Two weeks na ang lumipas mula nang nagkaroon ako ng isang weird na panaginip. Laking tuwa ko nga na hindi na ako muling nanaginip. Mas worse pa kaya iyun kaysa mga bangungot ko.
Kaya nagconclude ako na bunga lang ng wild imagination ko or dahil sa pagkapraning ko sa napanood kong horror movie ang panaginip na iyon at ang pusang nagpakita sa akin at nagbigay nang rose ay isang prank lang.
Akala ko, hindi na muli ako magkakaroon ng ganoong weird na dream.
Akala ko, hindi na ako magkakaroon ng horror dream na ako ang kawawang bida.
Akala ko, hindi ko na maririnig ang boses ng lalaking nasa panaginip na iyun.
Pero akala ko lang ‘yun.
Once again, nananaginip na naman ako as always. Pero alam kong ito ‘yung dream na pinakaayaw ko. Ang dream kung saan nandito ‘yung lalaking may-ari ng boses sa nakaraang panaginip ko.
Piinilit kong gisingin ang sarili ko. Kinurot, sinampal at halos mabugbog ko na nga ang katawan ko para kahit papaano, makatakas ako dito. Pero hindi eh. Parang kontrolado ng kung sino ang panaginip ko.
Takot at pangamba ang gustong madama ng isipan ko pero sa hindi malamang kadahilanan, at ease lang ang nadarama ko na parang wala akong dapat ipag-alala.
Hindi tulad ng naunang panaginip, this time, nasa isang hardin ako.
Sa isang napakagandang paraiso.
Ito ‘yung klase nang lugar na ninanais ko. Ang klase nang lugar na kahit na sino ay gustong puntahan.
The place is so breathtaking na parang napunta ako isang painting na pilit ipinapaguhit ng Mapeh Teacher namin. Kahit saang banda man ako tumingin, iba’t ibang klase ng bulaklak ang nakikita ko, mga halaman na hindi ko aakalaing nag-exist pala. Sa gawing kanan naman, may isang mini pond na may mga cute fishes under a small bridge. Sa kaliwa ay may isang maliit na entrance sa papunta sa forest. At sa may gitna, may fountain na hindi nakakasawang tingnan. Samahan pa ng langit na parang may mahikang nagpapawala ng masasamang vibes.
Pagkatapos magsightseeing, napansin kong may something sa likuran ng fountain kaya unti-unti kong nilapitan iyon. Hindi pa man ako tuluyang nakalapit, pumalinlang ang isang musikang gawa ng piano.
River Flows in You by Yiruma
Napahinto ako sa paglalakad nang mapagtantong may isang piano behind the fountain at may taong nagpatugtog.
Ba’t parang familiar?
The way his fingers touched each of the keys was very gentle na halos hindi mo makikitang lumapat ang kanyang daliri sa bawat nota. The way his head moved, his hair swayed back and forth, and the way his body connected to the rhythm of the melody he made.
Dala na siguro ng pagkahumaling ko sa musika, wala sa isip na humakbang ako palapit sa kanya upang maging dahilan kung bakit bigla na lang siyang huminto.
“Sorry.” Paghinging paumanhin ko kasabay nang pagyuko, only to find out that the ground is surrounded with blue petals.
Nawala ang pagkahiya ko sa lalaking nagpatugtog ng piano at agad natutok ang attention ko sa mga blue roses na nasa floor and everywhere!
Kailan pa nagkaroon nito?
Habang ina-appreciate ko pa ang beauty ng mga blue roses na hindi ko inaakalang mayroon talaga, may bigla akong narinig na mahihinang pagtawa sa likuran ko.
Slowly, hinarap ko kung sino iyun.
At hindi ko alam kung bakit bigla na lang naging abnormal ang pagtibok ng puso ko nang makita ang mukha ng lalaking sanhi ng panaginip na ito na hindi ko pa man nararamdaman ever since kahit pa nang itukso kaming dalawa ni Eugene, na mas naging abnormal pa nang ngumiti siya and finally said,
“Hi. I’m Roar.”
