I was fully aware kung papaano mas lalong naging attractive ang kanyang mga mata kapag ito’y tinititigan at kung hindi ko pa itinuon sa ibang bagay ang aking mata, siguro parang isang tunaw na ice cream nalang siguro ako ngayon. His light brown eyes were complimented by his long eyelashes na mas nakakapagpapadagdag siguro ng charm sa taong ito. Tamang-tama lang ang pagkatangos ng kanyang ilong na alam kong isa sa mga magugustuhan ng mga babae sa kanya. And his lips were so kiss....
What was I thinking?!!
"So? Anong pakialam ko?" pagtataray ko.
Gusto ko tuloy umpugin ang sarili kong ulo sa pader sa tanong ko na obviously ay hindi ko naman pinag-isipan. Pero nang makita ko ang reaction niya, no way, hindi ko babawiin ang sinabi ko.
"Ha?" tulalang tanong niya.
"Tinanong ba kita kung sino ka?"
"Hindi naman.” Inayos muna niya ang sarili bago nagpatuloy. “Just thought na baka gugustuhin mong malaman ang pangalan ko."
Ang kapal!
"At bakit naman?" paghahamon ko sa kanya.
Hindi naman talaga ako maldita sa mga lalaki. 'Yung parang humahamon ng away or debate? Mabait naman ako sa mga lalaking kakilala ko, kahit itanong niyo pa sa mga kaclose ko na boys katulad ni Kristopher na kambal ni Keila. (minsan nga lang, inaaway niya ako) Pero bakit sa lalaking ito, lumalabas yata lahat ng kamalditahan ko? To think na pangalan pa lang ang alam ko sa kanya.
Sumatotal, hindi ko pa rin siya talagang kilala.
"Base sa paraan ng pagtingin mo sa akin. Kulang na nga lang, halikan mo ako." puno ng kumpiyansang sabi niya.
Times two ang kapal!
Na-feel ko ang pag-iinit ng mukha ko kaya alam kong hindi ko na kailangan pang tumingin sa harap nang salamin upang makita kung gaano na kapula ang pagmumukha ko.
"No way! Talagang napakakapal ng mukha mo, noh?"
Pero sa halip na mainis sa sinabi ko, tinawanan lang niya ako.
"Ba't ka namumula?" tukso niya.
So help me God.
Kung may hawak lang akong libro or bag ngayon, kanina ko pa siguro iyun itinapon sa kanya. Pero sa ngayon, ang tangi kong magagawa ay umalis sa harapan niya.
Walk-out.
"Whatever. Imagination mo lang 'yun!" tangi kong sinabi at nagmamadaling lumayo sa kanya.
Tila nabahala naman siguro siya sa ginawa kong pagwalk-out kaya agad itong sumunod sa akin na tila isang utusan.
"Saan ka pupunta?" usisa niya habang hinahabol ako.
Mukha niya.
Hindi ko na siya kakausapin hanggang sa magising na ako sa panaginip na ito.
Pero sandali nga lang, nasa panaginip pa rin ako?
Once again, nagself-abuse na naman ako at kinurot ang kawawa kong braso to see if panaginip pa rin ito. At dahil wala na naman akong naramdamang sakit, nasa dream pa din ako.
"Hoy, Le!" tawag niya.
Wait.
Bigla akong huminto sa paglalakad at hinarap siya.
"Paano mo nga pala nalaman ang pangalan ko?" tanong ko.
Kanina pa kasi naglalaro sa isipan ko kung paano niya nalaman ang pangalan ko, na never ko pa naman sinabi sa kanya since isa ako sa mga naniniwala sa famous quote ng mga ina na "Don't talk to strangers."..
Hindi naman siguro halata na nabigla siya sa tanong ko kasi halos lumuwa na ang kanyang mga mata dala nang pagkashock.
Pero syempre, biro lang ‘yun. Nakakadiri kaya.
Since talagang makikita at mababasa mo (kapag may mababasa ka) sa "napakagwapong" mukha niya, ang mukha ng isang taong parang walang salitang naapuhap na sasabihin.
"Hello? May kausap pa ba ako?"
Sa oras na ito, halos gusto ko nang tumalon at humalakhak at pumalakpak dahil sa kawalan niya ng mga salita.
Nawalan rin nang salita ang hambog!
Buti nga sa kanya.
"Alam ko lang." mahinang sabi niya.
Huminto ang lahat ng nagpupunyaging sistema ko sa katawan sa kanyang sinabi. Alam niya lang? Ano siya? May powers?
"Alam mo?"
Tango lang ang kanyang tugon.
“Paano?”
“Hindi ko pwedeng sabihin.”
Stalker ko siya?
“Hindi mo ako stalker.” Pahayag niya na tila nababasa ang nasa utak ko. "Hindi ko maaring sabihin sa ngayon. Pero sa tamang pagkakataon, siguro, malalaman mo rin." serysong wika nito.
Sa buong durasyon na magkasama kami, isa lang ang aking masasabi.
Pwede palang magseryoso ang isang hambog.
"Huwag mong sabihing crush mo ako?"
Agad na bumakas sa mukha niya ang pagkaaliw at pagkatuwa sa itinanong ko. "What?!"
“Ang sabi ko–“
Ano na naman ang sinabi ko?
For the nth time in my entire life, nahiya at napahamak na naman ako nang dahil sa mga pinagsasabi kong hindi ko man lang pinag-isipan. Kaya hayun, gusto ko tuloy hingin sa kung sinong nakikinig sa oras na iyun na sana, magiging invisible na ako, kahit sandali lang, kahit sa panaginip lang?
"Le, saan ka pupunta?” nag-aalalang tanong niya nang mapansing naglalakad na naman ako palayo sa kanya. "Hoy, Le!"
"Hindi ba ako pwedeng lumayo sa iyo?"
"Depende."
Hindi ko na lamang siya pinansin at nagpatuloy sa paglakad kahit na hindi ko na alam kung nasaan ako. Pero kahit malayo na ako sa pinagmulan ko, nakasunod pa rin siya sa akin.
"Ba't mo ba ako sinusundan?"
Unti-unting naiirita na ako kasi feeling niya, close na kami. Sa lahat ng klase ng taong ginawa ng Diyos, isa lang ayaw at ang pinakaayaw ko…
Ang mga feeling close.
Tulad ng isang ito.
"Naisip ko lang na baka kailangan mo ako." Sagot niya.
"Ano ka? Si Superman? Si Spiderman? In your dreams!"
"I'm already in your dreams."
Ang kulit!
May sasabihin pa sana ako sa kanya kaso biglang naging blurry ang paningin ko.
Anong nangyari?
"See you around." pahabol na wika niya.
At napagtanto kong tapos na naman ang isang panaginip ko kasama ang isang hambog na estranghero.
Ano nga ulit ang pangalan niya?
![](https://img.wattpad.com/cover/1884212-288-k797057.jpg)