Chapter 19

28 1 0
                                    

            Kahit na naging clear na ang kung ano mang feelings ko para kay Eugene at bonus pa na may isa na akong gwapong kaibigan, may isa pa rin akong hindi naiintindihan sa sarili ko.

"Paano kapag nagkagusto ka sa isang taong hindi naman nag-eexist?" kulang ang salitang pagkagulat sa narinig kong tanong ni Keila.

“Weird.”

“Creepy.”

“Mag-ayos ka nga Keila.” Sunud-sunod na sagot ng mga kaibigan ko.

At bawat sagot ay tagos sa puso ko. At hindi ko alam kung bakit.

            Nang dahil sa sinabi ni Eugene sa akin kanina, kinukwestiyon ko tuloy kung ano ang nadarama ko kay Roar.

            Saan kaya siya ngayon?

“Ano na nga?!” nawawalan ng pasensya na tanong niya.

"Kung may gusto ka sa kanya at masaya ka rin naman kasama siya, okay lang para sa amin." wika ni Mandee na sa akin nakatingin. "Pero aalalahanin mo sanang baka matagalan pa bago kami masanay dahil hindi naman common ‘yung pinasukan mong relationship. Kung handa ka talagang ipaglaban ang pagmamahal mo,” bahagya pa siyang napangiwi pagkabanggit sa salitang “pagmamahal”, “palagi mong isipin na hindi ‘yan normal. Human and a lost soul.”

Nakagat-labi ako sa sinabi ni Mandee at hindi ko man lang alam kung ano ang sasabihin sa kanila. Bago pa lang kasi nila ako pinagalitan nang malaman nilang tinanggihan ko si Eugene. Kung gaano ako naging stupid dahil pinakawalan ko ang isang close to perfect guy. Hindi nalang ako nagkomento pa sa mga ipinagsasabi nila dahil parehas lang kami, na naiinis sa sarili ko. Pero ayoko namang lokohin ang sarili ko at si Eugene at ‘yung ibang mga tao kaya kahit gustuhin ko mang mag-open up sa kanila tungkol sa pinagdadaanan ko ngayon, nagpasya akong huwag na lang. At baka aayawan na ako nang mga kaibigan ko.

"Tama nga ang hinala ko." saad ni Daffodil.

Anong hinala?

"Le, kahit naiinis man ako sa iyo kasi pinakawalan mo si Eugene, masaya naman ako kasi naging honest ka hindi lang sa kanya kundi pati na rin sa sarili mo.” Kiming ngumiti siya. “Alam mo bang simula nang sumulpot ‘yang lalaki sa panaginip mo ay hindi mo na masyadong bukang-bibig si Eugene?”

Hindi ko yata napansin ‘yun.

“At pinag-uusapan lang natin siya kapag feeling mo ay dapat?” pagpapatuloy niya, “Pero… Kasi naman, Le. Sa dinarami-raming lalaki sa mundo, bakit isang supernatural pa ang napili mong gustuhin?"

Nahihiyang tumingin ako sa kanya. “Pero ano ba talaga ang tawag…”

“Sa alin?”

“’Yung kahit inaaway ka niya o kinukulit o inaasar at halos sirain ang araw mo ay masaya ka pa rin pero kapag wala naman siya ay tila hindi kumpleto ‘yung araw ko. Na parang may kulang sa pagkatao ko.”

“Ang lalehm.” Komento ni Jezzine.

Umiling si Cc. “Huwat is dat?”

“Tumahimik na nga lang kayo. Pagkatapos?” Saway ni Via sa mga ito.

“Iyon, sabi ni Eugene, someone special ko raw siya. ‘Yung parang nakuntento ka nang manatili sa tabi niya habang masaya kayong nag-uusap?”

Saglit na tumahimik kaming lahat.

“’Yan ba talaga ang nararamdaman mo ngayon?”

Nahihiyang tumango ako.

Ilang sandali pa ay nabigla na lang ako sa mga reaksiyon ng mga kaibigan kong parang nakadrugs yata.

“Gugma na!” na ang ibig sabihin ay pag-ibig na.

“Partey-partey~”

“If we fall in love…. Te-he-he-eh”

Biglang tumawa si Daff. “I knew it!” Sumingil pa ito kay Via na parang nagpustahan pa yata ang mga ito.

"Alam mo?”

 “Obvious kaya.”

            Hindi na lang ako nagkomento at nagpasyang tumahimik na lang. Tila nakuha na rin ng ilang mga kaibigan kong nakakaalam sa sekreto ko at nauunawang ngumiti. (ngunit maingay pa rin sila)

            “Mas nauna pang nagkaroon ng mga lablayps ang bata.”

            “Gwapo ba siya, Le?”

            “Awkward pa din.”

            “Ewan ko sa iyo. Le, Basta support lang ako.”

            “Galing! Isusumbong mo lang sa kanya kung sino ang nanakit sa iyo at mumultuhin lang niya.” Ani ni Fraulein na ikinatawa ng lahat.

            "Always mong isipin na nandito lang kaming lahat."

            Wala akong ibang maapuhap na sasabihin kaya niyakap ko na lang silang lahat. Kung alam lang nila kung gaano ako nagpapasalamat na naging mga kaibigan ko sila.

Best Friends ever.

"Alam niyo guys, hindi ko pa rin naiintindihan 'to." pahayag ni Cc.

"Ako din." pagsegunda naman ni Faye. Wala kasi sila sa birthday ni Daff kung saan natuklasan ng iba ang lihim ko.

"Magtataka pa ba kami kung maiintindihan niyo? Mas magtataka pa nga kami kung naiintindihan niyo." sabi ni Via na sinundan naming ng tawanan.

“I’M IN LOVE!!” proud na sigaw ko. Tila nahawa na kasi ako sa pagiging high nang mga kaibigan ko.

“That’s the spirit!”

Nagpasya akong sabihan sila sa ibang mga moments namin ni Roar at tila napakagaan na ng pakiramdam ko habang nagkukwento ako. 

BHSE: Loving a Ghost (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon