Chapter 17

25 1 0
                                        

            Dahil sa mabilis na pagkalat ng chika, nag-assume kaagad ang mga tao na sinagot ko na si Eugene kahit hindi pa nga siya nagsimulang manligaw. Ni hindi ko nga sinagot ‘yung tanong niya kung pwede bang manligaw siya sa akin. Kahit inaamin ko noong may malaking crush ako sa kanya na sa tuwing nakikita ko siya ay tila tumutulo ang laway ko, hindi iyon sapat na reason para pumasok ako sa isang relationship.

            Nagtaka pa ako nang hindi na nangungulit pa si Roar after nagconfess si Eugene sa akin kaya labis ang relief ko nang nananaginip na naman ako that night.

            Wala akong nakitang bakas ni Roar kaya nag-ikot-ikot muna ako sa paligid. Napunta ako sa isang kagubatan kung saan feel na feel ko ang pagiging malapit sa nature. Buti nalang at may daanan na ginawa para sa mga tao, or rather, para sa akin para hindi ako masyadong mahirapang lumakbay. Una, nalula ako sa iba't ibang klase ng puno na nadaraanan ko. May isang puno pa nga akong nakita na korteng puso. Kung may camera siguro ako, siguro kanina pa na-full ang memory niyon at saka, maiinggit ang mga friends ko kapag na-post ko na to sa facebook account ko, twiter, tumblr and even instagram!

            Pero napansin kong habang napapalayo ako sa pinanggalingan ko, napapansin ko na parang dumidilim na ang paligid at mas lumalayo ang distansya ng mga puno sa isa't isa. Hanggang sa napunta na ako sa lugar kung saan wala ng dahon ang mga puno at parang nagkakaroon ng fog at lumalamig na yata.

Nakakaramdam na ako ng takot kaya naisip kong bumalik na sa lugar at nag-aasam na makikipag-usap na sa akin si Roar pero nang hinarap ko ang daang tinatahak ko, wala na iyong pagkakaiba sa daang tatahakin ko. It was desserted. Walang luntiang dahon ang mga punong tila patay na at mas lumalamig pa yata ang paligid ko.

Nang makadama na ako nang takot. Pilit kong ginigising ang sarili ko. Ilang beses ko nang sinampal-sampal ang mukha ko, kinurot ang sarili ko pero wala pa ring nangyayari. Para lang din akong nasa isang super boring class where namumula na lang ang mga pisngi ko sa kakasampal at pagkurot ko sa sarili ay hindi pa rin ako nagigising.

Binabangungot ba ako?

Nakadama na ako ng takot nang hindi ko man lang maibuka ang mga mata ko kahit aware na ako sa paligid ko. Ang nakasama pa, ni hindi ko man lang maigalaw ang sarili ko kahit ang pinakadulo sa daliri ko at hindi man lang ako makapagsalita.

Hindi pa man ako sumusuko ay parang may vacuum na humihigop sa kamalayan ko at binalik ako sa panaginip ko.

This is a no ordinary dream.

Nagiging hysteria na ako nang bumalik na ako sa tila haunted forest na mas lumamig pa yata ang temperature at nagsisimula nang magfog nang narinig ko ang mga ungol ng aso.

‘Yung klase nang ungol na nakakatakot? Na parang may nakita silang hindi kayang makita nang isang normal na tao.

Halos mapaiyak na lang ako at yakap-yakap ang sarili nang nagiging mas malinaw na sa pandinig ko ang mga ungol nila na parang mas malapit na sila sa akin. Hindi man halata ay hindi ko na talaga tipo o mas tamang sabihing takot ako sa mga aso. Sa tuwing kasama ko ang mga kaibigan ko ay itinatago ko lang ang takot na iyon pero ganitong ako lang ang mag-isa.

Ayoko na!!!

Nagsimula na akong tumakbo palayo sa direksiyong pinanggalingan ng ungol ng mga aso ng hindi inaasahang may nakabanggaan ako. “Aaaahh!" Hindi ko na namalayang tahimik na akong napaiyak.  

            “Le.” Tawag ng lalaki sa akin.

            Agad akong tumingala upang makilala kung sino iyon. “Ikaw nga.” Nang malaman kong si Roar nga iyun ay mas lalo tuloy akong napaiyak. Buti na lang at nakita ko siya kundi hindi na siguro ako magigising sa bangungot na ‘to. O kung magigising man ako ay malamang na magkakatrauma ako.

            Narinig kong bahagya siyang tawa. Pero hindi ‘yung klase nang tawa na nanunuya o nang-iinis kundi ‘yung klase na parang inaassure niyang safe na ako.

            Hinawakan niya ang buhok ko at bahagyang ginulo. “Sorry kung nahuli ako.” Aniya at ningitian ako.

            Wala lang akong sinabi pa at umiyak lang habang tahimik na inaalo ako ni Roar na kontentong inaayos ang buhok kong ginulo niya kanina. Isang konting bagay na nakapagdulot na nang konting kasiyahan sa puso ko.

            Kung sa ibang pagkakataon siguro ay kanina pa ako galit sa kanya. Kung bakit ang tagal niyang dumating at ginulo pa niya ang buhok ko pero sa oras na ito, mas gusto kong tumahimik na lang.

            At ngayon ko lang narealize na na-miss ko pala ‘tong taong ‘to.

            Simula nang nagtapat si Eugene, napansin kong tila dumidistansya na si Roar sa akin na parang naglagay siya nang invisible wall sa pagitan namin.

            At hindi ako sanay.

            Mula pa nang una siyang umepal at basta-basta nalang nangulit sa panaginip ko, hindi ko inaasahang magiging malaki ang bahagi niya sa buhay ko.

            Kahit hindi man siya nakikita ng mga taong nakapaligid sa akin.

            Kung hindi nga dahil sa kanya, wala na siguro ako ngayon. Tigok na sa mga kamay ng serial killer. Kung hindi dahil sa kanya, malamang na na-gang rape na ako o napagtripan na ng mga lasinggero sa kanto. Kung hindi dahil sa kanya, hindi mababawasan ang pagiging matatakutin ko nang kahit konti lang. Kung hindi dahil sa kanya, hindi ko mararanasan ang feeling ng pagkakaroon ng isang matalik na kaibigang lalaki na ang purpose lang naman yata ay ang inisin ka. At kung hindi dahil sa kanya, hindi ko malalaman ang feeling nang pagkakampante dahil alam mong may isang taong laging nariyan na ipagtanggol ka.

            Tulad ngayon, isinagip na naman niya ako sa isang bangungot.

            “Okay ka na?” tanong niya sa akin nang mapansin na siguro niyang hindi na ako umiiyak.

            Tumango lang ako.

            Ilang sandali ng katahimikan ang namagitan sa amin bago ko napgpasyahang magsalita. “Saan ka pala nanggaling?”

            “Diyan lang.” tugon niya na mahahalatang may iniiwasan siyang bagay.

            “Matulog ka na ulit.” Utos niya sa akin. “Promise ko sa iyo na babantayan kita.” Sabi niya at itinaas ang kanyang hinliliit.

            Napangiti na lang ako sa kanyang ginawa.

            "Goodnight." bulong niya sa akin.

Pagdilat ko. Nasa sariling kwarto na ako at nakahiga pa rin sa higaan ko. Labis man akong nanghinayang kasi hindi kami masyadong nag-usap ni Roar pero masaya na rin kasi muli ko siyang nakita.

Pagbaling ko sa tabi ko, may pink rose akong nakita. At ng inamoy ko, katulad nang mga rosas na ibinigay niya sa akin.

May ngiti sa labing humikab na ako at nagsisimula na ring pumikit ang mga mata ko.

"Goodnight, Roar."

BHSE: Loving a Ghost (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon