Dahil sa mga narinig ko galing mismo sa mga ipinagsasabi ng mga kaibigan ko at sa ilang oras na pakikipagtalo sa sarili ko ay nabuhayan ako ng loob. Kasi parang nabigyan na nang kasagutan ‘yung nadarama kong kalituhan.
So ganito pala ‘yung feeling.
Tulad nga nang sinabi nila, ‘yung parang masaya ka kapag nandyan lang siya. Na kahit nag-aasaran kayo at malapit ka nang maubusan ng pasensya ay masaya ka pa rin. Kapag wala siya ni isang araw ay malulungkot ka na lang.
Weird pero masaya na tila kontento ka na sa buhay.
Talaga ngang magkaiba ang crush kaysa pagmamahal.
Mahal.
Kahit ang sabihin lang ang salitang iyon ay naweweirduhan ako at nakakapanibago at ewan. Hindi nga lang ako sanay.
Excited akong umuwi sa bahay at agad na pumasok ng kwarto ko. Tila nga sumali ako sa Guinness Book of World Records sa pabilisang maligo at magbihis at agad akong nahiga sa kama ko. Hindi pa umabot ang 5 minutes nang nakatulog na ako.
Weeeeee~
Pagbukas ko pa lang sa mga mata ko, may ideya na kaagad ako kung saan na naman ako dinala ni Roar sa panaginip ko.
“Dito kita unang nakilala. Naalala mo pa?” tanong ni Roar na nasa likuran ko. Hindi ko na siya nilingon pa at kontentong pinakinggan ang boses niya.
Tumango lang ako.
Nasa isang music room na naman kasi kaming dalawa. Pero hindi tulad nang unang panaginip ko kung saan siya umepal kaya nagbago na ang daloy ng buhay ko, kumpleto ‘yung mga musical instruments. May chair, may shelves. Hindi tulad nang unang panaginip na tanging piano lang. Ang piano na kailanman ay hinding-hindi mawawala.
“Alam mo bang natutuwa talaga akong pagmasdan ka habang takot na takot ka sa oras na iyon?” Tumawa siya at kaagad ko siyang tiningnan nang masama.
Pero natigilan ako nang makitang parang may nag-iba sa kanya. Tila mas namumutla siya at halos wala nang buhay ang kanyang tawa. “Roar, anong problema?”
Tumingin siya sa akin. “I’m sorry, Le. Kung ano man ‘yang nararamdaman mo, I can’t accept that.”
Hindi ko kailangan ng experto o manghuhula para malaman kung ano ang ibig niyang sabihin. Masakit. “Narinig mo na naman pala ‘yung pinag-uusapan namin.” Sabi ko na lang at tahimik na tinungo ang kinaroroonan ng piano.
Hindi ko pa nga sinabi, rejected na kaagad. Kawawa ko naman.
Maya-maya pa ay nagtugtog na ako.
Love me by Yiruma.
Nang matapos ay magsasalita na sana ako kaso inunahan na ako ni Roar. “Nararamdaman kong malapit na akong mawala Le.” Sabi niya.
“Huwag ka ngang magsabi nang ganyan! Hindi pa nga ako umaamin, nirereject mo na kaagad ako! Alam mo ba kung gaano kasakit ‘yun? At hindi pa nga umabot ng isang oras ang rejection mo, sasabihin mo na naman sa akin na malapit ka nang mawala?! Talaga bang pinapasakit mo ako?”
“Sinabi ko lang sa iyo ang totoo.” Mababa ang boses na sagot niya.
“Shut up.”
