"I love you raine"
"A-alex hindi ito ang oras para sa ganyan" seryosong sabi ko.
"I-i know b-but I can't hide it raine"
"Hindi ko masusuklian ang pag mamahal mo alex sorry..." pahina nang pahina ang pag sabi ko.
"...."
"I'll need to hang up bye!" Pinatay kona ang cellphone ko atsaka humiga, buo ang desisyon ko na ilayo ko ang sarili ko sa mga na kasama ko dito para na rin sa katahimikan ng lahat. Ayoko ng masyadong gulo or any side comments pa na maririnig.
One month later
It's been a month since nag cut off na 'ko ng connection sa kahit sinong kakilala ko miski sila eurika ay tinanggalan ko na ng connection sa akin. Lasi nila punta dito sa bahay ay hinanahanap ako nag sinungaling na lang sila manang na umalis nako ng bansa. Kahit ngayon palang naman ako aalis, nakikita ko pa rin ang message nila sa akin sa facebook pero naka restricted lang sila sakin. Si alex naman ay wala na akong balita sakanya simula nung gabing kinausap ko sya.
"Darling ready na ang sasakyan sa labas bilisan mona at baka ma late ka sa flight mo" sabi ni mom sakin habang nasa labas sya ng kwarto ko, kaya naman nag madali na rin akong mag ayos.
Maya maya pa ay lumabas na rin ako ng kwarto at palabas na ng bahay nang bigla akong tawagin ni manang.
"Iha reyn"
Lumingon ako at nakita ko syang may hawak na food container. "Ito iha baonin mo ito kung sakaling magutom ka sa byahe mo" inabot ni manang sakin ang food container na may laman na muffins.
"Hay nako manang nag abala ka pa gumawa nito pero salamat po alam nyo po talaga kung anong paborito ko" nakangiti kong sabi.
"Mag iingat ka anak ha? Mag kikita pa naman tayo ano? Mag iingat kayo ng baby mo" naluluhang sabi ni manang, naluluha rin ako pero pinigilan ko at niyakap ko na lang sya. Para ko na rin mama si manang sa mga panahon na kailangan ko ng mommy si manang ang nariyan para sakin.
"Syempre naman po mag kikita pa tayo, mauna na po ako manang kayo rin po mag ingat rin po kayo dito"
***
Kompleto ang pamilya ko para ihatid ako sa airport at habang nasa byahe ako ay ramdam kong nasusuka ako kaya naman pinakuha ko kay mom ang maliit na timba sa likod ng sasakyan dahil maya maya lang ay alam kong malalabas ko na itong suka ko.
Pag tapos kong masuka ay umidlip ako saglit at maya maya lang ay naririnig ko na ang ingay ng mabait kong kuya.
"Raine gumising kana malapit na tayo"
"Hmm"
"Oh tubig gusto mo?" Alok ni kuya sakin napatingin naman ako sakanya dahil naninibago ako pero inabot ko nalang ito.
"Mag iingat ka don sa canada..." napalingon ako kay kuya sya kasi ang katabi ko.
"Oum" tumango ako at sumagot
"Wala ako don para protektahan ka" seryosong sabi ni kuya, hindi ko alam pero ramdam kong sincere sya kaya naman naiiyak ako.
"Kuya..." naluluhang sabi ko habang nakatingin sa kanya at saka ko sya niyakap, at doon ako naiyak.
![](https://img.wattpad.com/cover/154349861-288-k290035.jpg)
YOU ARE READING
My Gay Bestfriend Got Me Pregnant
RomanceSimpleng babae si raine may kaibigan syang bakla well hindi naman mawawala yun saatin pero ano ang kanyang gagawin kung ang kaibigan nyang ito ay may tinatagong lihim..Alam natin ang malaking lihim nang kanyang kaibigan.