CHAPTER 29 Yophiel

8.3K 206 33
                                        

OTTILIE VIRSES POV 
 
 
Sakto, pagtapos kong kumain ay siyang pagpasok naman ni Mr. Armstrong sa klase namin. Seryoso nitong inilibot ang paningin sa buong klase ng mailapag nito ang mga gamit niya sa lamesa. Siya nga pala ang teacher namin sa Magical Forensic class namin. 
 
"Sir, may announcement daw po kayo?" Tanong ni Julio, isa sa mga classmate namin. 
 
Mr. Armstrong’s face broke into a rare smile as he said, "I'm glad you ask, listen, class, you'll have a three-day summer camp at the National Magical Forensics Institute." 
 
Agad na napuno ng hiyawan ang buong klase sa announcement ni Mr. Armstrong. Sino ba naman ang hindi? Field trip ang isa sa pinaka-inaabangan na school activity ng mga estudyante. Maya-maya pa ay may isang estudyante na nagtaas ng kamay kaya muling tumahimik ang buong klase. 
 
"Sir, what's the national magical forensics institution?" Tanong nito. 
 
Napatango-tango naman ang teacher namin bago ito sumagot. "It's an organization dedicated to analyzing crime scene evidence to support public agencies, law enforcement, and the courts in their investigations." 
 
Mukhang magiging exciting ang field trip ngayon, paniguradong marami akong matututunan na makakatulong sa pag-investigate ko sa murder case dito sa school. 
 
Mr. Armstrong clapped his hands to get our attention. "This isn’t just a field trip. You’ll be working in groups, so you’ll need to organize yourselves into teams of five. Those will be your partners throughout the entire camp." He declared.

"Please group yourselves into four." 
 
The room went chaotic again, everyone scrambling to pair up with friends or the people they thought would be most helpful. Samantalang itong si Jenna at Dylan ay may mga nakangisi ng mukha nang lumingon sa'min. 
 
"Pre, ano, tayo-tayo na lang?" Dylan smirked. 
 
Plutus, looking as nonchalant as ever, gave a nod. "Fine by me," he replied. 
 
"Excited na ako sa field trip natin!" Hindi mapuksi ang ngisi sa labi ni Jenna habang nakatingin sa'min. 
 
Himala, mukhang immune na 'to kay Plutus, hindi na kasi siya nagtititili every time na makikita niya ito. For sure, si Slate na naman ang number one sa list of crushes nitong si Jenna. 
 
After the excitement settled, Mr. Armstrong walked to each desk, handing out a crisp white paper to everyone. "This is your waiver for the trip. Make sure to get your parents or guardians to sign it. I’ll need these back in two days, no signature, no camp."
 
The moment he placed the paper on my desk, a heavy feeling settled in my chest. Sino pipirma ng waiver ko? Ayokong pumunta sa city para lang hingin ang consent ng stepmom ko. Naudlot na lang ako sa pag-iisip ng may kumalabit sa balikat ko, paglingon ko sumalubong ang pitik ni Plutus sa noo ko. 
 
"Aray naman!" Pabulong kong singhal sa kan'ya.
 
"What’s with the sad face? You’re killing the mood," he exclaimed as he crossed his arms over his chest. 
 
To my annoyance, I reached over and gave him a hard pinch on his side. 
 
"Seriously?" he hissed, jolting back as he shot me a death glare, his hand protectively covering the spot I’d pinched.
 
Gaganti na ulit sana ito ng maagaw ni Mr. Armstrong ang atensyon naming lahat. Mag-uumpisa na ito sa lesson niya ngayong araw. 
 

~~~
 

After class, umuwi ako sa bahay na mabigat pa din ang pakiramdam. Hanggang sa hapunan lugmok na lugmok pa din ako habang kumakain kami ni Plutus. Plutus’s brow twitched as he watched me push my vegetables around on my plate. Siguro hindi na ito nakatiis at pabagsak na ililapag ang mga kubyertos nito.
 
"Alright, what’s your problem?" he demanded while glaring at me. 
 
"Hindi ata ako makakasama sa field trip natin, Plutus," I sighed, staring down at my plate. 
 
Plutus fell silent, after a moment, he scoffed, "That’s what’s got you all sulky? That’s not a problem."
 
"Huh? What do you mean?" Napakurap-kurap ang mga mata ko sa sinabi nito.
 
"You’ll find out after dinner," he said, smirking. 
 
After dinner, nang matapos ako sa paghuhugas ng plato, naabutan ko na nakatambay si Plutus sa sala habang nanonood na naman ng studio ghibli. This time, ponyo naman ang pinapanood niya. 
 
Walang imik ako na naupo sa bakanteng upuan at saka inabot sa loob ng bag ko ang camera. Nang mabuksan ko ito, aksidente ko itong naitapat kay Plutus na prenteng nakahilata sa mahabang couch habang nanonood. Wala sa sarili na kinuhaan ko ito ng litrato, at nang magsawa ako, saka ko ito tinignan isa-isa. 
 
Tss, wala bang pangit na angulo ang prinsipe na 'to? Kahit ano ata madikitan nito gumaganda kapag siya ang gumagamit. Para siyang isang sikat na modelo sa Paris sa kuhang litrato ko.
 
"Done fantasizing me, evil witch?"
 
Gano'n na lang ang gulat ko ng magsalita ito. Nang ibaling ko ang tingin sa kan'ya, grabe ang kaba sa puso ko dahil sa akin na nakatuon ang asul nitong mga mata. 
 
"Huh?! Pinagsasabi mo," tanggi ko habang hindi makatingin ng maayos sa kan'ya. 
 
Plutus plastered a grin on his face as he said, "If you wanted to capture my greatness, just say so, free of charge."
 
Napanganga ako sa sinabi nito, "A-ang kapal naman ata ng mukha mo!" Singhal ko sa kan'ya na ikinangisi niya lang. 
 
*dingdong*
 
Nagkatinginan kami ni Plutus ng tumunog ang doorbell. Nakita ko ang pagtayo ni Plutus at saka nagtungo sa pintuan. Napakunot ang noo ko dahil mukhang may inaasahan na bisita itong si Plutus. Sino na naman kaya ang pinapunta nito sa bahay dis-oras ng gabi? 
 
Pinagsawalang bahala ko lang ito at minabuting linisin na lang ang camera ko. Habang abala ako sa paglilinis, narinig ko na bumukas ang pintuan kaya automatic na napatingin ako sa pumasok. Kusa na lang akong napatulala sa lalaking kasama ni Plutus. 
 
May pagkakahawig ito kay Plutus pero mas matured at mas matangkad lang ito ng kaunti. He's in his turtle neck shirt and pants while holding his jacket. He has this bored look in his face, 'yong tipong silent type ang datingan. May piercing ito sa lower lip niya na mas lalong nagpa-angas sa kan'ya. Nakaka-intimidate naman ang presensya ng isang 'to. 
 
"Stop staring, lunatic," Plutus muttered, snapping me out of my daze with a poke to the forehead.
 
Mabilis akong napatayo ng matauhan sa ginawa ni Plutus. "M-magandang gabi po!" 
 
“Meet Yophiel. My brother, the third son." He gestured to the man, who regarded me with a calm but assessing look. 
 
"Nice to meet you, k-kuya Yophiel," I stammered, bowing slightly. "Thank you for... um, coming here." 
 
Ano ba 'yan, pati ako napapa-english dahil kay Plutus. Never naman kasing nagsalita ng tagalog 'tong kumag na 'to.
 
"Where’s the paper?" he asked, looking at me with mild interest.
 
Mabilis kong hinalungkat ang laman ng bag ko para hanapin ang waiver. This is it! Makakasama na din ako sa wakas sa field trip! Excited kong inabot ito kay kuya Yophiel na tahimik naman nitong tinggap, saka naupo sa one-seater sofa. Meanwhile, Plutus was grumbling to himself as he handed over his own waiver with a glare. Ang lakas talaga ng topak nito, bigla-bigla na lang sumusumpong. 
 
As Yophiel signed, he suddenly looked at Plutus. "I heared you’re still bound to this world." His tone was calm, but the words made me tense.
 
"Sorry po! Ginagawan ko na po ng paraan," mabilis na sagot ko dahil sa sobrang kaba. 
 
"Trying? You’re not doing anything. This is all your fault, and you’re too slow to fix it." Panunumbat ni Plutus sa'kin. 
 
Sinamaan ko nga ito ng tingin, "Anong wala? Nakikita mo ba ang mga libro na 'yan?" Turo ko sa mga libro na patong-patong sa sulok. "Iniisa-isa ko 'yan bago ako matulog." 
 
Our argument was cut off by a quiet chuckle. Yophiel looked at me, a slight smile was breaking into his serious face. 
 
"There’s no need to rush, Ottilie. Let Plutus stay here for now. Besides," he turned to Plutus, his tone firm, "you should never leave a girl alone all by herself. You’re staying right here, little brother."
 
“Seriously, bro?" Plutus scowled, throwing his arms up. "You’re my brother, remember? Why are you siding with her?"
 
Yophiel stood, handing both waivers back. "Because, frankly, you’re a pain in the ass." He smirked and made his way to the door, giving a small nod. "Goodnight. And take care of her, Plutus."
 
After he left, Plutus was still glaring at me. Hindi ko tuloy pamigilan na asarin ito. "Paano ba 'yan, mukhang tinakwil kana ng kuya mo?" 
 
"Shut up," he grumbled, crossing his arms, though a faint blush crept up his cheeks.
 

Sabi sa inyo, eh, asar talo ang isang 'yan.

 
To be continued...

Depression Plutus (Curse #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon