Chapter 3

137 2 1
                                    

Siguro kung nasa isang movie ako, masasabi kong this is mysteriously romantic. Pero… Pero…

            NASA TOTOONG BUHAY AKO!

            At dahil isa ako sa mga likas na matatakutin at isang normal na tao na nakaappreciate nang salitang “horror” ay binilisan ko na ang paglakad papuntang school. Halos lahat na nga ng shortcut na maari kong magamit sa oras na iyun ay ginamit ko na. Kaya lang, wa epek.

            Kasi nasa main road ako.

            Ibig sabihin, walang shortcut dahil isa lang ang daan.

            Malas.

            And speaking of malas, naririnig ko na ang pagtunog ng bell ng school ko, which means magsisimula na ang flag ceremony and which also means na malalate na talaga ako kung hindi ko man lang bibilisan ang paglalakad ko.

            Imagine!

            Nasa more than 50 meters away from school pa ako.

            Bakit kasi naisipan ko pang maglakad patungong school?

            Kaya ayun, lakad-takbo na ang ginawa ko. At wala akong pakialam kung gulong-gulo na ang hair ko basta’t hindi lang ako maging late sa first day ng last year ko sa high school. At wala na rin akong pakialam sa pusang iyun!

            Bahala na siya.

            Kung tatanungin niyo ako kung bakit hindi na lang ako nagjeep, aba ewan ko sa sarili ko. At tadaaa~ eto ang napala ko.

            Malapit nasanaakong makapasok sa gate namin, nang unfortunately, may nakabanggaan ako.

            Tingnan mo nga naman oh. Nagkatotoo ‘yung prediction ni Faye sa first day of class ko this year. May nakabanggaan daw ako. Charr!

            “Arouch!”

            PS: Aray  +  Ouch = Arouch

            “I’m sorry Le.” Narinig kong sabi ng napakapamilyar na boses sa akin na dahilan kung bakit malapit akong mapahalik sa semento nang wala sa oras.

            “Anong so–… Hi.”

This can’t be.

“Good morning, Le. Sorry talaga kung nabangga kita.” Paghingi ng paumanhin ni Terrence sa akin.

“Okay lang.” basta ikaw. Nakangiting wika ko sa kanya. Kulang na nga lang at umabot sa magkabilang tenga ko ang aking ngiti.

Kung bakit kasi napakagwapo ng lalaking ‘to!

“Le, ang laway, tumutulo na.” sabad ni Keila na hindi ko alam kung saan nanggaling na bigla na lamang sumusulpot at nawawala.

“Ang buhok mo.” Wika naman ng kakambal nitong si Kristopher na nakasunod lang pala.

Automatikong napahawak ako sa buhok kong alam ko na sabog na sabog na at kulang na lang ay mga itlog ng ibon upang tuluyan maging bird’s nest.

Oh no!

Bago pa man ako lumubog sa kahihiyang napala ko, nagpaalam na sa akin si Terrence at nagmamadaling pumunta sa Guidance Office kasi hindi pa rin niya alam kung saang section siya napabilang this year.

Dahil sa hindi ko pagkaget-over na siya ang first nakita ko this morning (aside from that pusa), naging first batch tuloy ako sa mga Latecomers. Pero dahil first day of school pa naman, hindi muna kami pinalinis. (Ilang minuto pa kasi akong nakatulala sa harap ng campus gate naming.)

Feel na feel ko pa ang moment patungong classroom nang bigla na lang may dumaang pusa sa harapan ko dahilan para matakot ako at patakbong pumunta sa room.

Nananadya?

Buti na lang at hindi strict at super ganda nang adviser ko this year at pinaupo na kaagad ako sa chair ko. At ewan ko kung bakit pero may bagong trip ang faculty naming this year.

Sa enrolment, sinabihan na kami kung ano at saang section kami mapapadpad, pati na rin ang seat number namin pero dapat wala kaming pagsasabihan kahit na parents namin. But dahil minsan wala sa amin ang salitang “sumunod sa utos”, alam ko na kung saang section napunta ang ibang friends ko. 

 Nang sa wakas ay nasa assigned seat na ako, napansin kong vacant pa ‘yung katabi kong upuan?

Sino kaya ang mas late pa sa akin?

At bilang kasagutan sa aking katanungan, may bigla na lamang kumatok sa pinto ng room namin na sa tingin ko ay ang seatmate ko pero wala akong balak na tingnan kasi napagod pa ako sa adventure ko.

Sana ka-vibes or kasundo ko po siya.

May narinig akong mga OA na pagsinghap at mga “Ohmaygosh” sa paligid ko. ‘Yung iba nga tumingin sa akin na parang may ibinibigay na signs or mental messages lalong-lalo na sila Fraulein, at Shery na tuwang-tuwa ang hitsura.

“Good morning, Ma’am. I’m sorry that I am late.”

Pagkarinig pa lamang sa boses, agad akong napatingin sa pintuan at hayun…

Si Terrence nga.

Is this destiny? 

BHSE: Loving a Ghost (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon