Tulad nang inaasahan nina Mama’t Papa, maaga palang sa umaga, mayroon nang mga reporters na gustong mag-interview sa akin kasi nga tila himala na nakasurvive ako na wala man lang ni konting gasgas sa mukha sa mga kamay ng isang serial killer. At dahil daw sa akin kaya nahuli na siya at mapayapa na ang buong lugar namin. Kaya ayun, paggising ko, itinuring na nila akong isang bayani.
Pero agad rin naman akong tumangging magpainterview kasi baka dahil dito kaya maexpose ‘yung mukha ko sa telebisyon na ayaw ko naman. Paano nalang kaya kung maggugulo ‘yung buhay ko? Kahit feel ko na masarap ang feeling na makita ang iyong sarili sa TV, mas gusto ko pa ring matahimik ang mundo ko. Magulo kasi ang showbiz industry, eh.
Wow. Advance lang ang pag-iisip, di ba?
Ayaw ko nga sanang pati pangalan ko ay ibabangit sa news pero iginiit ng mga magulang ko iyon. Para daw maproud ‘yung iba naming kamag-anak sa amin lalo na sa akin.
Dahil sa hindi inaasahang pangyayari, alam kong malapit na akong ma-late sa school. Kaya nagmamadali na akong lumabas ng bahay kahit alam kong marami ang nakaabang sa akin. Sinabihan na nga ako ni Papa na sa hapon na lang ako pumasok kaso hindi pwede kasi nga may test pa kami sa Physics at ayokong matigok ‘yung grades ko.
So ganun, papuntang school ay maraming tao ang napapatingin sa direksiyon ko. Siguro dahil mas mabilis pa sa apoy na kumalat ang balita na alam na nang buong sambayanan or dahil ang ganda ko sa umagang iyon.
Taliwas sa inaasahan ko, mahimbing akong natulog kagabi sa kabila ng nakakatakot at kagimbal-gimbal na naranasan ko.
Siguro kasi may inaasahan ka sa panaginip mo.
Roar.
Dahil nakasanayan ko na at dahil sa pangyayari, inaasahan kong makakausap siya sa panaginip ko at makapagpasalamat na rin ako sa kanya. Kahit hindi man niya sabihin, alam kong siya ang tumulong sa akin at siya ang may kagagawan kung bakit parang inengkanto ang killer na nasa harapan ko. Sa kabila nang kaalaman na si Roar ay isang… alam niyo na, isa sa mga kinatatakutan kong bagay sa mundo, hindi man lang ako natakot sa kanya. Sa katunayan, tila naproud pa nga ako sa sarili ko dahil may kaibigan akong multo. Kung kaibigan ngang maitatawag ‘yun. Pero nadismaya ako dahil nagising man lang ako na walang Roar na nangungulit at umaaway at kumakausap sa akin sa panaginip ko, ni wala nga akong panaginip. Mahimbing na mahimbing ang tulog ko sa gabing iyon.
“Le!” bungad kaagad ng mga kaklase ko pagpasok ko pa lang sa homeroom namin. “Kumusta ka?!”
“Maganda pa rin.” Nakangiting sagot ko.
“Ni hindi ka man lang natakot kagabi?”
“Hindi naman.” Kahit sa totoo’y halos mahimatay na ako sa takot. “Konti.” Agad kong pagpalit sa sagot ko. “Natakot rin naman oy!”
Tinawanan lang nila ako at kung anu-ano pa ang ibinabatong tanong nila sa akin.
“Ano bang mukha ng killer?”
Natigilan ako. “Hindi ko alam.”
“Hindi mo alam? Di ba ang sabi sa balita ang lapit-lapit na raw nang killer sa iyo?” usisa ng classmate ko.
Marahan akong tumango at napag-isip.
Alam ko na malapit lang ang killer sa mukha ko kagabi. At naiiyak nga ako ng makita ko ang mukha niya. Pero bakit wala man lang akong naaalala ni konting detalye sa mukha niya? Nakalimutan ko! Hindi ko na inalam kung saan kinulong ‘yung killer at ang buong pangalan niya kasi baka matakot lang ako at matrauma nalang. Pero kakaiba ‘to. Parang may kinuhang alaala sa isip ko.
Magsasalita na sana ako nang bigla nalang nag-invade ang mga kaibigan ko sa classroom namin. “Bakit nandito kayo?! Wala ba kayong mga klase?” tanong ko sa kanila. Buti nalang dumating na sila at nagsisipag-alisan na ang mga chismoso at chismosang classmate ko.