OTTILIE VIRSES POV
Sumapit na naman ang araw ng lunes, and for the first time in days, my life was peaceful.
The reason?
Mag-apat na araw nang hindi nagpapakita si Plutus sa bahay. Pakiramdam ko, nabunutan ako ng tinik sa lalamunan nang hindi na umuwi si Plutus sa bahay.
Kasalukuyang nasa loob ako ng classroom habang hinihintay ang teacher namin para sa first period. Muli na namang napadako ang tingin ko sa crime scene kung saan nakita ang katawan ni Lucas.
Apat na araw na din ang nakalipas ng mamatay ito. Wala na ang yellow police tape na nakalagay sa sports field, at puno na muli ito ng mga varsity students na nag-training.
Siguro nga ay pinaniniwalaan nila ang Urban Legend ng Red Room, kaya walang mababakas na takot sa mga estudyante sa school na 'to.
They believed that Elena and Lucas somehow found the red room and made a wish to the enchanted mirror that cost their lives.
But it was different for me, I see these incidents very differently.
Naniniwala pa din ako na kagagawan ito ng isang estudyante sa Crimson Academy. I know na ginagamit niya lang ang urban legend ng school para makapang biktima at hindi ako makapapayag na dumami pa ang mabiktima nito.
Nang dumating na si Mrs. Willow, lahat kami ay napaayos na sa pagkakaupo at tumingin sa harapan. Himala na natapos din sa daldalan itong si Jenna at Dylan, pinag-uusapan nilang dalawa kung saan mamimili ng mga latest potions para sa experiments nila.
Edi sila na ang maharlika, pati ba naman 'yan pagtatalunan pa, nakakaloka.
"Good morning, Class," Mrs. Willow greeted us.
"Good morning, Mrs. Willow," we greeted her back.
Then, with a wide smile, she announced there was a new wizard transferring to our school from overseas. The room filled with murmurs and curiosity.
Kung ako 'yan, baka inatake na ako ng anxiety dahil paniguradong mapupunta sa bagong transfer ang atensyon ng buong clase.
Nang pumasok sa loob ang bagong lipat na estudyante, literal na napanganga ako nang makita kung sino ito.
The girls immediately started whispering excitedly, and even the boys looked amazed when they saw the new student.
It was freaking Plutus!
There he was in his complete uniform, his sky-blue wolf-cut hair neatly styled, his backpack hanging on one shoulder, and his hands casually inside his pockets.
Of course it was him.
He was smiling like he loved all the attention.
I rolled my eyes.
'Yan pala pinagkakaabalahan niya kaya hindi ko siya mahagilap sa bahay. Tsk, sayang, akala ko talaga nawala na siya sa buhay ko.
Turns out, busy lang pala siya magplano ng ipang-iinis sa'kin.
"Introduce yourself," Said Mrs. Winslow.
Plutus scanned the room before his eyes landed on me.
He raised an eyebrow.
"Plutus Curse, 19 years old."
So, the evil demon has a surname? Tss, bagay sa kan'ya, I cursed him to be trapped on this realm with no chance of returning to his homeland in hell.
"Are you single?" One of the girls asked.
Plutus flashed a charming smile.
"Yes," he said, winking at her.
Nagtilian tuloy ang mga babae dahil sa ginawa nito. Pwe, nakakasuka naman, hindi bagay sa kan'ya.
Sinasabi ko na nga ba eh, flirt ang demon na 'to. Sa paraan pa lang nito tuwing nginingisian ako sa bahay, alam ko nang ginagamit niya iyon para makabingwit ng mga babae, pero ang saklap naman ata, bakit sakin ginagamit niya 'yon bilang panakot? Hindi ba ako babae sa paningin ng asungot na 'yon?
Hindi naman ata makatarungan 'yon.
"You may now seat, Mr. Curse. Feel free to seat anywhere you want," Mrs. Willow instructed.
Instantly, the girls began offering their chairs, giggling and fluttering like moths to a flame. But Plutus, ever the gentleman, politely declined each offer with a smile, making them blush even more.
BINABASA MO ANG
Depression Plutus (Curse #4)
ActionOttilie Virses Lang, a half-witch, half-human, inherited a haunted house from her late father. Hoping to summon his spirit, she performed a ritual from an old book she found in the house. But things went wrong when she messed up the spell, accidenta...
