OTTILIE VIRSES POV
As the lunch bell rang, our teacher wrapped up with a reminder about the assignment. Jenna, Dylan, and I packed our things and headed to the cafeteria. Habang naglalakad kami sa kahabaan ng hallway, dinukot ko sa loob ng bag ko ang ballpen ko, hindi ko kasi maalala kung nailagay ko ba ito kanina o hindi.
Then, suddenly I collided with someone.
Nang tignan ko kung sino ito, gano'n na lang ang panlalaki ng mga mata ko ng makita kung sino ito. It was my freaking brother, Oliver Virgo Lang! His expression was cold as ice, and standing beside him was one of our teachers, Mr. Calloway, along with a few students. I opened my mouth to apologize and maybe even greet him, but he beat me to it.
"Watch where you’re going," he said, barely sparing me a glance before turning back to his group.
Parang nasaktan ako sa way ng pagtrato sa'kin ni kuya. Inaamin ko naman na hindi kami close at bihira ko lang din itong maka-usap pero magkapatid pa din naman kami. Parang napako tuloy ako sa kinatatayuan ko habang malungkot na pinagmamasdan ang likod ni kuya habang papalayo ito.
Nabalik lang ako sa katinuan ng dahan-dahan akong alalayan nila Jenna at Dylan para magpatuloy sa paglalakad.
"Come on, Ottilie," Jenna said softly, casting a sympathetic glance in Oliver’s direction.
We reached the cafeteria, grabbed our food, and found a free table. But my appetite was gone, I just poked at my meal in silence. I miss my brother, and it was so lonely to live without a sibling who I can relay on.
"Ottilie?” Jenna’s voice broke through my thoughts. "You okay?"
I forced a smile, but Jenna didn’t look convinced. "What Oliver said to you was really harsh," she murmured, glancing down.
Dylan nodded in agreement. "Yeah, but that Oliver guy is extraordinary, though. He’s one of the top students of our school, you know. Mr. Calloway’s apprentice."
"Gano'n ba," I kept my face neutral, alam ko na 'yan pero mas pinili kong magpanggap na walang alam.
Mukhang ayaw ipaalam ni kuya ang relasyon naming dalawa sa isat-isa kaya mas mabuting umiwas na lang. Muntik ko ng makalimutan na sikat si kuya sa school na 'to. Kagabi naisipan kong magbasa online sa school forum, nakita ko doon na famous pala ang kuya ko at may solid fan base na din ito.
"So he’s training under Mr. Calloway?" I asked, ngayon ko lang nalaman na isa ng apprentice si kuya.
"Yeah," Dylan replied. "Oliver’s preparing for some overseas competition, so he’s studying advanced magic with Mr. Calloway’s help. That’s probably why he’s so… serious."
"Kaya nga Ice Prince ang bansag sa kan'ya ng school," Jenna added while grinning. "He's so cool!"
Kahit papaano, gumaan ang pakiramdam ko sa pagiging kwela ni Jenna. Sino nga ba naman ang hindi tatablan ng isang Oliver? Maganda ang lahi ni daddy at ng stepmom ko, kaya hindi na kataka-taka na maging gwapo ang panganay nilang anak. About sa biological mom ko naman, maganda din ito noong nabubuhay pa. Tanging ako lang ata ang colorum sa pamilya namin dahil sa itsura kong ito.
Hindi ako kaputian, hindi rin ako sexy, wala din akong maipagmamalaking hinaharap. Mabuti na nga lang at nagawan pa ni Plutus ng paraan para maayos itong buhok ko, kahit papaano, nag mukhang tao ako. Napapa-iling na lang talaga ako sa pagiging plain ko.
~~~
After lunch, we made our way to the gymnasium for our PE class, pero kailangan muna namin magpalit ng PE uniform. Nang makapasok kami ni Jenna sa locker room, pagbukas ko ng locker ko, para akong pinagsakluban ng langit at lupa sa nakita ko.
My PE uniform lay there, shredded and torn to pieces. Someone had taken the time to carefully slice it up, leaving it completely unusable. Napahawak na lang ako sa batok ko habang kinakalma ang sarili ko.
"Hey, don't worry about it," she said softly, handing me her spare uniform. "Here, I always carry an extra pair just in case."
I forced a smile, grateful for her kindness, and took the uniform. "Salamat Jenna," I said. "Bored na naman ata sila sa buhay nila."
"Kaya nga," mataray na turan ni Jenna. "Kung hindi lang talaga ako lagot sa parents ko, baka pinatulan ko na mga 'yan."
Patuloy pa din kasi sa pagtatawanan ang grupo ni Angela na nasa kabilang block ng locker, halata naman na ako ang pinagtatawanan nila. Mga peste talaga sila sa buhay ko.
Nang matapos kaming magpagpalit ni Jenna, sabay na kaming lumabas ng locker para hintayin si Dylan. Habang naghihintay kami, lumabas si Plutus kasama ang dalawa nitong male friends na classmates din namin.
"Hey, evil witch, did you sleep in that hair or..." he started, but his words faded as he noticed my expression.
"Sige, ngayon mo ko umpisahan," hamon ko sa kan'ya na ikina-taas ng dalawang kamay nito habang napapa-atras.
Nakita kong nagtatanong ang mga mata ni Plutus kay Jenna, ito namang si Disney Princess, hindi natiis si Plutus kaya kinuwento nito ang nangyari sa uniform ko sa loob ng locker room. I saw how Plutus expression quickly hardened but didn't say anything.
He seemed to catch on, though, giving me a rare moment of peace as he turned his heel away from us, heading over to join his friends instead. I could tell he knew better than to press me when I was in this kind of mood.
Nang matapos si Dylan sa pagbibihis, sabay-sabay na kaming tatlo na nagtungo sa loob ng gym. Nang makapasok kami sa loob, gano'n na lang ang gulat ko ng biglaang magtilian ang ilan sa mga classmates naming babae na kasabayan naming pumasok sa gym.
Pati itong si Jenna ay naki-tili na din at walang pasabi na iniwanan ako. "Oh my gosh, it’s Slate! He looks even better in his gym clothes!"
Nang sundan ko ng tingin ang direksyon na pinuntahan ni Jenna, doon ko lang napansin na okupado ng class ni Slate ang half court ng gymnasiun. Magtatanong na sana ako kay Dylan, ang kaso paglingon ko, nakita ko na lang ito na busy na sa pakikipagkwentuhan sa iba naming classmates.
Napakagaling naman talaga ng mga kaibigan ko, basta na lang ako pinabayaan. Napapailing na lang talaga ako. Nang makita kong bakante ang bleachers, I decided to sit there and wait for our teacher. Wala na eh, iniwan na ko ng magagaling kong kaibigan.
As I settled in, my gaze wandered back to the other side of the gym. Mukhang si Slate ang class president ng buong klase nila. Habang pinapanood ko sila na mag stretching, nakita ko ang paglapit ni Plutus kay Slate. Great, nagsama ang dalawang famous ng CA. Miski ang mga babaeng classmates ni Slate ay nakikitili na din ng makita nila si Plutus. Tinagilid ko ang ulo ko at saka sila pinagmasdang dalawa.
Mas matangkad pala si Plutus ng ilang pulgada kumpara kay Slate, pero magkasing katawan lamang ang mga ito. Kung face card naman ang pag-uusapan, halata namang nangingibabaw si Plutus, pero hindi din naman maitatanggi ang kagwapuhan ni Slate.
Habang titig na titig ako sa kanilang dalawa, mukhang naramdaman ni Slate ang presensya ko dahil bigla na lang napatingin ito sa direksyon ko. Nanlalaki ang mga mata ko ng kumaway ito at saka tinawag ako sa pangalan ko.
"OTTILIE!!"
Patay, yari na naman ako sa mga bullies nito.
To be continued...
BINABASA MO ANG
Depression Plutus (Curse #4)
Roman pour AdolescentsHighest rankings: #1 darkacademia #1 hauntedhouse #1spell #2 hotness #3 grumpy Ottilie Virses Lang, a half-witch, half-human, inherited a haunted house from her late father. Hoping to summon his spirit, she performed a ritual from an old book she fo...
