Author's Message:
Next week start yung dedications :)))
-----------------------------------------------------------------------------------------
Chapter 5
Chace’s Point of View
“I gave you a note yet you left it in your desk. Here.” Inabot niya sa akin yung papel na pinagsulatan niya. Binigyan ko siya ng tingin na nagtatanong. Ano ba kailangan nito? Parang natahimik ang mga kasamahan ko sa table. Ang atensyon nila ay nakapokus sa akin at sa babaeng ito. Ano nga ulit pangalan? Marty? Melly? Di ko kasi tinandaan yung sinabi niya kanina. “Miss, may kailangan ka ba?” Malamig kong tanong sa kanya. Medyo naiirita ako. Hindi kami close.
“I need to talk to you, Chace.” Kilala niya talaga ako. Hinde. Baka namukhaan lang niya ako sa isang magazine at trip niyang guluhin ako. Hindi nakakatuwa. Pramis. “Miss, sa totoo lang hindi kita kilala. Hindi ko alam kung bakit mo ako kilala pero pwede ba?” Pinukol ko siya ng masamang tingin. Pasensya na. Gusto ko ng masayang lunch. Peste. “Well, fine but please talk to me next time.” Nginitian niya ako at saka naglakad palayo. Badtrip yun ah.
“pre, nambababae ka? Harapan pa!” Binatukan ko si Charles. Unggoy na yun! Naramdaman kong nakatitig sa akin si Nathalie. Tumingin ako sa kanya at nagkatitigan kami ng mga ilang segundo. Siya ang unang kumalas sa titig. Ewan. Hay. Baliw yung babaeng iyon kung sino man yun. Ano nga ulit pangalan? Nakalimutan ko eh. Bahala siya.
Clara’s Point of View
Dear mommy,
Hinahanap ko ngayon si Dominick. Diba kailangan kong gumawa ng move? Syempre dapat magkakilala kami pero he is missing!
-Clara
Kanina pa ako palakad-lakad dito. Wala talaga eh. Missing. Missing in action ang prince ko. Pero nakita ko naman siya kaninang umaga nung papasok kami ni Emily. Where is he? Ewan. Pabalik-balik ako doon sa may bandang classroom niya. Sa pinakadulo kasi iyon. Mababali na ata ang leeg ko kakalingon doon sa loob. Alangan namang magtanong ako. Duh.
“miss, kanina ka pa. May hinahanap ka ba?” Ay! TINAPA! Aatakihin ako! Kasi naman may biglang nagsalita. Humarap ako at---- oh my gulay! Ang gwafu! Wait. Familiar face. Basta pamilyar. Di ko matandaan kung saan eh. “sino hinahanap mo?” tanong niya sa akin habang-ngiti. Oh my. Da smile! Lusaw na ako. Kung makangiti ay wagas. Pero walang makakatalo kay Dominick the great. Yeah.
“wa-wala. Napadaan lang.” Hihihihi. Hinahanap ko po si Dominick. Wekekekee (a/n: @willer! Yoo hoo! Peram ng tawa mo. Hehe. Yan ang natatandaan ko sa iyo.) “Clara?” Oh.
“mi-miss Emily.” Plastic ko! “kilala mo siya?” tanong ni gwapong boy. Gwapo niya eh. Wala akong masabi. Bagay sa kanya ang brown hair. (a/n: si Yuri Chinen po. LOL. Lumalaki na siya! Wah! Pero boy-ngiti pa rin siya. Hindi na nagbago. Hindi na ako makakapaglagay ng pic. Panoorin niyo nalang ang Sprout! Cute nung story. Pramis!) Kamukha niya si Souhei sa Sprout. Nagtatumbling kaya siya? SAMPLE! (a/n: syempre. Siya nga iyon! LOL.)
“kasama ko siya sa bahay.” Sagot ni Emily with a smile. May something ba? Huh? O pareho lang talaga silang adik sa ngiti? “ganun ba? Kanina ko pa kasi siya nakikita dyan. Palakad-lakad. Mukhang may hinahanap.” Napatingin sa akin si Emily. “may hinahanap ka, Clara?” umiling lang ako at saka nag-bow. Grr. Naglakad na ako palayo. Baka kung ano maisip nila.
BINABASA MO ANG
Always Have, Always Will Book 2: On Your Mind Please Come Back To Me
Teen Fiction(COMPLETED) Hindi sira ang engagement. Mahal ni Chace si Nathalie pero mahal pa rin ba siya ni Nathalie? What about the love story of Venedict and Nathalie? Does it still exist or is it totally extinct? Continuation of Always Have, Always Will story...