OTTILIE VIRSES POV
Kinabukasan maaga akong gumising para paghandaan ang unang araw ng trabaho ko dito sa bahay ni Mr. Moon. Since sa gabi ko pa ito makakausap, napagpasyahan ko na lang na kausapin si Mrs. Evan tungkol sa kalagayan nito.
Habang pababa ako ng engrandeng hagdanan, hindi mawala sa isipan ko ang naging unang tagpo namin ni Mr. Moon. Unang akala ko talaga ay siya na ang lalaking nasa litrato, ngunit napag isip-isip ko na imposibleng mangyari iyon. Minabuti kong mag-focus na muna aa trabaho ko. Ayokong masayang ang ibinayad sakin ng aking pasyente.
Nang makababa ako, agad kong hinanap ang kusina. Dahil sa laki ng mansyon na ito, muntik na akong maligaw. Inabot tuloy ako ng kalahating oras bago natunton ang kusina. Sakto naman na naghahain na ng agahan si Mrs. Evan.
"Good morning po, Mrs. Evan!" Masiglang bati ko sa kan'ya.
Inilapag na muna nito ang isang tray na may lamang mga slice bread bago ako nito nginitian, "Good morning din, iha. Halika, maupo kana at mag-agahan."
"Salamat po."
Pag-upo ko sa isang bangkanteng upuan, mabilis na inilapag ni Mrs. Evan ang isang tasa na may lamang tsaa. "Kamusta ang iyong kwarto? Nakatulog ka ba ng maayos?" Tanong nito.
"Sobra po. Para akong nakahiga sa kama ng isang 5-star hotel sa lambot nito," biro ko sa ginang na ikinatawa naman nito.
"Mabuti naman. Oh siya, kumain ka na diyan, may kukunin lang ako sa kusina," paalam nito at saka umalis.
Sa dami ng nakahain sa hapagkainan, hindi ko na alam kung ano ang uunahin kong kainin. Pero wala iyong problema sa'kin, hindi naman ako mapili sa pagkain. Kumuha na lang ako ng kaya kong ubusin saka tahimik na nilantakan ito. Ngunit hindi pa man ako nangangalahati sa kinakain ko, nagulat na lang ako sa biglaang paglitaw ng isang matangkad na lalaki. Tulala kong pinagmasdan ito hanggang sa makaupo ito sa harapan ko.
"Quit staring and eat your food," asik nito na nagpabalik sa aking ulirat.
"Ay, pasensya na," nahihiyang paumanhin ko bago bumalik sa pagkain.
Pasimple ko itong pinapanood habang tahimik itong kumakain. Bakit parang nakita ko na ang lalaking ito pero hindi ko lang maalala kung saan? Hanep din ang mukha nito sa kagwapuhan, para siyang isang model. Sino kaya ito, at kaano-ano niya si Mr. Moon?
"Oh, Señorito Riff, nakabalik na pala kayo," bati ni Mrs. Evan na kapapasok lang, bitbit ang isang dessert.
Hindi man lang nag-abala ang señorito na ito para tapunan ng tingin ang ginang. Hindi ba 'to tinuruan ng magandang asal? Napaismid ako dahil sa kahambugan ng isang 'to, ngunit isang pagkakamali iyon dahil nahuli ako nito sa akto. Shoot, bakit ang bilis ng mata niya?
"Tsk, you never changed one bit, did you?" Taas kilay na turan nito.
"Excuse me? Have we met before?" Takang ani ko. Ano pinagsasabi ng isang 'to? May sayad ba sa utak ito o naghahamon lang siya ng away?
But instead of answering me, he just glared at me. It was the kind of glare that makes me want to squeeze his neck.
"Oo nga pala, Señorito Riff. Ito nga pala si Ms. Lang, healer ni Señorito Moon," pakilala ng ginang sa'kin. "Ms. Lang, siya naman si Señorito Riff, personal assistant ni Mr. Moon."
Tatango-tango ako ng matapos magsalita si Mrs. Evan, kunwari interesado ako. Tipid kong nginitian ito, "Nice to meet you, Mr. Riff. Kung hindi mo mamasamain, pwede ba kitang makausap?" Pekeng ngiti ko dito na ikinataas lang ng kilay niya habang prenteng nakasandal sa upuan nito. "Don't worry, it's about Mr. Moon's health, I'll just ask you a few things."
BINABASA MO ANG
Depression Plutus (Curse #4)
Dla nastolatkówHighest rankings: #1 darkacademia #1 hauntedhouse #1spell #2 hotness #3 grumpy Ottilie Virses Lang, a half-witch, half-human, inherited a haunted house from her late father. Hoping to summon his spirit, she performed a ritual from an old book she fo...
