Chapter 4

70 2 0
                                    

            The first day ended with a KABOOM!

            Like WOW!

            And ewan.

            MY first day ended nang umuulan na tukso galing sa mga supportive friends ko. Hindi ko na nga alam kung paano ko nalampasan ang delubyong pangyayaring ito sa buhay ko. Ngayon ko nga lang rin narealize kung gaano kahirap tigilan ang kilig sa tuwing tinutukso ako ng mga classmate ko kay Eugene especially na halos sa lahat ng subjects ay siya ang katabi ko.

            Is this a blessing or a torture?

            Pero buti na lang at busy kaming lahat kaya napagpasyahan nilang sa Friday na ako tutuksuhin.

~*~

            “Ang sweet talaga ng dalawang iyon.” Pahayag ni Cindy na ikinatawa naming lahat.

            “Oo nga. Parang mas naniniwala akong may relasyon talaga sila.” Pagsang-ayon ni  Hazel na tawa pa rin nang tawa.

            Parang frenemies lover.

            “Le.” Tawag ni Faye dahilan para mapunta sa akin ang atensyon ng lahat. “Balita ko, ang gwapo raw ng katabi mo.” Panunukso niya.

            Agad  namang naghiyawan ang lahat bago ko pa maipagtanggol ang sarili ko.

            “Sinabi niyo pa!” tatawan-tawang sabi ni Daffodil na agad kong sinikuhan. “Dahil sa sobrang shock at super mesmerized ng friend natin kay Eugene, unfortunately, tumulo ang laway niya sa kakatitig nito.”

            Umani ng tawanan ang sinabi nito at bago ko pa na naman maisalba ang sarili kong image, naunahan na ako ni Keila.

            “At ang worst part, si Eugene pa ang nagpunas sa laway niya.”

            Tawa pa sila nang tawa kaya nanahimik na lang ako sa tabi ni Faye.

            Wala na akong magagawa sa madadaldal kong mga kaibigan.         

            Pero paano kaya kung totoo ‘tong mga ipinagsasabi nila? Ano na lang kaya ang mangyayari sa akin?

            Nakakahiya!

            “Grabe naman kayo, natulala lang ako saglit. Hindi ‘yung tumulo ang laway ko nang dahil sa kanya. Hindi ako ganung klase ng tao. At saka, baka ikaw kaya Daff.” Sa wakas ay wika ko ngunit tawa pa rin sila nang tawa na parang hindi sineryoso ang sinabi ko.

            Dahil hindi naman talaga ako seryoso!

            Sumali na ako sa tawanan nang pinagdiskitahan na naman nila ako.

            “Oy Le. Bakit ganyan na naman ang mga mata mo?” puna ni Via.

            “Ano bang nangyari sa mata ko?”

            “Hindi ko na yata makita.” Sagot niya at ayun, nagtawanan na naman kami dahilan para magalit na ‘yung librarian at nagbigay na ng warning sa amin.

            “Sorry Ma’am.” Sabay naming pagpapaumanhin.

            “Bastos.” Tangi kong sinabi at tumingin sa katabi kong bintana.

            “Nagdrama lang? tukso ni Shery.

            Bakit ako pa ‘yung trip nilang tuksuhin ngayon? 

            Tiningnan ko lang siya ng masama bago muling tumingin sa labas ng bintana.

            Hindi ko namalayang nakangiti pala ako sa kawalan kaya hindi ko napansing nakatingin pala sa akin ang lahat.

            Wala ba talaga akong kawala?

            “’Yan ang tinutukoy ko.” Pahayag ni Daffodil.

            “Ha?”

            “Bakit sobra kung kumislap ‘yang mga mata mo? At para ka pang nasisiraan nang bait na mag-isang ngumingiti sa kawalan. Okay ka lang?”

            “Mas sobra pa sa okay. Alam mo…”

            “Wala kaming alam.” Sabay nilang wika.

            “Sandali nga lang. Let me speak, pwede?”

            “Pwede naman kaso…” sabi ni Mandee at nag-aalalang tumingin sa likuran ko. “Sino ka?” may itinuro pa ito dahilan upang dali-dali akong lumipat ng pwesto at nagsusumiksik kay Divine at ni Hazel.

            Sa aming magkakaibigan, bawat isa sa amin ay biniyayaan ng iba’t ibang talento tulad nalang ni Mandee na unfortunately ay may kakayahang makakita ng mga spirits and ghosts. Pero minsan nga lang ay ginagamit nito ang fact na iyun upang takutin kami.

            “Mandee. Baka isa na naman ‘yan sa mga prank mo ha.”

            “Sino ka?” ulit ni Mandee.

            Humigpit ang pagkahawak ko sa braso ni Divine nang makita kong para ngang may kinausap si Mandee. At ang mas masaklap pa, biglang umihip ang malamig na hangin kahit na nasa loob lang naman kami ng library.

            “Aaah.” Maya-maya ay wika ni Mandee at saka ay tumingin sa amin. “Wala na siya.

            “Totoo ba ‘yun?” natatakot na tanong ni Jezzine.

            Tumango lang si Mandee.

            “Sino raw siya?”

            Nagkibit-balikat lang siya at nakangiting tiningnan ako. “Lagot ka, Le!”

            “Bakit ako?” nag-aalalang tanong ko.

            Bakit ba? Ano ang nagawa kong masama?

            “Ewan ko lang.” sabi niya at tumawa.

            Oh no.

BHSE: Loving a Ghost (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon