OTTILIE VIRSES POV
"RIFF!"
Out of nowhere, Riff appeared from the shadows. His hood concealed most of his face, but I know it was him. Dahil sa gulo ng pangyayari, hindi ko na namalayan na nakalapit na pala si Riff sa harapan ni Plutus.
"Look after them. I'll deal with Yadid myself." Utos ni Plutus habang hindi inaalis ang tingin sa kaharap na demonyo.
Napakurap-kurap si Jenna habang palipat-lipat ang tingin nito kina Plutus at Riff, "Iiwanan mo kami sa kapre na 'to?"
"He's a trusted man," Plutus said. "Take care of this lab. and destroy everything."
Aalis na sana si Plutus ng pigilan ko ito sa kan'yang braso, "Sandali! Sasama ako sayo. Paano ang kapatid ko?!" Natataranta kong pigil sa kan'ya.
Panandaliang lumingon ito sa'kin at mabilis na hinalikan ako sa noo, "No, stay here. Don't worry, witch, I won't harm your brother's body. I'll be back."
Then Riff moved to shield us, pushing us away from Plutus and Yadid. Nagkukumawala ako sa hawak ni Riff, paano kung may mangyaring masama sa kuya ko? Napahinto lang ako sa pagpupumiglas ng bigla na lang lumakas ang hangin sa paligid.
Behind Yadid, a black portal materialized, swirling ominously as it pulled at the air around us. It was like a void ready to consume everything in its path. And that made Yadid stiffened, his eyes darting between the portal and Plutus.
"No. No. No!" Yadid's voice was laced with anger. "W-What are you doing?!"
Plutus didn’t answer. In a flash, he surged forward and shoved Yadid with immense force, sending both of them into the portal. Yadid’s curses echoed as he was swallowed by the swirling darkness. But before the portal could close entirely, a wave of panic washed over me.
Without thinking, I broke free from Riff’s grip, saka mabilis na tumakbo patungo sa portal na pinasukan nila Plutus at ng kapatid ko.
"Ottilie, No!" Dylan shouted.
"Don’t be stupid, Ottilie!" Jenna cried, reaching out to grab me, but I was already running.
Behind me, I heard Riff bark an order, "Fuck! Come back here!"
Narinig ko pa ang sigawan nilang tatlo, pero wala nang makakapigil sa'kin. I need to make sure my brother is safe. Kuya Oliver is all I have, and I don't want to lose him.
"Kuya, hintayin mo ko!" I yelled just as I leaped into the portal.
The last thing I heard before everything went black were the frantic voices of my friends and Riff's frustrated curse. The cold, suffocating void wrapped around me as I plunged into the unknown.And then, there was nothing.
~~~
Malakas akong napaubo ng magkamalay ako. Halos malagutan ako ng hininga dahil sa buhangin na nasa loob ng bibig ko. Teka, buhangin? Mabilis akong bumangon at inilibot ang paningin sa buong paligid. Napanganga na lang ako ng wala sa oras ng matanto kung nasa'n ako.
"No way..."
Dinala lang naman ako ng itim na portal sa isang malawak na disyerto. Wala man lang akong makita na kahit ano, maliban sa buhangin at sa napakaliwanag na bilog na buwan. Pero nang bumalik sa isipan ko kung ano ang ipinunta ko sa lugar na ito, mabilis kong sinampal ang sarili ko. Muntik nang mawala sa isipan ko si Plutus at ang kapatid ko. Pagbabayaran niya ang panloloko sa kuya ko. Gaya ko ay nangungulila lang din ito, bagay na ngayon ko lang naunawaan. Nagkamali ako ng isipin na hindi ito naapektuhan sa pagkawala ng ama namin.
Hingal na hingal ako habang naglalakad sa buhanginan. Sa lawak ng lugar, mukhang matatagalan ako bago mahanap sina Plutus. Ngunit akala ko lang pala iyon, hindi pa man ako nakakalayo, nagulat na lang ako sa malakas na pagbagsak ng kung ano mula sa kalangitan. Dahil sa lakas ng impact, muntik na akong tumalsik paibaba.
Nang humupa ang malakas na hangin, nanlalaki ang mga mata ko ng makita kung ano ang bumagsak na iyon. It was none other than Plutus in his demon form. Pangalawang beses ko pa lang siyang nasisilayan sa ganong anyo. At gaya noong una, hindi ko na naman maialis ang tingin ko sa kan'ya. Kitang-kita ang napakagwapo nitong mukha sa liwanag ng buwan. Pero kung ano ang ikinagwapo ni Plutus ay siya namang kabaliktaran ni Yadid.
Napangiwi na lang ako sa itsura nito. I can't believe that Yadid's true form was a 10-foot demon wolf with a massive build. Nakatayo ito na parang tao habang may matutulis na mga kuko sa kamay at paa. Nag-aalala ako para kay Plutus, tanging dalawang espada lamang ang hawak niya at idagdag pa na hindi buo ang lakas nito. Sinubukan kong lumapit sa kinaroroonan nila upang marinig kung ano ang pinag-uusapan nila.
"And here I thought you were dragging me to hell, but it turns out we're still on earth," garalgal na turan ni Yadid.
Napakuyom ang kamao ko habang nagtatago sa isang bulok na sasakyan. Kung hindi dahil sa katangahan ko, hindi sana nakakaranas ng pangbabastos si Plutus. Isa siyang prinsipe at hindi dapat siya tinatrato ng ganito.
"Whether I'll bring you in hell or on earth, death still awaits you. It's non-negotiable." Nakangising ani naman ni Plutus habang nakatutok kay Yadid ang isang espada nito.
I saw flames practically shoot from Yadid's nose, dahil sa sobrang inis nito. Ang buong akala ko ay susugod na ito, bagkus umalulong ito ng pagkalakas-lakas. Nanlilisik ang mga mata nito habang nakalabas lahat ng mga pangil sa bibig nito.
"Sa tingin mo ba ay papayag ako?" Nanggagalaiti nitong aniya. "Sisiguraduhin ko muna na mauunang mamatay ang mortal na pinakamamahal mo bago mo pa ako mapaslang."
"KILL THE GIRL!!"
Halos mangatog ang tuhod ko dahil sa sinabi ni nito. Nakita ko ang mabilis na pagbabago ng ekspresyon ni Plutus. I'm doomed, paano niya nalaman na nagtatago ako? Aatras na sana ako ng may maramdaman akong presensya sa likuran ko.
Gano'n na lang ang kilabot ko nang makita ang sandamakmak na mga demonyo na hugis tao. May matutulis silang mga buntot, pulang mga mata, at maiitim na balat. Napasigaw na lang ako ng malakas ng magsimula silang tumakbo para atakihin ako.
"AHHHHH!"
Ngunit sa isang iglap lang, nahawi ang sirang sasakyan at tumilapon sa kalayuan. Naramdaman ko na lang ang pagyapos ng matipunong braso ni Plutus sa bewang ko, kasabay ng paghawi nito ng isang espada niya patungo sa mga demonyo. Naglikha ng isang malakas na pwersa ito, mabawasan sila.
"WHAT THE FUCK, WITCH!" Sigaw ni Plutus habang hinahabol ang paghinga nito. "What are you doing here? Where's Riff?!"
Kusang pumulupot ang mga kamay ko sa batok nito ng lumipad si Plutus paitaas upang makalayo sa mga umaatake sa'min. Nang maging sapat na ang layo namin mula sa kanila, doon lang ako inilapag ni Plutus. Kasalukuyang nagtatago kami sa isang malaking tipak ng bato. And now that we're finally alone, Plutus is now glaring at me. Patay, pagagalitan na naman ako nito.
Hindi ko kayang salubungin ang tingin niya kaya napayuko na lang ako, "Nag-aalala ako sa'yo at sa kalagayan ni kuya, kaya sumunod ako dito, I'm sorry."
Narinig ko ang malakas na pagbuntonghininga nito, "Damn it! I couldn't summon another portal to send you back, and I'm almost at my limit," he said. "You need to hide while I'll finish them. Stay here, you understand?"
Mabilis akong tumango sa sinabi ni Plutus, nakahinga lang ako ng maluwag ng sa wakas ay kumalma din ito. Gano'n na lang ang gulat niya ng lumapit ako para yakapin ito.
"Mag-iingat ka ha?"
Sinuklian naman nito ng mas mahigpit ang yakap ko, "I will, and when we go back, prepare yourself for a punishment."
Napalunok ako ng wala sa oras dahil sa sinabi nito. Patay, mukhang hindi ako sa kamay ng mga demonyo manganganib, kundi sa kamay ni Plutus. Nang maramdaman namin ang pagyanig ng paligid, doon lang humiwalay si Plutus sa'kin.
"They're here," he said while on alert.
"Ikaw na ang bahala sa kapatid ko," nag-aalang pahabol ko sa kan'ya bago ito umalis.
Tumango lamang ito bago mabilis na bumulusok paitaas, hangang sa mawala ito sa paningin ko.
To be continued...
BINABASA MO ANG
Depression Plutus (Curse #4)
Teen FictionHighest rankings: #1 darkacademia #1 hauntedhouse #1spell #2 hotness #3 grumpy Ottilie Virses Lang, a half-witch, half-human, inherited a haunted house from her late father. Hoping to summon his spirit, she performed a ritual from an old book she fo...
