Chapter 16

33 2 0
                                    

For the nth time this week, ilang beses na akong inulan nang tukso ng mga kaibigan ko dahil sa mga rosas na natatanggap ko from anonymous person araw-araw. Hindi naman Valentine’s Day, at ang layo-layo pa nang araw na iyon kaya nag-assume kaagad silang may secret admirer ako.

Kung alam lang nila…

"Nagdadalaga na ang bunso natin." tukso ni Via sa akin.

Tumikhim si Daff. “Ehem. Ako ang bunso.”

“Pero mas baby face kaya ako sa iyo.” Sabi ko habang nagpapacute.

“Hindi bagay.”

"Nakakainggit ka naman Le. Buti ka pa. May lovelife na. Ako? Wala pa rin." pagmumokmok ni Jezzine na atat na atat na yatang magkakalovelife.

Inilahad ko sa kanya ang isang tangkay ng rosas. “Gusto mo sa iyo na lang ‘to?”

“Talaga?”

“Joke lang.” nakangiting wika ko pero biro ko lang ‘yun dahil agad kong ibinigay kay Jezzine ang natanggap kong rosas.

            Napabuntung-hininga na lang ulit ako nang nakarinig na naman nang bagong set of appreciation.

            " Humanda ka talaga, Roar…"

            Narinig kong bahagya pang tumawa si Roar na naramdaman kong nasa tabi ko lang. “I will.”

            Simula nang malaman ko kung ano ang talagang nangyari sa buhay ni Roar ay napansin kong mas naging close pa kaming dalawa. Halos araw-araw na nga kaming nag-uusap sa panaginip ko. Minsan, dinadamayan pa niya ako sa hinanakit ko sa mga teachers kong kulang nalang ay patayin kami sa mga assignments, tests at projects. Minsan rin, nagkukwento siya sa mga masasayang pangyayari sa buhay niya nang hindi pa siya nacomatose.

            Pero ang kadalasan talaga naming ginagawa ngayon ay ang mag-asaran.

            Tulad na lang ngayon.

            Gusto kasing malaman ni Roar kung ano ang magiging reaksiyon ko kapag may anonymous na taong magbibigay sa akin ng rosas kaya napagtripan niyang maglagay sa desk ko o sa locker ng rosas na ginawang malaking issue ng mga kaibigan ko. Simula’t sapol pa lang ay alam ko na siya na kaagad iyon nang minsang namali siya nang inilagay niya sa locker ko ang rosas.

            Nagkataong whole day ay nasa room lang kami nang araw na iyon. At dahil malapit lang ako sa locker ko, madali kong malalaman kung sino ang nagtatangkang makialam sa gamit ko.

            Bago ko pa lang kinuha ‘yung libro ko nang kinakailangan ko na namang kunin ang notebook ko para magsulat nang mga notes. Pagbukas ko sa locker ko, isang tangkay ng rosas ang agad sumalubong sa akin. Saglit na napaisip ako kung may tao bang lumapit sa locker ko at pasimpleng naglagay ng rosas. Pero sa abot nang aking makakayang alalahanin, wala naman.

            Hanggang sa makabalik ako ng upuan ko, naging palaisipan pa rin sa akin kung paano ito napunta doon nang hindi man lang nabuksan ang locker kong dinaig ang lahat ng mga lock sa kulungan.

            Isa lang naman ang alam kong may kakayahang gumawa ng milagro…

            Agad akong napangiti.

            Roar.

            At ‘yan ang adventures nang Paano-Ko-Nalaman-Ang-Secret-Admirer-Kuno-Ko.

            Halos araw-araw na akong naririndi sa mga kilig na hinaig ng mga kababaihan sa akin, mapabatchmate man o lower years kaya sanay na ako. Samahan pa nang pangungulit ng ligaw na kaluluwa o mas gusto ko tuloy tawaging “multong” kaibigan ko.

            “Bakit ibinigay mo kay Jezzine ‘yun?” tila galit na tanong nito sa akin.

            “Sabi nang Mama ko na mabuti raw ang magshare!” sabi ko sa utak ko. Dahil alam ko namang may kakayahan si Roar na magread nang minds, hindi na ako nag-abala pang isatinig ang gusto kong sabihin sa kanya.

            Nakakatuwa dahil kapag may nadiskitahan kaming tao sa paligid namin ay malaya naming iyong magagawa, ang disadvantage nga lang ay kapag nakakatawa na ‘yung pinag-uusapan namin, hindi ko mapigilang tumawa nang mag-isa.

            Habang pabalik na ako nang room namin, napansin kong marami-rami yata ang mga nagkakagulong estudyante dito. Pilit akong sumiksik sa mga tao upang makiraan at makuha ang bag ko sa locker. Pero pagpasok ko pa lang nang room ay agad akong napatulala nang makita ko si Eugene dala-dala ang isang bungkos ng rosas na halos katulad nang palagi kong natatanggap araw-araw.

            “Woooohooo~ Ano ‘to?”

            “Hindi ko rin alam.” Sagot ko sa tanong ni Roar. Naramdaman kong nawala na siya sa tabi ko at nang inilibot ko ang paningin sa paligid, nakita ko siyang prenteng nakaupo sa isang silya.

            Oh yes. Nagpakita. Meaning sinadya niyang magpakita sa akin.

            Bigla nalang lumapit si Eugene sa akin at maingat na ibinigay sa akin ang kanyang hawak na mga rosas. “For you.”

            Impit na tumili ang mga kababaihang nanonood sa ngayon.

            Kiming ngumiti ako habang tinatanggap ko iyon. “Thank you.”

            Dahil sa likurang bahagi ni Eugene nakaupo si Roar, hindi sinasadyang nakita ko ang ekspresyon niya sa mukha. At ngayon ko lang iyon nakita na… walang ni isang emosyon. Why?

            “So si Eugene pala ang secret admirer ni Le!” pagconclude nang isa sa mga kababaihang nandoon. Iwawasto ko sana siya nang nagsenyas si Roar na tumahimik na lang.

            Sabagay, kapag iwinasto ko iyon, ano naman ang sasabihin ko? Paano ko iexplain sa kanila kung sakaling tatanungin ako nila kung bakit ko alam na hindi si Eugene ang secret admirer ko.

            Ngumiti lang ako kay Eugene na tila nahihiya pa sa akin.

            Inamoy ko ang rosas na ibinigay niya at nagbabakasakaling katulad iyon nang amoy ng rosas na palaging ibinibigay ni Roar sa akin. Pero hindi.

            Magkatulad lang sila sa pisikal na anyo. Ngunit marami silang kaibihang taglay.

            Wala sa sariling nilaro-laro ko lang ang mga bulaklak nang bigla na lang nagsalita si Eugene na kanina pa mula nang ibinigay niya sa akin ang mga rosas ay tahimik na nakamasid sa akin.

            “Le.”

            “Hmmn.” Nilingon ko siya.

            Tumikhim muna siya at tila nahihiyang tumingin sa mga taong nakasilip sa bintana ng room namin. “Pwedeng manligaw?”

            Gulat na napatingin ako sa kanya. Pilit hinahanap ang hint na nagbibiro lang siya. Ngunit nang aking pagmasdan nang maigi ang mukha niya. He is serious.

            Tulad ko ay bahagyang natigilan rin si Roar nang dahil sa sinabi ni Eugene. Pero teka nga, ano ba naman ang pakialam ko sa kung ano man ang magiging reaction niya? Tama. Tama.

So, sa ngayoonn…

Sino ba naman kasi ang hindi mabibigla sa sitwasyon ko ngayon?! It’s like dream come true! Pero bahagya nga lang akong nadiscourage kasi nga hindi niya inamin na hindi naman siya ‘yung nagbibigay ng mga rosas.

            “Bakit?” nagtatakang tanong ko. Awkward kasi para sa akin na sa wakas ay natugunan na ang feelings ko kaysa magiging masaya.

            “Anong bakit?” ningitian niya ako nang pagkatamis-tamis. Narinig ko na naman ang pagtitili ng ilang kababaihan. “Syempre. Dahil gusto kita. Alam mo bang matagal na nga akong nagpapacute sa iyo kaso parang wa epek naman.”

            Eh?

BHSE: Loving a Ghost (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon