Lumipas na lang ang ilang mga araw at dumating na ulit ang nakakawalang-ganang Monday ay wala pa ring Roar na nagparamdam sa panaginip ko. Hindi naman sa namimiss ko na siya,
Eeeew. Never ko mamimiss ang lalaking iyon!
Ganun na nga, hindi naman sa namimiss ko siya kundi dahil hindi pa rin ako maayos na nakapagpasalamat sa ginawa niyang pagligtas sa akin. Inisip ko nga na baka natakot siya sa akin dahil nalaman kong multo siya. Pero ‘di ba dapat kabaliktaran? Ako ang mas dapat na matakot kasi matatakutin kaya ako sa multo?
Ewan.
Pansamantala ko muna iyang kalilimutan.
So sa ngayon ay hindi ko alam kung ano ang pumasok sa sistema ng mga teachers namin at maagang ibinigay sa amin ang mga projects sa ilang subjects. Pero narealize ko lang kalaunan na iba na pala ‘yung mga teachers namin at Seniors na rin pala ako.
Haha. Natawa nalang ako sa sarili ko.
Sa grading system kasi ng school namin, 25% ng average grade ay ang project. Kaya dapat namin ayusin ‘yun. Pero alam niyo kung ano ‘yung nakakatawa? Hindi na natuto ‘yung iba at sa gabi bago pa ‘yung deadline gumagawa ng project. Tuloy, stressed na stressed ang mga mukha nila sa araw ng deadline.
Pero masakit mang aminin, minsan ganyan kaya ako kapag sobra akong tinamad. Atleast kapag nakagraduate na ako, mapapangiti nalang ako kapag naalala ko ang kalokohang iyon. Pati na rin ang paggawa ng assignment sa school. Kung paano tila dinaanan ng bagyo ang mga sulat namin lalo na kapag mismong sa subject before ng subject na magpapass kami ng assignment gagawa. Worst ay kung sa oras ng subject kami mismo gagawa ng assignment! Pasimple pang tinatago ang notebook para hindi mahuli. ‘Yung mga taong nagagalit pa kapag hindi maayos ang pagkakasulat ng taong kinokopyahan o kapag hindi pa nakakasagot ‘yung tagasagot ng assignment.
Nakakatuwa talaga.
Pati na rin ang madaliang pag-aral ng mga lessons para sa test. Ang mga group study na wala man lang ibang ginawa kung magchikahan. Ang mga gimiks at mga kalokohan.
Mamimiss ko yata ‘to.
Balik sa project, halos lahat ay kinakailangan ng pagkakaroon ng partner except nalang sa Physics at Araling Panlipunan na dapat by group at English na individual. ‘Yung iba nga lang ay hindi pa ibinigay ng mga subject teacher namin. Buti na lang at sa una pa lang ay sinabihan ko na si Daff na kapag ganitong choose your partner, kaming dalawa nalang.
Dahil mukhang ginanahan akong gumawa ng project, sinabihan ko si Daff na ngayong Sabado nalang kami gumawa para kahit papaano hindi kami magigipit sa oras kapag mahirap ang ipinapagawang project. Agad rin naman siyang sumang-ayon at nagsuggest pa na mag-overnight nalang ako sa kanila this Friday para mataas ‘yung oras ng paggawa namin. Syempre, bilang mabuting anak, kaklase, partner at teenager, agad na sumang-ayon ako!
“Hi Le.”
Agad akong natigilan nang makilala ko kung sino ang nagmamay-ari ng boses na iyon. “Eugene…” nahihiyang ngumiti ako sa kanya.
“At kalian ka pa tinubuan ng hiya?”
Kung kalian hindi ko kinakailangan ang presensiya niya, ngayon pa nagparamdaman si Roar. Kung noon, gusto kong makita siya para magpasalamat sa ginawa niyang pagtanggol sa akin, nag-iba na ang isip ko.
Tingnan niyo nga, nang-iinis ba talaga ang mokong na ‘to? Hindi ko na lang siya pinansin at kinausap si Eugene.
“H-Hello.”
“Para kang…hmmn…” Hindi na tinapos ni Roar ang kanyang sinabi. Kahit hindi ko man siya nakikita, alam kong nasa tabi ko lang siya.
Kung hindi ko pa man siya kilala, malamang na natatakot na ako sa oras na ‘to. Sino kaya ang hindi kapag may kumausap na lang sa inyo bigla at hindi mo pa ito makikita. Pero dahil mukhang nasanay na ang sistema ko kaya sa ngayon, pilit kong inignora ang mga hirit niya. At kung hindi ko man siya kakilala, hinding-hindi ako matatakot sa kanya, sa halip ay maiinis pa ako.
Parang katulad lang ni Daff na panira nang moment ng mga taong may moment.
“Le?” tanong sa akin ni Eugene na tila naghihintay ng sagot ko.
Argh! “Ahmmn, ano nga iyon?” tanong ko sa kanya.
Naku naman! Bakit ngayon pa ako hindi nakikinig? At kay Eugene pa!
“Tinanong kamo kita kung may partner ka na sa MAPEH.” Sabi niya. Ang project kasi namin sa MAPEH ay ang magpresent nang kahit ano sa harap ng klase. Either kakanta ka o magpapatugtog with your partner. Para sa Music kasi ang project namin sa First Grading.
“Ahhh.. Too late, tsk. Tsk”
Malungkot na ningitian ko siya. “Kami na kasi ni Daff ang magpartner, eh. Pasensya na.”
Ewan ko kung namamalikmata lang ako pero nakita kong tila nanghihinayang siya sa pagtanggi ko. Kahit naman ako ay nanghinayang sa paghindi ko. Sobrang nanghihinayang. “Okay lang.” sabi nalang niya at muli ay nasilayan ko ang ngiti niya. “Gusto mong kumain?” yaya niya sa akin.
Ang gwapo talaga!
“Mas gwapo ng lang ako.”
“Shut up!” Hindi ko namalayang napalakas pala ang pagkasabi ko kaya inakala tuloy ni Eugene na siya ang tinutukoy ko kaya bahagya siyang nagulat sa ginawa kong pagsigaw.
“Ah. Sige.” Aalis na sana siya kung hindi ko lang siya pinigilan.
“Eugene!”
“Humanda ka talaga sa akin, Roar. Mamaya. Mamaya. Malilintikan ka talaga sa akin.”
“Okay.” Tila natutuwa pa siya sa banta ko.
“Sorry. May naalala lang ako.” Paghingi ko nang paumanhin kay Eugene. “Sure. Sure. Halika na baka may masamang espiritu pang eepal sa ’tin.”
Tumawa lang si Roar sa sinabi ko.
Hindi nalang nagkomento si Eugene sa sinabi ko at hinawakan ako sa braso. “Tara na. Baka maubusan na tayo ng pagkain.”
Dahil hindi ko inaasahan ang ginawang paghawak ni Eugene sa akin, parang robot na sumunod ako sa kanya. Ni hindi ko nga narinig pa ang ilang mga sinasabi niya kasi ang lakas na ng pagtibok ng puso ko. Nag-aalala nga ako kasi baka makawala sa ribcage ang puso ko dahil sa sobrang pagtibok.
“Oy. Ang tulo mo lumalaway.” Sabi ni Roar. “Teka, mali. Ang laway mo, tumutulo.”
Agad ko namang hinawakan ang baba ko at nang marinig ko ang pagtawa ni Roar, d’un ko lang napagtantong pinagtitripan lang niya ako.
“Wala ka talagang ibang magawa, noh?”
“Obvious ba?” sinundan pa niya ito ng tawa.
Konting-konti nalang talaga at malapit na talagang maubos ang pasensiya ko. Hindi ko nga alam kung papaano ko nagawang ngumiti sa kabila ng konsomisyong dala ni Roar.
“Anong gusto mong kainin? Bananacue o Pancit Canton?” nakangiting tanong ni Eugene sa akin.
Ahh. Siya pala ang dahilan.
“Ako! Gusto ko nang Barbie-cue.” Singit na naman ni Roar na wala yatang ibang gawin kundi ang sirain ang mood ko.
Inignora ko na lang siya at pilit tinutok ko ang atensyon kay Eugene. Mukhang mission accomplished naman ako dahil maya’t maya pa ay tumahimik na si Roar pero alam kong nasa tabi ko lang siya dahil nararamdaman ko ang presensiya niya kahit hindi ko naman siya nakikita.
Nang matapos kaming kumain ay bumalik na kami sa room namin. Malapit na kasi matapos ang break.
“Na-miss mo ako, noh?” biglang tanong ni Roar sa akin.
“Shut up Roar. Nang-iinis ka talaga, noh?”
![](https://img.wattpad.com/cover/1884212-288-k797057.jpg)