Chapter 12

35 1 0
                                    

Tahimik lang akong naglalakad patungo sa bahay namin nang unfortunately, hindi ko inaasahang may sumusunod pala sa akin.

Tsk, ako na naman yata ang pinagtitripan ng mga lasenggong ito.

Kagagaling ko lang kasi sa bahay ni Daff. At since nahaluan ng mga chika at tawanan ang oras na paggawa ng projects, natagalan ako sa pag-uwi. May ilan pa nga kaming hindi natapos kaya nagdecide nalang kami na next week na iyon tatapusin.

"Psst."

Oh nooo.

Feel ko, at alam kong sa ngayon ay may katotohanan na ang feeling ko na may masama silang balak sa akin kahit alam kong kilala nila ang mukhang kong ‘to na halos araw-araw dumaraan sa pwestong kinaroroonan nila.

Dahil kahit alam kong minsan ay isa akong mighty warrior, sa ngayon alam kong wala naman akong panlaban sa kanila, sa oras na 'to ang tanging nasa isipan ko ay ang mga Rules na ginawa ng butihin kong pinsan na walang magawa sa buhay.

Pero malay ko, baka effective.

"Miss." wika ng isang lasenggo.

RULE NO 1. Ang sabi ni nanay, don't talk to strangers. Pero sa kasong ito, kapag hindi mo sila pinapansin, mas mangungulit pa sila.

"Ano ba 'yan. SI Miss, suplada pala."

"Nagpapakipot yata."

"Hi Miss."

Noon kasi, kapag nag-oovernight ako, minsan, inaabangan ako ni Papa sa kanto. Pero dahil dapithapon pa, akala namin, safe ako. Hindi na NAMAN pala. Gustuhin ko mang magpasundo ay hindi na maaari dahil naempty battery na ang phone ko at sa kamaang palad, hindi ko pa namemorize ang mga number nila.

"Hoy Miss! Bingi ka ba?"

"Ano ba 'yan, hindi naman kagandahan."

RULE NO 2. Huwag kang mapikon o mainsulto sa mga sinasabi nila. They don't know what they're saying at hindi nila alam na isa ka sa pinakamagandang dilag sa buong universe.

Mas binilisan ko pa ang lakad ko para kapag nasa perfect time na para tumakbo ako ay hindi na masyadong malayo.

Ayoko sana ‘tong sabihin pero unti-unti ay natatakot na ako.

"Miss."

Naramdaman kong mas bumilis rin ang kanilang lakad at isipin niyong lima sila. Lima laban sa isa. Unfair naman yata ‘yun!

"RULE NO. 3 Huwag magpanic.

Ewan ko lang kung kaya ko bang huwag magpanic. Kung sa earthquake drill, at fire drill ay palagi talaga nilang sinasabi 'yun,  sa oras na 'yun, ang masasabi ko lang ay...

huwag maging masyadong maganda,

huwag umuwi sa bahay lalo na kapag alam mong may lasenggong nag-aabang sa iyo sa kanto, hintaying sunduin ka ni Papa.

huwag hayaang malowbatt ang iyong phone,

huwag na huwag kang lumingon sa iyong pinanggalingan.

at huwag na huwag maging masyadong attractive sa mga lasing!

Kung may genie lang sa harap ko ngayon, ang isa sa mga wish ko ay sana makauwi na ako sa amin. Hindi naman masyadong kalayuan ang bahay naming galing sa kanto pero bakit sa ngayon parang ang layo-layo?

RULE NO. 4 Mas nakakatakot ang mga tao kaysa multo. (Well, hindi naman talaga 'to isang rule.)

Tama. Napakatama! Kaya tinatawagan ko ang lahat ng mga multo diyan, TULONG!

"Miss. Pinapagalit mo ba kami?" wika ng isang lalaki. At late ko nang narealize na nahawakan na ako ng isa sa kanila.

RULE NO. 5 Always bring pepper spray.

BHSE: Loving a Ghost (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon