Pag-uwi ko sa bahay, nagdadalawang-isip pa ako kung matutulog pa ba ako dahil alam ko namang malaki ang posibilidad na nasa panaginip ko na naman si Roar kung gugustuhin ko man o hindi. Pero napagtanto kong kailangan kong matulog, I mean, tao pa rin kaya ako na nangangailangan ng tulog?
Hindi maikakalang takot, pangamba at samu’t saring mga katanungan ang kanina pa’y gusto kong sagutin ni Roar. Ang sabi ng manghuhula, harmless naman siya, hindi nga raw siya multo. Ligaw lang na kaluluwa. Kaluluwa na hindi pa tuluyang sumakabilang buhay at buhay pa ang sariling katawan. Pero bakit? Alam ba niya ito?
Pagmulat ko, mukha kaagad ni Roar ang nakita ko. Sa panaginip ngayon, nasa isang malawak kami na kwarto na walang ni isang kagamitan except piano. Feeling ko nga, nasa isang abandoned building kami. ‘Yung katulad ng pinagtataguan ng mga mafias o mga wanted na bida sa isang movie? Ayun, feel na feel kong isa akong hostage at si Roar ang kumidnap sa akin.
Teka, hostage, tapos kidnapper. Parehas lang naman ‘yun, ‘di ba?
Pero nang napansing kong hindi pa rin nagsasalita ang taong kasama ko, nabaguhan ako. Hindi kasi ako sanay. Kadalasan kasi, agad niya akong inuulan ng pang-aasar o tukso. Simula nang pagsagip niya muli sa akin, mas gumaan na ang pakikitungo ko sa kanya. Mas lumala pa ang pagsasagutan namin pero ang nakakapagtaka nga lang, bakit hindi man lang ako napipikon, ‘di tulad ng iba?
“May himala bang bumagsak dito at napakatahimik mo?” pagbasag ko sa nakakabinging katahimikan. Pero sa kabila ng effort kong magsimula ng conversation, deadma lang si Roar. Dahil ayoko naman ang masyadong tahimik na lugar, lumapit na lang ako sa tila napakalonely na piano at wala man lang permiso na nagpatugtog.
Unti-unti akong napapikit habang tumutugtog ako. Tila nawala na naman ako sa sariling katinuan at halos nadala na ng musika ang buong pagkatao ko, ang mga iniisip ko at problema ay pansamantala kong nakalimutan. Alam niyo ‘yung feeling na wala kang ibang nasa isip kundi ang musika? ‘Yung halos limot mo na ang paligid. Sa ngayon, parang nadala ako sa isang bagong lugar, isang paraisong hindi ko inaasahang makikita ko.
“Bakit…” agad akong nagmulat ng mga mata nang marinig kong nagsalita si Roar. “Le…” hindi na niya tinuloy ang sasabihin at malungkot na tumingin sa akin. “Hindi ko alam kung ano ang sasabihin.”
“Simple lang.” ningitian ko siya. “Huwag ka na lang magsalita.”
Muli ay nanaig na naman ang katahimikan sa aming dalawa. Sa lahat siguro ng panaginip ko, ito na siguro ‘yung pinakaseryoso. Parang may mabigat na aura ang nakapaligid sa amin. At hindi pa naman ako sanay na makita si Roar na ganyan ang pagmumukha. Tila binagsakan ng langit at lupa.
Sa bagay, sino ba naman ang hindi malilito? O baka alam lang talaga niya sa una pa lang at hindi lang niya sinabi sa akin.
Pero kung ano man ‘yun, hahayaan ko na lang si Roar na mapag-isip-isip. Kontento lang akong nakikinig sa nakakabinging katahimikan. Ito na lang yata ang magagawa ko para masuklian ang ilang beses na pagsagip niya sa buhay ko. Ang magiging company niya lalo na’t sa oras na ito kung saan gulung-gulo pa ang isipan niya. Kahit hindi man lang kami nag-uusap. Atleast, nandoon naman ang presence ko, ‘di ba?
Siguro kahit hindi man alam ni Roar, alam kong nakakonekta sa emosyon niya ang bagay na makikita ko sa panaginip kung nasaan kaming dalawa. Ang tanong, ano nga ba ang nangyari kay Roar?
Nang unti-unting nagsink-in ang mga sinabi ng manghuhula sa akin, ang agad na pumasok sa isipan ko ay kung ano ang nadarama ni Roar. Mula pa nang una kaming nagkita, multo na ang pagkakakilanlan ko sa kanya. Kaya nga tila nasanay na rin ako at hindi na masyadong natakot. Pero ngayong nalaman niyang isa siyang ligaw na kaluluwa, ano? Paano?