It started one Sunday evening, tandang-tanda ko pa na nakahiga pa ako sa bed ko until suddenly, when i opened my eyes, napunta na lamang ako sa music room ng school namin. Ang pinakaweird nga lang ay wala na ang mga nakakairitang bookstands na kung minsan ay humaharang sa daraanan ko. Pero sa kabila n'un, pagkakita ko sa pinakamamahal na instrument ko sa tanang buhay, pumwesto na ako sa harap ng piano.
Playing piano was never a habit, it was always my passion. A passion na kahit anong problema ang daraanin ko, pansamantalang mawawala habang tumutugtog ako and eventually, malulutas after I played a complicated piece,
Nasa kasagsagan na ako ng pagtugtog nang may narinig akong ingay na galing sa pintuan. Hindi ko na sana iyun papansinin pero parang may kumakatok.
"Sino 'yan?"
Ilang segundo ang lumipas kaso walang kahit isang "Oo" akong narinig kaya napagpasyahan kong tumugtog na lang ulit.
"Le."
Sa pagkarinig nito, ora-oradang napatayo ako sa inuupuan ko. This time, hindi ko na talaga maipagkakailang natatakot na ako.
Isipin mo na lang na may biglang tatawag sa pangalan mo sa isang lugar na halos mabibingi ka na sa katahimikan. Tapos, biglang umihip pa ang isang napakamalamig na hangin out of no where. Air conditioned and sound-proofed ang music room namin pero sa oras na iyun, hindi naka-on ang air conditioner at wala ring ibang tao. Kaya iisa lang talaga ang maiisip ko.
Ghosts.
I love fantasy. I love Percy Jackson. I love Hunger Games. I love Harry Potter and whatsoever. But ghosts? Ibang usapan na iyan.
Sa school nga namin, hindi maikakaila na isa ako sa mga pinakamatatakuting estudyante. Kung 'yung iba, napakasaya kapag pinayagang magtayo ng Horror Booth ng intrams, pero sa mga katulad ko, we'd settle for the candy makers. Kahit nakakaiyak.
"Sino 'yan?"
At ang masama pa, parang pinaglalaruan pa yata ako ng multong ito, kasi nang napagpasyahan kong bumalik na sa inuupuan ko, naisipan pang kumatok. At dahil, well, matatakutin nga. Agad na pinuntahan ko ang pintuan. Irony of my mind.
"Hello~"
Once again, isang malamig na simoy ng hangin ang sumalubong sa akin. Samahan pa nang ideyang walang tao sa harapan ko. At naisipan ko pang sumilip sa empty hallways, napakatapang ko na talaga sa oras na iyun sa kabila ng panginginig ng mga binti ko.
Pero lahat ng tapang ko ay agad na nawala nang mapansin kong may tao sa likuran ko. With my extraordinary peripheral vision, mahihinuha kong naglalakad siya palapit sa akin. I really don't know where he came from. Wala namang window sa kwartong iyun. At masasabi kong lalaki siya based on how he walks and his shirt and pants.
Slowly, hinarap ko siya habang nakapikit.
"Hi."
I was about to open my eyes when suddenly...