Pagkatapos nang encounter namin sa manghuhula ay tila nawalan na nang gana ang mga kaibigan kong sumakay sa iba’t ibang rides kaya napagpasyahan naming sumunod nalang sa original plan at pumunta na lang sa Mall.
“Kain muna tayo.” Pahayag ni Daff na kaagad rin naman naming sinang-ayunan.
Napaka-unusual kasi sa tuwing may pagkain ay halos magpipiyesta kaming lahat na puno ng tawanan at saya. Pero this time, tahimik lang kami.
“Come on guys, birthday ko ngayon.” Paghihimutok ni Daff. “Kung ayaw niyo, ibibigay ko lang ang mga ito sa mga nagugutom na street children.” Umakto pa itong tatawag ng waiter na agad na pinigilan ni Jezzine.
“Huwag, girl. Sayang ang biyaya.”
Dahil doon, bumalik ulit ang sigla sa grupo.
Buti naman.
“Ang takaw mo talaga, Jezzine.” Puna ni Keila sa kanya.
“Wow. Ang nagsalita.”
Tumawa nalang kami at mayamaya pa’y nilantakan na ang in-order na food ni Daff para sa amin.
“Le. Bakit hindi mo sinabi sa amin?” tanong ni Divine na alam kong kanina pa niya pinipigilang magtanong.
“Ang alin?”
“Na may ghost palang gumagambala sa iyo.” Saad ni Therese.
Nahulaan kong halos napukaw na ang mga atensyon ng mga kaibigan ko kaya masyado akong kinabahan. Kung ano baa ng dapat kong sabihin at hindi dapat sabihin. Pero paano nalang kaya kung hindi sila naniniwala kasi kahit ako, ayokong maniwala sa mga pangyayari sa buhay ko. Paano nalang kung maweweirduhan sila sa akin at lalayo?
Hindi naman siguro, ‘di ba?
“Lost soul daw. Sabi ng manghuhula.”
“Same lang ‘yun.” Giit ni Hazel na kanina pa yata may gustong sabihin.”Parehas lang ang ligaw na kaluluwa at mga multo. Both ay spirits.”
Umiling ako.“Magkaiba nga.”
“Pero Le,” singit ni Via bago pa man kami magdedebate ni hazel.”Bakit hindi mo man lang sinabi sa amin? Di ba ang problema ng isa, problema ng lahat?”
“Oo nga. Kaso hindi naman siya naging problema sa akin. Sa katunayan, minsan nga tinutulungan niya ako.”
“Tulungan?! Kaluluwang tumutulong sa isang tao?” nagtatakang tanong ni Shery.
Shh. Ingay talaga ng babaeng ‘to. “Hinaan mo nga ang boses mo.” Saway ko sa kanya.
“Sorry! Pero hindi nga, talaga?!”
“Ganito, naalala niyo n’ung muntik na akong mapatay ng killer?”
“Wait.” Pagpigil ni Cindy sa sasabihin ko. “Huwag mong sabihin na siya ang tumulong sa iyo?”
Sunud-sunod na tumango ako kahit alam kong mahirap paniwalaan pero iyon talaga ang nangyari.
“At Daff.” Tawag ko sa kaibigan ko. “Naalala mo last Saturday? Nang nag-aalala ka na baka aanuhin ako ng mga lasing na mga tambay? Muntik na nga akong mabiktima nila…”
“Ngunit tinulungan ka na naman niya?” tanong naman ni Dolly.
Natahimik lang silang lahat at tiningnan ako na tila hindi kapani-paniwala ang mga sinasabi ko. Hindi ko naman talaga sila masisisi kasi hindi common ang makipagkaibigan sa isang multo-este-ligaw na kaluluwa. Pero ganun naman talaga ang nangyari at kung idedeny ko pa sa kanila, baka magalit lang sila sa akin.
Bigla na lang tumawa si Mandee. “Ang galing!”
“Oo nga. Parang isang fiction story na binigyang buhay!” ani ni Jade. “Ang swerte mo naman, Le.”
Swerte?
Swerte ba ‘yung halos buong gabi may gagambala sa peaceful dreams mo na kung minsan…hindi! Palagi na… na palaging nangungulit, sumasaway, minsan pa’y sumisira ng magandang araw ko? Swerte ba ‘yung halos palagi na lang niya akong tinatakot? Oo nga, tagapagligtas ko siya. Savior. Utang ko sa kanya ang buhay ko. Kaya… wait. Paano kung in exchange sa pagligtas niya sa akin ay ang buhay ko? No way!!
Le, ‘yung mga imaginations mo. Exaggerated na naman.
“Ano ‘yung feeling na may tagapagligtas ka?” excited na tanong ni Ailee.
“Bakit mo ba tinatanong si Le, eh ‘di ba naranasan mo rin naman ‘yan, Jamal?” panunukso ni Via sa kanya na dahilan upang kaagad nagblush ‘yung kaibigan namin.
“Iba kaya kay, Le.” Wika ni Ailee. “Sige na sagutin mo ‘yung sagot ko.”
Nag-aalinlangan na ngumiti ako. “Syempre, iba. N’ung una nga halos mamatay ako sa takot kasi takot rin ako sa multo tapos multo pa ang tutulong sa akin pero kalaunan, narealize ko na iba naman siya. Makulit paminsan-minsan pero masaya.”
“Ang sweet naman.”
“Pero, ‘di ba ang sabi ng manghuhula ay ano ba ‘yun? Panaginip? Nasa panaginip mo siya?” tanong ni Fraulein.
Nagdadalawang-isip pa ako kung sasabihin ko ba sa kanila o hindi ‘yung panaginip ko nang naramdaman kong may bahagyang tumapik sa balikat ko.
“Sige lang.”
“Actually, sa panaginip ko nga siya unang nakita o nagparamdam.”
Bahagya pa silang napanganga na ikinatawa ko lang. “Talaga?!”
“At ayun, halos palagi na lang siyang nasa panaginip ko.” Balewalang sabi ko. “Minsan nga inakala kong katulad kina Danielle at Ian,” agad kong nilingon ang kaibigan kong agad na napasimangot, “’yung mutual dreaming, pero iba, eh. Ni hindi ko nga siya kilala in the first place kahit nang tao pa siya.”
“Ahhh…” sabay-sabay na sabi nila.
“So, anong pangalan niya?” nanunuksong tingin na biglang tanong ni Eyashi sa akin. Oo nga pala, hindi ko alam kung paano pero naging official na kasali ang bruhang baklang ito sa grupo namin.
Hindi ako agad nakapagsalita. Tinatantya ko pa kasi kung dapat ko bang sabihin o hindi. At si Roar naman. Kung kalian kailangan ko ng advice niya, ngayon pa hindi nagsalita!!!
“Ahmm. Hindi ko alam.” Pagkakaila ko.
“Hindi mo alam o hindi mo gustong sabihin?”
Nahihiyang tumango lamang ako. Bahala na sila kung anong sago tang gusto nilang paniwalaan.
Sandaling tumahimik sila. ‘Yung iba, tila kinikilig pa pero si Keila, iba. “Okay na sana ‘yung love story ninyong dalawa…”
“Anong love story?! Ni hindi ko nga masundo ‘yung taong iyon!” nasusukang sabi ko. Eversince nakilala ko ‘yung lalaking ‘yun… ah ewan! Nakakaloka!
“Ahh. Mabuti kasi isang tao at isang ligaw na kaluluwa na magmamahalan ay napaka-no-no.” sansala ni Daff sa sasabihin ni Keila.
“At napaka-unique.” Dagdag naman ni Danielle.
Tumango lang ako at nagpasyang tumahimik.
Paano kaya?
Yaks. Huwag mo nang isipin ‘yan.
![](https://img.wattpad.com/cover/1884212-288-k797057.jpg)