eight-

576 9 1
                                    

Author's Message:

This is the last chapter at may epilogue pa. Click the external link if you like! Walang Book 3! :) Pero ewan ko nalang. Just click the external link. Hulaan nalang kung ano iyan. :)

Thanks!

HAPPY NEW YEAR!

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter 38

Nathalie’s Point of View

“Chace, gusto kitang kausapin ng maayos.” seryoso kong sabi sa kanya. Inaya niya kasi akong mag-dinner at sumama naman ako sa kanya. Ito na ang chance ko na makausap siya. Napagpasyahan ko na sundin yung advice ni Sandy. “sabi ko sa iyo, Andrei.” napakunot ang nook o. “seryoso ako.”

“seryoso din naman ako.” nawala yung ngiti niya sa mukha niya. “tungkol saan ba?” sabi niya sabay subo ng pagkain. Wala akong ganang kumain kasi kinakabahan talaga ako. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. “ano ba talaga ang gusto mong mangyari?” biglang kumunot ang noo niya. Binitawan niya yung kubyertos na kanina lang ay ginagamit niya sa pagkain. “mangyari?” tumango ako sabay inom ng tubig.

“hindi kita maintindihan.” sabi niya. I sighed. “naguguluhan ako sa mga ginagaw mo. kakakita ko lang sa iyo. sinungitan mo ako tapos bigla ka nalang naging parang friendly sa akin. bakit ba kung umakto ka ay parang walang nangyari… yun bang normal lang ang lahat?” hindi ko maiwasan na mabasag ang boses ko. feeling ko kasi maiiyak ako. Naalala ko na nasa public place nga pala kami. “please. huwag tayo dito. kailangan lang talaga kitang makausap.” hindi na siya umimik. tumayo na siya at nag-iwan ng pambayad sa table. Bahala na yung mga waiter na umasikaso doon. Keep the change na din siguro. Dito kami napadpad sa tabi ng pool na malapit sa mga kwarto naming.

Yumuko lang ako. Nagbabadya na kasing tumulo yung luha ko. Anytime ay babagsak na siya. Bigla kasing nag-flashback ang lahat sa akin. Yung lahat ng mga nangyari noon… lalong-lalu na yung sa New York. “bakit ka ba ganyan?” hindi na bumalik sa normal yung boses ko. “you’re crying?” akma niyang hahawakan yung pisngi ko nang pinigilan ko siya. “please, sagutin mo naman ako ng maayos.” pagmamakaawa ko sa kanya.

Walang nagsasalita sa amin. Yung lagaslas lang nang tubig sa pool at yung mga faint na sound ng pagka-busy ng lugar ang dinig. “tinatanong mo kung bakit ganito ako umakto?” hindi ako umimik. Pinapakinggan ko ang bawat salita na sinasabi niya. I need answers. “Nathalie, pinagsisihan ko yung lahat ng sinabi ko sa iyo nung nasa New York tayo. I lied. Ikaw pa din. Hindi ka nawawala sa isipan ko. I tried to forget everything about you pero hindi ko magawa. Kahit malayo ka sa akin, ikaw pa din. Wala nang iba.” lalong lumakas ang pag-agos ng luha ko. Totoo ba ang lahat ng sinasabi niya?

“gusto kong bumalik sa dati ang lahat. I am trying to pretend that everything’s okay. Siguro kasi naniniwala ako na pwedeng pagtakpan pero hindi pala.” He chuckled. “totoo ba ang lahat ng sinasabi mo?” is this counted as a confession? “ikaw na bahala kung maniniwala ka sa akin. ang tanga ko nung sinabi kong i-cancel  na yung engagement namin. akala ko kasi sa paraan na iyon ay makakalimutan na kita. akala ko kung puputulin ko ang lahat nang nag-uugnay sa atin ay makakalimutan kita pero nagkamali lang pala ako. hindi ko pala kaya.”

“my first year in New York is terrible. kung anu-ano ang ginagawa ko kaya nga nagkaroon ako ng bantay, si Rey.” na-imagine ko ang lahat ng mga struggles niya kahit hindi ko alam kung ano ba talaga ang nangyayari sa kanya. Lalo akong naiiyak. “natapos ko yung couse ko sa New York at nakakuha ako kaagad ng mga kliyente dagdag pa na pinapatulong na din ako ni papa sa business. I was lucky when tito asked me to work for him para sa construction nitong resort na ito. naisip ko na… paraan ito para makita kita ulit.”

Always Have, Always Will Book 2: On Your Mind Please Come Back To MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon