This chapter is dedicated to miss_sincerelyyours sa kan'ya ko nakuha second name ni Ottilie ❤️
Author's note part I:
Pakibasa po muna ang book 1 to 3 bago mag proceed sa story na 'to dahil hindi maiwasan ang spoiler from previous stories, makinig po kay ottor, mawawala ang thrill sige kayo.
As in Major Spoiler.
Author's note part II:
Huwag po sanang mainip sa dialogue ng ating bida dahil nagpapakilala pa lang po siya, pero magiging exciting na after the half of this chapter.
Thank you!
OTTILIE VIRSES POV
The living room was wrapped in shadows, save for the soft flicker of candlelight casting long, wavering silhouettes on the walls. It was midnight, the perfect hour. I sat alone in the far corner on the couch, the heavy book resting on my lap, its worn pages whispering secrets beneath my fingers.
I stared at the candles, their flames steady, waiting. The silence was thick, almost suffocating, and the air seemed to hum with anticipation.
"Alright," I muttered to myself, breaking the stillness. "Here we go."
My hand hovered over the book's pages as I took a deep breath. My fingers started to tremble as I turned the page, revealing the complex diagram I needed to follow. The magic circle sprawled out before me, lines and symbols twisting in ways that almost made me dizzy. The book's ink seemed to pulse with an energy of its own, as if warning me to stop.
But I couldn't. Not now.
Kailangan ko lang sundin ang instruction sa libro, pagtapos nito makakausap ko na ulit si Daddy. Madami akong hindi nasabi sa kan'ya dahil sa biglaang pagpanaw nito, kaya araw-araw akong kinakain ng konsensya ko. Pumanaw si daddy nang may sama ako ng loob sa kan'ya, kung alam ko lang sana, hindi ko na sana siya inaway pa noon.
Kaya labis ang tuwa ko ng may makita akong libro sa kwarto ni daddy habang nililinisan ko ito. May pagkakataon na ako para humingi ng tawad kay daddy, kaya hindi na ako nagdalawang isip na gamitin ang black magic na nakasulat sa libro. Mahigpit na ipinagbabawal sa batas ng witch tribe ang paggamit ng dark magic dahil lubhang delikado ito.
Wala akong karanasan sa paggamit ng magic, pinag-aralan ko pa itong mabuti. Anak lamang ako sa labas ng daddy ko, ang nanay ko ay isang mortal. Nang ipanganak ako, mas pinili ni daddy na palakihin ako sa mortal world. Ayaw na ayaw ni daddy na gamitin ko ang gift na meron ako sa kahit na anong paraan.
Nang malaman ng tunay na asawa ni daddy na may anak ito sa ibang babae, kinulam nito ang nanay kong mortal na naging dahilan ng pagkamatay nito. Nang mamatay si mommy, kinuha ako ni daddy at dinala dito sa mundo ng mga witch. Doon ko nalaman na may nakakatanda pala akong kapatid nalalaki sa ama. Dalawang taon lamang ang tanda nito sa'kin at hindi kami close. Hindi naging maganda ang trato ng madrasta ko sa'kin, kapag wala si daddy doon niya ako pinapahirapan, ginugutom at kung ano-ano pa.
Tiniis ko lahat ng iyon dahil wala naman akong ibang matutuluyan at hindi ako pamilyar sa mundo na ito. Kaya nang tamaan ng malubhang sakit si daddy inaway ko ito, sinumbatan ko na paano na lang ako kapag nawala siya. Ang akala ko, kapag sinabi ko iyon ay magpapalakas muli si daddy at malalabanan nito ang sakit niya ngunit nagkamali ako. Hindi na kinaya ng katawan niya at pumanaw.
Nang mamatay si daddy, makalipas lamang ang ilang araw may dumating na isang abogado sa bahay at sinabi na may ipinamana daw sa'kin ang daddy. Doon kami nag-away ng step-mom ko, gusto niyang ibigay ko sa kan'ya ang bahay at ibenta ito, pangbayad daw sa lahat ng ginastos niya mula sa pagpapagamot kay daddy hanggang sa pagpapalibing dito. Syempre hindi ako pumayag, nakipag-away ako sa kan'ya, walang matanda-matanda sa'kin, ako ang may karapatan sa bahay na iyon kaya ang ginawa ko, lumayas ako ng walang paalam.
BINABASA MO ANG
Depression Plutus (Curse #4)
Teen FictionHighest rankings: #1 darkacademia #1 hauntedhouse #1spell #2 hotness #3 grumpy Ottilie Virses Lang, a half-witch, half-human, inherited a haunted house from her late father. Hoping to summon his spirit, she performed a ritual from an old book she fo...
