OTTILIE VIRSES POV
3 years later...
Ang bilis ng panahon, parang kailan lang ay halos patayin ko ang sarili ko sa pag-aaral, but here I am now, a licensed healer. 3 years ago, potion lang ang kaya kong gamitin para magpagaling ng karamdaman, ngunit ngayon nagagawa ko na ding manggamot gamit ang abilities ko. I was really surprised when I knew about my abilities. It's like mas lumakas ito, bagay na ikinamangha ng mga instructor ko sa school.
I'm now a travel healer, and I own a small clinic where I can practice my profession. About Jenna and Dylan, they're now taking their master's degree as scientists. Bihira na lang din kaming magkita-kita ngayon dahil sa pagiging busy. And oh, about my Kuya naman, I'm proud to say na isa na siyang professor sa ibang bansa at may sariling pamilya na din.
"Ms. Ottilie, remind ko lang po na bukas na ang schedule niyo with our new patient," inform sa'kin ng kapapasok lang na si Ashly sa office ko.
Nag-iisang assistant ko, napakasipag niyan at mabait pa. Sa kanya ko lang din ipinagkakatiwala ang lahat ng transactions dito sa clinic ko.
"Bukas na ba 'yon? Ang layo pa naman ng location," reklamo ko na ikinatawa lamang ni Ashly.
"Bawal na i-cancel, miss. The patient made an advance payment, and he made it double the amount," ngising dagdag nito na ikinanganga ko.
"Ano?! Bakit hindi mo agad sinabi?" Gulat na tanong ko at mabilis tumayo sa upuan.
Nagmamadaling inayos ko ang mga gamit ko. "Nakakahiya naman sa pasyente. I need to pack my things. It's a two-week treatment process, right?"
"Yes, miss. Don't worry, I'll send you the patient's health record. Ingat sa byahe, Miss Ottilie."
"Thank you. Thank you. Sige, alis na ako." Nagmamadaling paalam ko bago sumakay sa kotse ko at saka pinaandar ito.
Ayon kay Ashly, nakatira sa foreign country itong bagong pasyente namin. Good thing na nakapag-booked na ng flight ang assistant ko ahead of time, and my departure time is at 7 pm. May 5 hours pa ako para makapag-impake.
Sa totoo lang, nakakapagod itong trabaho na pinili kong gawin, but at the same time, it's very rewarding. The perks of being a travel healer are that I can travel to different places, and I'm able to meet a lot of new people.
But most of all, keeping busy spares me from the emptiness that lingers in my heart. Yet, no matter how I fill my days, my lost memories remain out of reach, leaving a hollow space that never fades.
~~~
"Ugh... I'm so tired," sabay punas sa pawis habang hila-hila ang maleta ko.
Paglapag na paglapag ng eroplano ay dumiretso na ako sa address na nakasulat sa file ng patient. Iyon nga lang, ibinaba ako ng taxi driver sa gilid ng daan. Wala akong ibang makita kun'di nagtataasang mga puno. Sabi ng taxi driver, the entire place was a private property, kaya hindi na pwedeng pumasok ang mga public vehicle.
Muntik na akong hindi tumuloy dahil pagabi na, pero naisip ko na sayang ang ibinyahe ko, kaya pigil hininga na lang akong nagpatuloy. Gaano ba kayaman ang pasyente ko at ganito kalawak ang property niya?
Mabuti na lang at sementado ang tinatahak kong daan, sadyang nakakapagod lang ang medyo paahon na daanan nito. Mukhang nakatirik pa ata ang bahay ng pasyente ko sa tuktok ng bundok na ito. Ayon sa driver, malalaman ko lang na nakarating na ako kapag nadaanan ko na ang unang bahay na makikita ko.
30 minutes later...
Nakanganga kong pinagmamasdan ngayon ang napakalaking mansion sa harapan ko. Tama ba 'tong pinuntahan ko? What I was seeing was a dark Victorian mansion surrounded by tall trees. Kitang-kita ang dark vibes nito sa labas pa lang ng gate.
BINABASA MO ANG
Depression Plutus (Curse #4)
Novela JuvenilHighest rankings: #1 darkacademia #1 hauntedhouse #1spell #2 hotness #3 grumpy Ottilie Virses Lang, a half-witch, half-human, inherited a haunted house from her late father. Hoping to summon his spirit, she performed a ritual from an old book she fo...
