Chapter 11

42 2 0
                                        

            Muli ay nasa isang unusual dream na naman ako.

            This time, nasa loob ako nang isang labyrinth. At sa bawat hakbang na tatahakin ko, tumutunog ang takong ng sapatos na suot ko na nakadagdag sa pagiging creepy ng atmosphere.

Step.

Step.

Step.

Hindi ko na yata kaya ‘to.

Habang tumatagal kasi, parang mas lumalamig yata ang paligid ko. And ngayon ko na yata paninindigan ang pagiging isa sa mga super matatakutin ng school. Kaya ipinikit ko ang mga mata ko and I hope na hindi ako mamamatay dito sa sobrang katakutan.

"Mamaaaaa. Gisingin mo na akoo."

Pero mga 30 seconds na yata ang lumipas at wala pa ring pagbabago sa paligid ko kahit pa nakapikit ako. Malamig pa rin ang paligid at hindi ko man lang naramdaman ang unan at malambot na kama ko. Kaya with all my courage and prayers na sana walang tumatawang multo akong makita, binuksan ko ang mga mata ko.

Sa kabutihang palad, wala naman at buti nalang din at wala na ako sa loob ng labyrinth. Ngayon ay nasa loob ako ng isang garden na napapaligiran ng green walls.

Para naman yata akong criminal nito. At bakit wala man lang akong makitang kahit isang pintuan? Puros walls lang kasi ang mga iyon at kung may pinto man, malamang na natabunan na ng mga halaman.

Nasa kasagsagan pa ako nang pag-appreciate sa kagandahan ng kalangitan sa taas nang bigla na lamang gumalaw ang isang bahagi ng wall na tila ‘yun ang pintuan. May pa-slow motion pang nalalaman ang kung sinong bumukas sa pintuang iyun dahilan para muling bumalik ang takot na nadarama ko kanina.

Sa oras na iyun, ang tanging gusto kong mangyari ay sana lumubog na ako sa kinatatayuan ko. Ang tunog pa na ginawa ng pintuan ay umalingawngaw sa buong lugar at ang tangi ko na lamang ginawa ay ipikit ang mga mata ko at tinakpan ng mga kamay ang mukha ko.

"Le? Umiiyak ka?" naaaliw na tanong ni Roar sa akin.

Mabilis kong pinunasan ang mga namumuong luha sa mga mata ko ko at agad na nilapitan si Roar at hinampas.

"Aray! Para saan ba ‘yun?" reklamo niya, hawak ang nasaktang ulo.

"Alam mo namang matatakutin akong tao tapos nagawa mo pang i-slow motion ang pag-open sa door na palaging ginagawa sa horror movies at tatanungin mo pa akong bakit ako umiiyak?! Langya mo."

Sa pagkainis ko, tinawanan pa niya ako. "Hmmn. Effective talaga pala iyun sa mga katulod mo."

"ROAR!"

"Just kidding."  sabi niya bago sinirado ang pintuan. “Ano na naman?!”

Mataman ko siyang tinitigan at lumakad palayo nang maglakad siya papalit sa akin. “Huwag kang lumapit.”

Bahagyang tumaas ang kaliwang kilay niya. “Ano bang problema mo?”

“Tayong dalawa.”

“Tapos?”

Naiilang na tumingin ako sa kanya. “Nasa isang closed place.”

“Tapos?”

“Hindi mo pa rin nakukuha??” frustrated na tanong ko sa kanya. Mas lalo pa akong nainis nang makita kong naaliw pa yata siya sa nangyari sa akin. “Roar! Mag-ayos ka nga! Tayong dalawa lang dito sa isang closed room!”

“Tapos?”

“Argghhhhh!”

Tila nakuha naman yata niya ang ibig kong sabihin dahil bigla siyang tumawa. “Natatakot kang gahasain kita?”

BHSE: Loving a Ghost (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon