Chapter 8

45 2 0
                                    

Hindi ko lang nais sabihin, ngunit gusto kong ipagsigawan na talaga sa mga kaibigan ko na gustong-gusto ko nang umuwi kaso hindi ko kaya kasi isang importanteng topic ang pinag-uusapan namin ngayon.

            At iyon ay kung gaano ako ka-cute.

            Joke lang.

Ang reason kung bakit kami nagtipon-tipon ay kung ano na ang nangyari sa buhay ni Ailee, particularly sa lovelife. Pero sa tingin ko lang, maayos na ‘yung kaibigan namin. Tila nakaget-over na siya. Sino ba naman ang hindi makakaget-over kung ganyan kagwapo ang susundo sa iyo. Swerte pa at magkakapitbahay pa silang dalawa.

            Siguro gusto lang ng mga kaibigan ko ang mag-usap-usap o dahil masyado lang silang concern sa kaibigan namin na pati si Jamal, ang kapitbahay na tagasundo ni Ailee, ay kanilang pinag-uusapan.

            Pero hindi kasi usaping-pampuso ang kanilang pinag-uusapan. Kundi ang angking kagwapuhan ni Jamal na lamang ng daanglibong paligo kay Troy, ang dahilan kung bakit ISANG gabing lumuha ang kaibigan namin, na kabaliktaran naman ng kanyang baduy na pangalan.

            “Uwi na tayo…” mahinang wika ko na expectedly ay hindi nila pinagtuunan ng pansin.

            Tulad ng inaasahan, inabutan kami ng dilim kaya mas nangangamba ako o mas natatakot ako kaso ayaw kong sabihin sa kanila kasi… ayaw ko lang. Hindi ko naman kayang umalis na ako lamang kasi mas natatakot akong sumakay ng jeep nang mag-isa. Kasi paano naman kaya kung isa sa mga taong nakasabay ko ay ang killer at ‘yung mga natira ay kasabwat pala niya? Kawawa ko naman. Kaya naghintay na lang ako.

            Patience is a virtue, ika nga nila.

            Ganito kasi ‘yun. Laganap na ang balita kung saan may isang hindi pa kilalang murderer na pumapatay ng mga kababaihan bawat gabi sa hindi malamang kadahilanan. Ang mas nakakatakot pa, malapit sa lugar namin nagaganap ang mga krimen kaya malamang na baka sa susunod ay ako na pala ‘yung biktima. Ngunit sa halip na mag-alala at matakot ‘yung mga magulang ko, tinawanan lang nila ako nang sinabi ko sa kanila iyon. Matao naman sa daan galing sa babaan ng jeep hanggang sa bahay namin kaya safe ako. At saka, sino ba naman ang mag-iinterest sa isang tulad ko? Nakakasakit ng kagandahan, ha.

            Alam ko naman ang mga iyun kaso parang may nakakaiba ngayong gabi.

            Nang sa wakas ay nagpasya na silang umuwi ay lihim akong napatumbling sa tuwa, 6:30 na kaya. Paano nalang? Tahimik lang akong sumusunod kina Via, Keila at Fraulein na kadalasan kong kasama sa daan pauwi. Buti nalang at hindi nila ako pinansin kasi busy sila sa pagtatawa.

            Nang nasa gate na kami, parang may pwersang tila nag-aanyaya sa aking tumingin sa kabilang side ng daan. Bigla na lang akong namutla nang makita ko ang lalaking inakala kong sa panaginip ko lang mahahagilap.

            Roar…

            “…kung sino ‘yung mga taong nasa panaginip mo na hindi mo man lang kakilala, malamang multo ‘yun na tinititigan ka habang natutulog ka…’

            Kaagad kong iwinaksi ang ideya at tiningnan ng masama si Roar. Ewan ko lang kung matutuwa ako na nakita ko ang hambog na lalaking iyon sa totoong lugar na o matatakot kasi…

            “Le?” untag ni Fraulein sa akin na nakataas pa ang kaliwang kilay. “Sino ba ‘yang tinitingnan mo?” tanong pa niya habang tinitingnan kung sino ang pinagmamasdan ko.

            “Hindi mo ba siya nakita? Ayun oh!” tinuro ko ang kinaroroonan niya. “’Yan si Roar.”

            Umiling lang siya. “Pusa ba ang tinutukoy mo? Roar ba ang pangalan niyan?”

BHSE: Loving a Ghost (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon