Chapter 13

30 1 0
                                        

Pagkatapos nang napakastress na lingo na iyon, na puno ng test at quiz at mga bisitang nanggaling sa iba’t ibang panig ng bansa napagpasyahan ni Daffodil or Daffy or Daff para sa amin, na yayain kaming mamasyal sa birthday niya. Saktong Sabado iyon kaya marami-rami rin kaming pwede.

            Running to 15 pa nga siya pero dahil sa angking kagandahan ng bestfriend kong ito, marami na rin siyang nakamit sa buhay. Tulad na lang ng pagiging PromQueen nito sa naganap na JS Promenade namin. Tuwang-tuwa nga kami sa kanya at proud na proud pa. Kaso nga lang, ayaw nitong tinatawag naming siyang PromQueen dahil nakakailang raw lalo na’t ang tingin ng mga lower years o nakababatang schoolmate namin sa kanya ay isang prinsesa. Isa rin siyang part-time model sa isang international agency. Kahit hindi pa niya sabihin sa amin, alam na alam naming ilang libong piso ang kanyang natatanggap na sweldo kaso napakatipid nga lang nito. Isa ngang himala para sa amin na nagyaya itong mamasyal. At treat pa niya! Hindi kaya may galit ito sa pera?

            Pero nakakalungkot nga lang kasi last, last, last, year, 3 days before her birthday, hindi inaasahang sumakabilang buhay ang Mommy niya. Kaya nga hanging-hanga ako sa kaibigang ‘to kasi matatag pa rin siya. Hindi niya hinahayaang buong buhay siya magmukmok sa pagkawala ng ina niya.

            "Daff. Saan mo ba trip pumunta?" tanong ko sa kanya habang kumakain kami sa school canteen.

"Pinag-iisipan ko pa nga." sagot naman niya habang ngumunguya ng sandwich.

Natawa naman si Faye. "'Di ba bukas na ang birthday mo?"

"Oo nga. Don't tell me na katulad na naman dati ang celebrtion mo? Pabigla-bigla?"

"Pwede na rin." Pagsang-ayon pa niya. "Le, 'di ba sixteen kana?"

"Friend ba talaga kita?" kunwari ay may hinanakit na tanong ko sa kanya.

"Sadly, yes!" Tinapos na nito ang kinakaing sandwich at bigla na lamang tumayo.

"Alam ko na ang ibig sabihin niyan.” Sabi ni Divine na ang tinutukoy ay ang biglaang pagtayo ni Daff.

"So, ano nga ang nasa isip mo ngayon?"

"Maglakwatsa lang tayo. Kahit saan." Simpleng sagot ni Daff sa pangungulit ko.    "Aaahhh.”

“Ayaw niyo yata?”

“Hindi oy!” Sunud-sunod na umiling kami at nagbubulungan sa isa’t isa. “Ano ba naman kayo, once in a blue moon lang manlibre ang babaeng ito. Kaya payag na kayong lahat. “Gusto namin syempre. Gustong-gusto.” Pilit pa kaming ngumiti.

 Kahit saan.

Alam na namin kung ano ang ibig ng salitang iyan sa bokabularyo ni Daffodil. Either sa Ayala o sa SM na minsan lang rin naman pinapasyalan, noh? (Sarcastic)

~~*~~

            “Feel ko, hindi yata ‘to tama.” Puno ng takot na sabi ko sa mga kaibigan ko.

            “Huwag ka ngang killjoy.”

            “Minsan lang magkakaroon ng thrill sa buhay ko.” Tuwang-tuwang pagsang-ayon pa ni Mandee sa sinabi ni Via.

            Dapat kasi sa oras na iyon, nasa loob na kami ng SM at nagpapalamig na. Kaso, sa daan patungong mall, may isang nahagilap ang mga mata ng mga kaibigan ko. Kaya agad nilang inutusan ‘yung driver na lumapit sa lugar na iyon.

Which turns out na isa palang amusement park.

            Sa totoo lang, ngayon lang ako nakapasok ng amusement park. Oo, enjoy siya. Nakakatuwa ‘yung mga rides. ‘Yung mga karatula. ‘Yung mga…

BHSE: Loving a Ghost (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon