Chapter 18

35 1 0
                                    

            Mula nang nagpahayag si Eugene nang damdamin sa akin, halos araw-araw na niya akong inaabangan sa school gate para sabay na kaming pumasok sa room. Tulad na lang ngayon.

            Habang papalapit ako sa kanya, hindi maikakaila kung gaano ito kagwapo at kung bakit crush na crush ko siya. Pero nang inaalisa ko ang sarili ko, parang may nagbago yata. Ni hindi man lang ako kinikilig kahit konti man lang. Hindi tulad noon na kinakailangan pa nila akong paaalalahanan upang hindi man lang tumulo ang laway ko.

            Ano ba ang nangyari?

            Noong una ay masaya ako kasi sa wakas ay natugunan na rin ang feelings ko. Nagtatalon pa nga ako sa saya nang sinabihan ko ang mga kaibigan ko sa unang araw nang ginagawang paghihintay ni Eugene sa akin pero ngayon, parang wala lang. Parehas lang nang feeling kung saan may naghihintay na friend sa iyo.

            Nagpaskil kaagad ako nang ngiti sa kanya nang sa wakas ay nagkaharap na kami.  

            “Hi,” bati niya.

            “Hello.” Bati ko rin. Walang anumang excitement o pagkakabulol akong nadarama.

            Kaagad niyang kinuha sa akin ang bag ko na usual na niyang ginagawa mula pa nang magsimula siyang manligaw. Ang pagiging gentleman niya ang isa sa mga bagay kung bakit nagkacrush ako sa kanya. Noon, konting gestures lang nang pagiging gentleman niya ay impit na akong tumitili, ngayon kung saan siya na nagprisintang magdala ng mabigat kong bag, balewala lang sa akin.

            Ano ba ang problema ko?!

Habang magkasabay kaming naglakad, naramdaman ko ang mapanuri at tila kinikilig na mga tingin ng mga schoolmates sa amin. Sabi nga ng mga kaibigan ko, isa kami sa known couples ngayon.

            Couples na kaagad, ni hindi pa nga naging kami. Kung naging kami na, ano na ang tawag nila d’un? Married?

            Tahimik lang akong nakikinig sa kanyang mga kwento, isa sa mga bagay na nagustuhan ko. Ayaw niyang ma-feel na out of place ‘yung kasama niya. Gusto niyang walang pagka-aloof kaming nadarama sa isa’t isa, which is a good thing.

            “Eugene.” Maya-maya’y tawag ko sa kanya. Napilitan kaming huminto malapit sa canteen.

            Ngumiting binalingan niya ako. “Bakit?”

            Dahil alam kong matagal pa ang flag ceremony at malapit lang naman ang room namin sa canteen, nagpasya akong umupo sa isa sa mga upuan sa canteen na tila naintindihan naman yata ni Eugene na seryoso ang pag-uusapan namin.

            Muli ay tinanong niya ako. “Anong problema, Le?”

            Umiling ako. “Hindi ko alam.” Sunud-sunod na umiling ako. “Hindi ko talaga alam.”

            Hinawakan niya ang mga kamay ko. “Bakit? Ano ba ang problema mo ngayon?”

            Napatingin ako sa kamay kong hawak niya. “Ito. Tingnan mo.” Ininguso ko ang kamay ko. “Noon, konting paghawak mo lang sa akin, tumitili na ako. Konting oras lang nang pag-uusap natin, halos mahimatay na ako sa tuwa. At noon, pinapangarap ko talagang hintayin mo ako sa pagpasok ko sa school tapos sabay pa tayong pumasok sa room.”

            Mataman lang niya akong tinitingnan na tila ipinapahiwatig nitong ituloy ko lang ang ipinagsasabi ko.

            “Pero ngayon… ngayon… Hindi ko na alam.” Nagsimula nang magtubig ang mga mata ko. “Inaamin ko, n’ung una, tuwang-tuwa ako nang sinabi mo sa akin na gusto mo na ako, sa wakas. Pero kalaunan, tila nasanay na ako.”

BHSE: Loving a Ghost (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon