CHAPTER 59 Caught

10.5K 198 44
                                        

OTTILIE VIRSES POV
 
 
Napapasabunot na ako sa buhok ko dahil sa sobrang stress! Kanina pa ako dito sa library at patong-patong na ang mga libro sa ibabaw ng lamesa ko, pero hindi ko pa din matukoy kung anong klaseng magic circle ang sana litrato. Dahil nag-announce ang school na half-day lang ang pasok ngayong araw, sinamantala ko na ang pagpunta sa library. 
 
Gusto man akong samahan ni Plutus pero may band practice ito. Speaking of Slate, napapansin ko ang pag-iwas nito sa'kin sa tuwing nagkakasalubongan kami. Hindi ko naman siya masisisi, nasaktan ko ang poging nilalang na iyon. Sana lang ay matagpuan na niya ang babaeng nararapat para sa kan'ya. Muli akong napabuntong-hininga sa ika-sampung pagkakataon. Pabagsak kong inilapag ang litrato saka dumukdok sa lamesa. 
 
"Bespren, pamilyar tong magic circle sa litrato, what do you think?" 
 
Mabilis na napa-angat ang ulo ko dahil sa pamilyar na boses na 'yon. Kusa na lang nanlaki ang mga mata ko ng makita sina Jenna at Dylan. Seryosong nakatitig ang dalawa sa litrato na hawak-hawak ni Dylan. 
 
"A-akin na 'yan!" Hahablutin ko na sana ang litrato, ang kaso mabilis itong nailayo ni Dylan.
 
"Ops, sorry," ngising saad nito. 
 
Abot kisame na ata ang kaba ko habang palipat-lipat ng tingin sa kanilang dalawa. Hindi nila pwedeng malaman ang pinaggagagawa namin ni Plutus. Natatakot ako sa pwede nilang sabihin, kapag nalaman nila na ama ko ang serial killer sa campus. 
 
"So, care to explain, Ottilie?" Taas kilay na panimula ni Jenna. 
 
"We know you and Plutus are hiding something from us," dagdag naman ni Dylan. "Spill the tea, Ottilie." 
 
Pinunasan ko muna ang namumuong pawis sa ulo ko at peke na natawa sa harapan nila. Plutus, nasa'n kana ba? Tulungan mo 'ko dito! 
 
"A-ano, hahaha.... curious lang ako," palusot ko habang napapakamot sa batok ko. 
 
Pinaningkitan ng mata lamang ako ng dalawa, tila ba hindi sila kumbinsido sa sinabi ko. Ano ba'ng dapat kong gawin?
 
"Try harder, girl, 'cause you know, we're not buying it," ngising ani ni Jenna. 
 
Tumango-tango naman itong si Dylan, "Akala niyo ba, hindi namin naririnig ang bulungan niyo ni Plutus sa klase? Naghihintay lang kami ni Jenna, pero mukhang wala talaga kayong balak na isali kami." 
 
"True! Hindi na namin kaya palagpasin ang pang-aabanduna niyo sa'ming dalawa! Kaya magsalita kana, Ottilie," madramang ani ni Jenna. 
 
Napapigilhininga ako. Sabihin ko na ba sa kanila? Ang daming tanong na bumabagabag ngayon sa isipan ko. Pero andito na sila, nahuli na nila akong dalawa. Naging mabuti naman silang kaibigan sa'kin, sana lang hindi nila ako husgahan.
 
Pumikit muna ako ng mariin saka huminga ng malalim. "Fine, pero sana huwag niyo kong husgahan sa malalaman niyo. Hindi din ito madali para sa'kin." 
 
Magkasabay na tumango ang dalawa bilang tugon. Nagsimula akong ikuwento sa kanila ang tungkol sa best friend kong si Elena, hanggang sa kasalukuyan na nalalaman namin ni Plutus. Wala akong mababakas na emosyon sa mga mukha nila, kaya hindi ko masabi kung galit ba sila o hindi. Matapos kong magkwento, namayani ang katahimikan sa'ming tatlo.
 
"Wow...." 
 
Mabilis na napa-angat ang ulo ko sa unang salita na lumabas sa boses ni Jenna. 
 
"Grabe, hindi ako makapaniwala na itinago niyo sa'min ang little adventure niyo!" May hinanakit na dagdag ni Dylan. 
 
Kunwari pang nagpupunas ng luha si Jenna,"We've been missing the fun all this time! How could you!" 
 
Napanganga ako sa naging reaction nilang dalawa. "W-wait! Hindi kayo galit? No violent reaction? Guys... it's my father!"
 
"That's the point. It's your father's doing, and not yours. You're not accountable for his crime," baliwala na turan ni Jenna. 
 
Napa-ayos muna si Dylan ng salamin nito sa mata bago nagsalita. "Yeah, and we're not here to blame you. Dapat sinabi mo na sa'min noon pa, baka natulungan ka pa namin."
 
Dahan-dahan akong napayuko, pinipigilan na maluha sa harapan nila. Hindi ako makapagsalita dahil sa bikig na nakabara sa lalamunan ko. Napa-angat na lang ang ulo ko ng biglang magsalita si Jenna. 
 
"Okay, awat na sa drama, guys!" Masigla na turan nito, saka inisa-isang basahin ang mga libro na kinuha ko. "I'm pretty sure na nakita ko na ang magic circle na 'yan." 
 
"So, ito ang current lead natin sa murder case?" Tanong ni Dylan habang titig na titig sa litrato.
 
Mahina akong napatango, "Malakas ang kutob ko na may kinalaman 'yan sa ama ko." 
 
Tumayo naman itong si Dylan saka nag unat-unat. "Okay! Time to work. I'll be back, may kukunin lang akong mga libro." Paalam nito. 
 
Wala naman kaming sinayang na sandali ni Jenna. Matsaga naming inisa-isa ang mga libro, nagbabakasakali na may mahanap. Pakiramdam ko, nabunutan ako ng tinik sa lalamunan nang masabi ko na ang lahat kina Jenna at Dylan. Silang dalawa lang naman ang bukod tanging kaibigan ko dito, at nagpapasalamat ako sa pagmamahal na ibinibigay nila. 
 
"Guess what I found," biglang sulpot ni Dylan saka inilapag ang may kakapalan na libro. 
 
Parehas naman kaming napa-ayos ng upo ni Jenna, habang si Dylan naman ay may mapaglarong ngiti sa labi. Nagulat ako sa pangbabatok ni Jenna kay Dylan. Masamang na ang tingin nito sa kaibigan ngayon.
 
"Tigilan mo nga 'yan, mukha kang manyakis sa bilibid!" Singhal nito. 
 
"Ow, ang sakit no'n," napapapikit na ani ko. 
 
Walang nagawa si Dylan kundi ang mapakamot na lang. "Ito naman, nilalasap ko lang ang thrill," reklamo nito habang nagbubuklat sa libro. 
 
"The magic circle is not that hard to find since itinuturo naman talaga ito sa school," panimula ni Dylan bago ipinakita sa'min ang larawan sa libro. 
 
Agad naman na hinablot ito ni Jenna saka pinagkumpara ang nasa libro at ang nasa litratong kuha ko. "Abah, parehong-pareho nga!" Ani nito. 
 
Tumikhim muna si Dylan bago nagpatuloy, "But the thing is, it's an advance spell, itinuturo lamang sa mga senior class." 
 
Napa-isip naman ako sa sinabi nito bago nagtanong, "Kung ganoon, saan ginagamit 'yan?" 
 
"Good question!" Excited na tugon ni Dylan. "That magic circle is a spell used to teleport to different places." Ngising paliwanag nito na nagpasinghap sa'min ni Jenna.
 
"Ibig sabihin..." mahinang mutawi ni Jenna na nagpatango kay Dylan. 
 
"That's right. Ottilie's father is using that spell to escape after murdering a student." Dahan-dahan na bigkas nito. 
 
"That's why my father has never been caught," I said very quietly. 
 
Namayani ang katahimikan sa aming tatlo ng ilang mga sandali, bago ito binasag ni Jenna. "Tama ang sinabi ni Plutus. Ginagamit ng ama mo ang lumang bahay sa Eldrida Village pagtapos nitong pumatay." 
 
Mahigpit na napakuyom ang kamay sa isiping iyon. "Ang kailangan nating sunod na alamin ay kung saan nakatago ang mga nawawalang parte ng katawan ng mga biktima." Napapa-isip na suggestion ni Dylan. 
 
"We're running out of time," nababahalang turan ni Jenna. "Ulo na lang at masisimulan na ni Mr. Lang ang binabalak nito." 
 
Napahawak naman si Dylan sa baba nito, "Hindi ba tayo pwedeng manghingi ng tulong sa kuya mo?" Nagbabakasakaling tanong ni Dylan. 
 
Malungkot akong napa-iling, "Gaya nga ng sabi ko kanina, hindi siya naniniwalang buhay si Dad. Duda din si Plutus sa kuya ko." 
 
"What if, magkasabwat ang Kuya at Daddy mo?" Hinala ni Dylan na sinang-ayunan naman ni Jenna.
 
"Sa totoo lang, hindi ko alam ang gagawin kung tama nga ang hinala niyo," napapabuntonghininga na tugon ko. "Sa ngayon magfocus na lang muna tayo kung papaano mapipigilan ang binabalak nila." 
 
"What if we do an staked out at Eldrida Village?" suggested Jenna.
 
Pinatunog agad ni Dylan ang kan'yang labi bago nagsalita, "I'm hundred percent sure na hindi na niya gagamitin ang lugar na iyon." Paliwanag nito habang palipat-lipat ang tingin sa'ming dalawa ni Jenna. "After nito makompleto ang katawan, for sure didiretso na sa pagsasagawa ng ritwal ito." 
 
Sabay na bumagsak ang balikat namin ni Jenna. Iniisip ko din iyon, pero mukhang may point nga naman si Dylan. Hindi na kailangan ni Dad ang lumang bahay na 'yon. I guess Plutus and I are way too late. 
 
Nang matapos ang meeting namin sa library, nagkanya-kanya na kami landas para umuwi. Pag-iisipan pa namin kung saan kami mag-uumpisa sa paghahanap. Sa ngayon, ipapahinga ko na muna ang isipan ko. Kumikirot na kasi ito dahil sa sobrang kaiisip.
 
 
To be continued...

Depression Plutus (Curse #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon