OTTILIE VIRSES POV
Nang matapos ang enchantment ball, binigyan kami ng school ng dalawang araw na bakasyon. Nagkaroon tuloy ako ng oras para puntahan ang village na naka-address sa sulat ng ama ko. Ako lang sana ang aalis, ang kaso itong mahal na prinsipe, nagpumilit na sumama. Ano pa nga ba ang magagawa ko, hindi naman ako papayagan nito umalis hanggat hindi siya kasama. Kaya maaga pa lang ay umalis na kami.
Naging tahimik ang byahe naming dalawa. Para maibsan kahit papaano ang inip ko, inabala ko na lang ang sarili ko sa pagtingin sa labas ng bintana. Tila ba nasa probinsya lang ako, dahil sa naggagandahang tanawin na nadadanan namin. Mukhang napansin naman ni Plutus ang pananahimik ko kaya tinawag nito ang atensyon ko.
"Are you sure your father went to this Eldrida village? Or are we chasing ghosts?" Plutus asked while driving.
"I'm not sure," pag-amin ko habang napapabuntong hininga. "Pero malay natin, may makuha tayong clue sa lugar na 'yon."
Napapatango-tango naman ito habang nakatuon pa din sa daan ang tingin. "Right," he said, almost to himself. "Well, just so you know, this place is pretty far out. And I’ve never been there before."
Mabilis akong napaikot sa kinauupuan ko para harapin si Plutus. "Sabi ko kasi sayo ako na lang ang aalis," nahihiya kong turan sa kanya. "Edi sana nagpapahinga ka ngayon—"
"Stop," pagputol nito sa sinabi ko. Then he flashed me a grin so perfectly, "I don’t mind, not if it’s for my witch."
Dang, that looks should've been illegal. Hindi ba niya alam na nakakasilaw na masyado ang kagwapuhan niya? Naramdaman ko na lang ang pag-init ng mga pisngi ko, kaya agad na ibinaling ko sa bintana ang tingin ko.
"T-tigilan mo nga ako sa pagtawag niyan," nauutal na saad ko, na nagpahalakhak lang sa kan'ya.
"Oh, come on," pang-aasar nito. "You’re literally my girlfriend. You can’t still get embarrassed every time I call you mine."
Inismiran ko ito, "Hindi ako nahihiya!" Pagsisinungalinga ko. "Sadyang mayabang ka lang talaga."
But Plutus just laughed, the kind of sound that's deep and carefree, making my heart melt like an ice cream. Ang lakas talaga mang-asar ng isang 'to, hindi ko alam kung bakit pa ako nagkagusto sa asungot na prinsipe na 'to.
"Give me your hand," he said out of nowhere, without tearing his gaze on the road.
"Bakit?" Nanghihina na tanong ko sa kan'ya.
He glanced at me briefly. "Just do it, witch."
Naghihinala man, ibinigay ko pa din ang kaliwang kamay ko sa kan'ya. Then the moment I did, he took it without hesitation and intertwined our fingers. His grip felt warm and firm that made my heart raced.
"W-what are you doing?!" Naiilang na tanong ko sa kan'ya, pilit na binabawi ang kamay ko.
"Driving," he replied in a matter of fact tone.
Muli kong hinila ang kamay ko ngunit mas hinigpitan lang nito ang kapit sa'kin. "Nahihibang kana ba? Kailangan mo ng dalawang kamay sa pagmamaneho!"
"Who needs two hands on the wheel when one of them feels better holding yours?"
Anak ng, kailan pa natuto 'to bumanat? Pakiramdam ko sasabog na ang mukha ko sa sobrang init nito. "Ugh, fine! Bahala ka sa buhay mo." Kunwaring inis na turan ko dito.
"Hell, my witch is really cute," he teased, squeezing my hand slightly.
"Stop it," I grumbled, trying to sound annoyed.
"You’re not fooling anyone, witch," he said with a low chuckle. "Admit it, you like my touch."
I opened my mouth to argue, pero walang lumalabas dito. Instead, I gave up and let him hold my hand. Ibinaling ko na lang muli ang tingin sa bintana, hoping the scenery would calm my racing heart.
Plutus, of course, wasn’t done. "You’re not going to deny it? No sharp comeback?"
"Tigilan mo ko, asungot," pananaray ko.
His chuckle echoed through the car, "Relax, I’ve got this, and your hand isn’t going anywhere until we reach Eldrida."
Pinabayaan ko na lang, mapapagod lang ako sa pang-aasar ni Plutus. Huwag lang talaga siyang aarte-arte mamaya kapag pinagpawisan na ang mga kamay namin. Ihihilamos ko talaga sa kan'ya ang pawis sa kamay ko.
~~~
Finally, after hours of traveling, nakarating din kami sa Eldrida village. Small wooden houses lined the cobblestone streets. Nakakatuwa ang mga bahay na nadadanan namin dahil sa mga flowers boxes na nakasabit sa mga bintana nila.
Sa market square namin ipinarada ang sasakyan dahil sa lugar na ito matatagpuan ang maraming tao. Bumungad agad ang maingay na kapaligiran pagbaba ko pa lang ng sasakyan. There are vendors shouting their deals, buyers haggling, and children running between stalls. Also, there's this delicious scent of baked bread and fresh fruit lingered in the air as I glanced around in wonder.
Nagpadagdag pa sa ganda nito ang mga makukulay at maliliit na bandiritas na nagsisilbing lilim para sa mga mamimili. Iyon nga lang, kung nasayahan ako sa lahat ng nakikita ko ngayon, ibahin n'yo ang kasama kong prinsipe. Pagbaba pa lang nito ng sasakyan, nalukot agad ang ilong nito.
"Seriously? This many people? And they all look like they’ve been rolling around in dirt." He pulled his hoodie over his head while muttering under his breath. "I feel gross just looking at them."
Napapatirik na lang talaga ang mata ko sa kaartehan ng asungot na 'to. "Oh, stop being dramatic. Ikaw ang nagpumilit na sumama, baka nakakalimutan mo?"
"I didn’t think it’d be this… grimy," he grumbled, shoving his hands in his pockets.
Hindi ko na ito pinansin pa, bahala siya mag-inarte diyan. Huminga muna ako ng malalim bago nilapitan ang pinakamalapit na stall. A middle-aged man selling apples glanced up at me as I held up a photograph of my father.
"Excuse me," I began, trying to sound polite. "Itatanong ko lang po sana kung nakita niyo po ang lalaki na ito? Baka po napapadaan siya dito?"
Inilapit naman ng lalaki ang mukha niya sa picture at saka umiling-iling. "Sorry, miss. Hindi ko pa nakikita ang lalaki na 'yan."
"Salamat po," I said, sighing softly before moving on.
Sumunod naman itong si Plutus sa likod ko, mabibigat ang bawat hakbang nito. "You know this is a long shot, right?" he said, his voice laced with annoyance.
"Manahimik ka diyan," saway ko sa kan'ya at nilapitan ang isang babae na may bitbit na basket. She looked up at me, her hands pausing mid-motion as she tried to grab a fruit.
"Sorry to bother you," I said. "But do you recognize this man? He’s my father."
The woman gave the photo a casual glance and shook her head apologetically. "Can’t say I do, dear. Maybe try further into the village?"
By the time I stopped at a butcher’s stall, Plutus was practically dragging his feet. The butcher with a kind face examined the photo carefully but eventually gave me the same answer.
"No luck, huh?" Plutus muttered, leaning against a tree as I tried to hide my growing disappointment.
Maghapon kaming nagtanong-tanong sa market, pero ni isa walang nakakakilala sa ama ko. Pansamantalang namahinga muna kami ni Plutus sa ilalim ng isang malaking puno, malapit sa mga kabahayan.
Then Plutus crossed his arms and shot me a pointed look. "Enough, Ottilie. It’s clear no one here knows him," he said sharply.
Napakagat ako sa labi at saka dahan-dahan na tumango. "Siguro nga, tara uwi na tayo—"
Before I could finish, an elderly woman walking by stopped and looked at us curiously. "Kayong dalawa, mukhang hindi kayo taga-dito, ah," she said in a raspy voice. "Ano ang ginagawa niyo dito sa Eldrida?"
Mabilis kong nilapitan ang matanda saka ipinakita ang litrato ni daddy. "Hinahanap po namin ang lalaking ito. Baka nakita niyo po siya?"
Pinaningkitan naman nito ang litrato at saka umiling-iling. "Pasensya na apo, pero hindi ko siya namumukhaan." Mabagal na saad nito. "Kung iyan ang ipinunta niyo dito, hayaan niyong bigyan ko kayo ng payo."
Tinaasan lang ng kilay ni Plutus ang matanda. "Old things," he muttered under his breath.
Pinanlakihan ko ng mata itong si Plutus dahil sa kawalang galang nito sa matanda. Mabuti na lang at hindi ito narinig ng matanda.
"Stay away from the Blackwood Forest. People around here have been seeing strange lights in there, something unnatural. It’s best you don’t go poking around where you don’t belong."
Binigyan muna kami ng makahulugang tingin nito bago siya umalis at iniwan kami. Nang tuluyang maka-alis ang matanda, mabilis akong napatingin kay Plutus. Tila, iisa lang ang nasa isipan namin sa mga oras na ito.
"You’re thinking what I’m thinking, aren’t you?" I asked cautiously.
Plutus smirked. "Oh, absolutely. Let’s go check it out."
Tumango lamang ako sa sinabi nito at nagsimula ng tahakin ang loob ng gubat. The trees grew denser and darker as we ventured deeper. Dumidilim na pero kailangan naming magpatuloy, ayokong masayang ang ipinunta namin dito. Hanggang sa wakas, isang lumang bahay ang bumungad sa'min.
Napahinto kami ni Plutus sa paglalakad habang pinagmamasdan ang nakakatakot na lumang bahay.
"Plutus, wala naman sigurong halimaw sa loob, hindi ba?" Alinlangang tanong ko.
Mahina itong natawa bago ako inakbayan, "Relax, you're the most savage creature here," pang-aasar nito, kaya siniko ko ito sa tagiliran niya.
"Alright, let's go," Plutus finally decided.
To be continued...
BINABASA MO ANG
Depression Plutus (Curse #4)
Novela JuvenilHighest rankings: #1 darkacademia #1 hauntedhouse #1spell #2 hotness #3 grumpy Ottilie Virses Lang, a half-witch, half-human, inherited a haunted house from her late father. Hoping to summon his spirit, she performed a ritual from an old book she fo...
