Chapter 2: start of something...new?

169 2 3
                                        

"asdfghjkl!"

Never in my life happened na magigising ako na wala ang malambot kong bed, my pillows at may bukol pa sa ulo. But when I decided to focus my paningin sa paligid ko, that's when I realized something.

Masakit man aminin, but yes,  nahulog ako sa aking kama. And all of that was just a dream which is obvious naman kasi sa una pa lang, keyboard at hindi grand piano na nasa panaginip ko ang nasa music room namin. Isang keyboard na napalanunan ng music teacher namin at isa pang galing sa mabait na magulang ng batchmate namin ang aming ginagamit during our music classes.

Ang magandang side nga lang ay hindi ako binangungot kagabi. Usually, halos everyday akong binabangungot for no particular reason. Minsan, nararamdaman ko na lang ang tapik ng Mama ko or Papa, or worse, I ended waking up unable to open my eyes and move my hands nor my feet. Sa una, talagang natakot ako, na dahil sa sobrang takot ayoko nang matulog ulit. Pero dahil nga halos araw-araw na akong binabangungot kaya feeling ko, normal na 'yun for me pero sa iba napakaweird ko daw.

"Le! Bakit nandyan ka?" bungad ni mama sa akin ng makita niya akong nakahiga sa sahig.

Kung nasa normal na pag-iisip pa ako, agad-agad kong aayusin ang sarili ko na parang isang nakakahiyang eksena ang ginawa ko, na tama naman. Pero dahil nakahangover pa ang utak ko sa kung ano ang mukha ng mistery guy sa dream ko, nanatili pa rin akong nakahiga sa floor.

I was about to close my eyes once again sa pag-asang baka mapaganipan ko na naman ang lalaking iyun at makita ko na ang mukha niya ng makuha ng isa sa mga taong may nakakairitang tinig ang atensyon ko.

"Ate, why are you kissing the floor?" tanong ni Yodi, ang pinakaspoiled sa lahat ng mga batang nakilala ko na unfortunately ay kapatid ko.

"Kasi, I love the floor."

Ang nakakainis pa, tumawa ito. "But I thought you hate ipis, why there's na ipis beside you?"

Dahil siguro sa takot at adrenaline rush ay agad-agad akong umalis sa hinihigaan ko at mas mabilis pa sa isang segundong tumalon sa kama ko.

"Where?!"

"Buti naman at gising ka na rin."  saad ng Mama ko na mukhang natuwa pa sa sinapit ko. "Luckily, walang ipis na tumabi sa iyo nang nakita kitang nakahiga sa sahig."

Sa inis, ginulo ko ang buhok ni Yodi na alam ko namang ikagagalit niya. And when she was about to cry, kinarga na ito ni Mama para siguro pakainin ng breakfast.

Wait.

Breakfast.

Don't tell me.

"At ikaw, mag-ayos-ayos ka na at baka ma-late ka pa sa first day of school mo." 'yun lang at nawala na sila sa paningin ko.

First day of school.

"Torture!"

- - - - - - - - - - - - - - - - -

Pero kahit hindi naging maganda ang pagsisimula ng araw ko, nagmamadali pa rin akong naligo, nagbihis at kumain para aabot ako sa flag ceremony ng school. At dahil hindi naman masyadong malayo ang school sa bahay, napagpasyahan kong  maglakad.

Everything semmed so right not until a cat came to me.

CAME TO ME.

Ibig sabihin, hindi lang siya katulad ng ibang hayop na nadaraanan ko or nalalabayan ko. This cat was different. It was walking towards me, with a pretty pink rose in its mouth. 'Yung pinakahinihiling kong kulay ng rose na maaaring maibibigay ng isang tao sa akin.

Akala ko nga nananaginip pa ako sa oras na iyun kasi nga sino namang ordinaryong tao na nasa tamang pag-iisip na bibigyan ng isang pusa ng kulay pink na rosas. Kaya sinampal ko ang sarili ko, may naramdaman akong sakit. Actually, sobrang sakit pa nga kasi napasobrahan.

But the thing is, this is real!

So I just stared at the cat's eyes as it was walking towards me. But suddenly, bigla itong umalis leaving the pink rose behind. At dahil hindi ko na alam kung ano ang tumatakbo sa isipan ko, kinuha ko ang rosas sa semento.

Then again, that strange wind, katulad ng nasa panaginip ko, ang bigla na lamang umihip. Kasama parehong tinig na tumawag sa akin sa panaginip.

"Le."

But this time,

"I finally found you."

BHSE: Loving a Ghost (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon