CHAPTER 31 The Camp

7.9K 163 22
                                        

OTTILIE VIRSES POV 
 
 
 
"Wake up, you sleepy head."
 
Nagising na lang ako sa malakas na pang-aalog ng kung sino mang talipandas. Ang kaso, ng mabosesan ko ito, agad akong napabalikwas ng bangon saka tumingin-tingin sa paligid. Binabaybay na namin ngayon ang isang magubat na daan habang nakasunod kami sa bus na sinasakyan ng mga classmates namin.
 
"Asan na tayo?" Tarantang tanong ko habang nag-aayos ng buhok. 
 
"You've been sleeping for damn 3 hours, just so you know," Plutus grumbled.
 
Kaya naman pala napasarap ang tulog ko, nakahiga na pala ang inuupuan ko ngayon. Marahil si Plutus ang may gawa nito, sige na nga, plus point na siya sa'kin dahil sa kabaitan niya ngayong araw.

Nang muli kong ibalik ang tingin sa labas, napansin kong walang kabahayan na makikita sa paligid. At dahil wala akong magawa, mabilis kong kinuha sa backpack ko ang camera para manguha ng litrato.
 
"Plutus! Pwede mo bang buksan 'to?" Nakangiti kong turan sa kan'ya at itinuro ang salamin. 
 
"Tss."
 
Asus, magsusungit pero susunod din naman pala. Excited kong kinuhaan ng litrato ang bawat view na madaanan namin. Nakaka-relax talaga ang ganda ng nature, sa sobrang ganda nito, napadami tuloy ang kuha ko. Nang magsawa ako, pinasarado kona muli kay Plutus ang salamin at saka binalikan ang mga kuha kong litrato sa camera. 
 
Napangisi na lang ako ng may ma-isip na kalokohan. Tinapat ko ang camera kay Plutus at saka tinawag ang atensyon nito. 
 
"What?!" 
 
*click*
 
Paglingon nito, saka ko siya kinuhaan ng litrato. Grabe naman sa face card ang prinsipe na 'to, wala man lang pangit na anggulo. Ang cool niya sa kuha ko, may pagka badboy look na expensive ang datingan, parang si kuya Yophiel.
 
"Can you behave for just a second?" he scolded. "You look like a kid on a field trip to the zoo." 
 
Hindi ko pinakinggan ang pananaway ni Plutus, bagkus inangat ko ang camera para makuhaan kaming dalawa. 
 
"Say cheese!" 
 
Nang lumingon muli si Plutus, saka ko pinindot ng mabilis ang shatter. Yes! Maganda ang kuha naming dalawa. Ako na todo smile habang wala namang reaksyon ang makikita sa mukha ni Plutus. Tss, asan ang hustisya men, siya ang gwapo kahit saang anggulo habang ako, parang pigsa na paputok pa lang. 
 
"Look, ang cute ng kuha ko!" Hyper na turan ko at ipinakita sa kan'ya ang litrato. 
 
Saglit niyang tinitigan ito at ibinalik ng muli ang tingin sa daan. "I didn't know your camera has a horror filter," Plutus smirked. "But it looks good on you, though."
 
"Ang kapal mo naman!" Singhal ko sa kan'ya. "Horror filter, my foot!"
 
"Pffft... HAHAHAHA!"
 
To my surprise, Plutus laughed, a real, heartfelt laugh that showed his perfect set of teeth. Ang sarap pakinggan sa tenga ng tawa niya, bagay na ngayon ko lang narinig. His laugher made my heart start racing like it was about to jump out of my chest.
 
Kusa na lang ako napatulala habang nakatitig sa kan'ya, pinapanood ang pagtawa nito. Napansin niya marahil ito dahil bigla na lang siya napahinto sa pagtawa at kunot-noo na tinapunan ako ng tingin.
 
"What?!" 
 
Before I could stop myself, I said, "You know, you're really beautiful when you laugh."

At doon na nga mabilis na napapreno si Plutus kaya muntik na kaming sumubsob sa unahan. Nanlalako tuloy ang mga mata ko dahil sa sobrang kaba at gulat. 
 
"Anong nangyari?! Bakit ka huminto?" Natataranta kong tanong sa kan'ya.
 
"Say it again," he suddenly murmured, his voice unusually low.
 
"Hah?" Takang tanong ko. 
 
"I said, say it again," he repeated, his gaze never leaving mine. 
 
Nang marealize ko kung ano ang ibig nitong sabihin, wala sa oras na napakamot ako sa sintido ko. "I said you’re beautiful when you laugh… paulit-ulit?"
 
He held my gaze for a moment, his usual arrogance fading into something more soft and fragile. Then, with a slight smirk, he finally broke the silence. 
 
"Tss, don’t say things like that so easily," he muttered, but there was no edge in his tone this time, just a strange warmth that left me breathless.
 
"Bakit, totoo naman," bubulong-bulong na turan ko.
 
He bit his lower lip, then glanced away, but not before I caught a small grin tugging at the corner of his mouth. 
 
"Idiot," he murmured, barely loud enough for me to hear. Then he settled back into driving quietly.
 
Hindi ko alam na may ganito pa lang tinatago na side si Plutus, iyong chill mode lang, malayong-malayo sa pagiging mainitin ang ulo. Kung ganyan sana siya araw-araw, edi sana payapa palagi ang buhay ko. 
 
~~~
 
After an hour of trailing the forest road, we finally arrived. Right in front of us was the National Forensic Institute, which looks like something straight out of a high-tech spy movie, hidden right in the middle of a dense forest. It’s a huge, four-story building with dark stone walls and shiny glass windows that reflect the trees around it.
 
"Woah, ang angas," namamanghang saad ko habang nakatitig sa malaking building. 
 
There’s this massive parking lot too, big enough to fit tons of cars, but it’s surrounded by rows of tall bushes and trees, so it still has that 'mysterious forest' vibe. The whole place feels kind of eerie and quiet, like it’s packed with secrets just waiting to be uncovered.
 
Nang maipark na ni Plutus ng maayos ang sasakyan, nauna na akong bumaba para kunin ang maleta ko sa trunk. Nakakaconscious man ang tingin na ibinibigay sa'kin ng mga classmate ko ng makababa ako sa sasakyan ni Plutus, ipinagkibit balikat ko na lang ito. Subukan lang nila akong alipustahin, makikita nila hinahanap nila. 
 
"Ottilie! May chika ako!" Bungad ni Jenna ng magkita-kita kami. 
 
"Ano na naman 'yon?" Curious na tanong ko sa kan'ya, si Dylan at Plutus nasa likuran lang namin, nakasunod.
 
"Inggit na inggit ang grupo ni bakla mo Angelica! Bwahaha! Kesyo, nilason mo na daw ang utak ng prince nila," sabay halakhak muli nito.
 
"Hayaan mo na, mukhang diyan lang naman sila magaling," kibit-balikat na sagot ko kay Jenna, hila-hila ang mga maleta namin.
 
Nang makapasok kami sa lobby, pinahinto na muna kami ni Mr. Armstrong para sa isang maiksing briefing. Para tuloy kaming nasa isang hotel na mamahalin, lahat kumikinang habang nagkalat ang mga empleyado na naka-lab coat sa paligid.
 
"Class, lahat ba may kagrupo na?" Tanong ni Mr. Armstrong na ikinatango naman naming lahat.
 
Twenty lang kaming lahat sa section namin kaya lahat ay may kagrupo. Gano'n kahirap pumasok sa CA, halos 20 students lang per class sa konte ng nakakapasok sa school namin taon-taon. 
 
"Good, dahil kayo-kayo din ang magkaka-roommate sa loob ng tatlong araw natin dito sa institution."
 
"Kyaaaa!! Roommate tayo!" Tili ni Jenna habang inaalog ang braso ko.
 
Kanya-kanya ng 'yes' ang mga classmates ko dahil sa sinabi ng guro namin. Kung kaming apat ang maghahati sa isang kwarto, ibig sabihin makakasama namin si Plutus?
 
Yari na, masyado pa namang maselan ito sa paligid niya, wala sa sariling napatingin ako sa likuran para tignan si Plutus. Nahuli naman nito ang tingin ko na nagpataas lang sa kilay niya, kaya mabilis na ibinalik ko ang tingin sa unahan.
 
"Alright, settle down, everyone," Mr. Armstrong said. "First things first, I’ll be taking you all to your designated rooms so you can get settled. You’ll have about 20 minutes to unpack and relax for a bit. After that, we’ll head to the dining hall for breakfast. Once we’re done eating, we'll head to the arcane analysis room to get you started on your investigation for the next few days. Make sure to pay close attention, there’s a lot to cover! Alright, let’s get moving!"
 
 

To be continued...

Depression Plutus (Curse #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon