RAINE'S POV
"Alex" lumingin ito saakin at ngumiti may dala syang flowers at mga fruits.
"Hi" kumaway ito saakin at ibinigay ang flowers na dala nya. Kinuha ko naman ito at ngumiti sa kanya pabalik.
"Thankyou ang ganda naman nito at ang bango"
"Kamusta kayo ng baby mo?"
Hinaplos ko ang tyan ko at "ayos lang naman kami, nagcheck up kami kanina at sabi kong doktor ayos lang naman daw kami ni baby may mga food lang daw akong kailangan iwasan at mag pahinga lang daw ako lagi"
"That's good, glad to hear that"
"Uh alex?"
"Yes?"
"Are you really willing to that?"
Matagal bago sya nakasagot kaya naman napatingin nalang ako sa tyan ko.
"Oo naman bakit naman hindi?" Napalingon ako agad sa sinabi nya. Sa totoo lang naaawa ako kay alex dahil sa tingin ko maiipit sya sa sitwasyon na meron kami. Ayoko sana gawin 'to pero iniisip ko ang kapakanan ng anak ko.
"Wala, uhm pumapayag na ako sa gusto mo" formal na sabi ko.
"Talaga?" Natutuwang sabi nya.
"Oo, pe-pero ano nalang din pala ang sasabihin ng magulang mo sayo?"
"Ako bahala, shoulder kona yan ang mahalaga pumayag kana sa gusto mo" nakangiting sabi nya. Ngumiti rin ako pabalik sakanya nang biglang nag ring ang cellphone ko.
Nakaramdam ako ng sobrang kaba at parang nanginginig ang buong katawan ko nung makita kong si drake ang tumatawag. Lumingon ako kay alex at napa ayos naman sya ng tayo dahil alam kong gets nya rin ang ibig kong sabihin. Tumango sya at dun ko sinagot ang tawag mula kay drake.
"Hello" unang salita palang nya ay ang lakas na ng kabog ng dibdib ko na para bang feel ko mahihimatay ako. Hindi ako sumagot at nag patuloy na sya sa pag sasalita.
"I don't know how to start but... gusto sana kitang makita para makipag-"
"P-pwedeng dito mo nalang sabihin busy kasi ako"
"*sighs* i'm so sorry raine, i know sobrang fucked up ng ginawa ko sayo at tanggap ko yung galit mo sakin, hindi pa nga ako nakakabawi sa pag sisinungaling ko sayo. Pero wala e nangyari na, m-meisha and i are getting married i was forced to marry her because that's what daddy wants and ganon rin ang parents ni m-"
"Ikaw ba talaga ang tatay?" Nag lakas loob na 'kong tanongin sya dahil gusto kong malaman ang totoong nangyari"
"Oo raine siguro akong ak-"
"Bakit may nangyari ba sainyo?"
"Ang totoo nyan meron"
"Kelan pa?"
"N-no'ng nag outing kayo nag ka ayaan ang iba kong circle nandon din si meish-"
*Toot*
Binaba kona ang call dahil hindi ko kakayanin marinig ang mga sasabihin ni drake ang buong alam ko nag paka bakla sya dahil sa panloloko sakanya ni meisha noon. Hindi ko maimagine na ang feminine na kumilos na si drake ay ganon ang ugali. So bago may mangyari samin may nangyari na rin sa kanila ni meisha?
Sobrang kupal
Napuno ng galit ang katawan ko kaya naman pinag bblocked ko sya sa lahat ng accounts ko kahit sa number ko. Tumingin ako kay alex at saka umiyak, agad naman itong lumapit sa akin at niyakap ako hanggang sa makatulog ako.
Kinabukasan
Nagising akong malungkot at walang gana hindi ko alam paano ako uusad o paano ko malalampasan ang lahat ng to. Kumatok si mommy sa pinto at sya na rin ang nag bukas dahil hindi naman ito naka lock. Nilapitan nya ako at may dala syang lugaw.
"Goodmorning darling, how are you anak? Alex told us na grabe daw ang iyak mo kagabi" tanong ni mommy habang hinahaplos ang ulo ko.
"Mom can i stay in canada?" Biglang tanong ko kay mom na miski ako ay nagulat. Pero balak ko rin talaga na tumira sa bahay namin sa canada dahil sa tingin ko doon ako makakausad.
"Huh? Why sweetheart is there something bothering you here? Why would you wanna stay in canada?"
"Dahil gusto ko po ng peaceful mind"
"*sighs* if that's what you want then i'll go for it pero anak mahirap mag isa lang sa canada kailangan mo ng makakasama, alam mo namang hindi ka namin pwedeng masamahan ng dad mo doon dahil busy kami sa palipat lipat na bansa ng dad mo"
"Kaya ko mag isa mom uhm kaya ko naman alagaan ang sarili ko at ang baby ko"
"Pero ana-"
Hinawakan ko si mommy sa kamay "mommy, kaya ko po mas mahihirapan po ako kung dito lang ako" biglang tumulo ang luha ko na syang nag pa alala kay mommy sa akin.
"Ika-kasal na po kasi si drake at hindi kona po kayang makarinig ng ano pang balita sakanya" at tuluyan ng bumuhos ang mga luha ko sa mata. Niyakap naman ako ni mommy atsaka sya nag salita.
"I'm so sorry anak, wala akong magawa sa totoo lang galit na galit ako sa taong iyon kung pwede ko lamang sya idemanda ginawa kona pero dahil gusto ko ng katahimikan sa pamilya natin nanahimik kami ng daddy mo" naluluhang sabi ni mommy.
Alam kong ipit lang din sila dahil nga ayoko rin ipaalam kay drake ang tungkol sa pag bubuntis ko dahil alam kong wala na rin naman saysay at ayoko naman mag mukhang other woman sa paningin ng ibang tao. Kaya mas mabuti pang umalis nalang ako dito sa bansa.
"It's okay mom kaya mas gugustuhin ko nalang pong umalis dito para sa ikatatahimik nating lahat at para na rin sa kapakanan ni baby" hinaplos ko ang tyan ko atsaka tumingin kay mommy nginitian naman ako ni mommy at niyakap.
Alas otso na ng gabi at sabay sabay kaming nag hahapunan buong pamilya nang biglang inopen ni mommy ang pinag usapan namin kanina ang tungkol sa pag alis ko ng bansa. Nung una ay hindi payag si dad pero wala naman syang nagawa kundi umagree nalang.
Bigla kong naalala na pumayag nga pala ako kay alex sa gusto nyang mangyari kaya naman kailangan ko iyon bawiin dahil aalis na rin naman na ako ng bansa. Ayoko na rin maka storbo pa ng ibang tao dahil kaya ko naman buhayin ang anak ko. Tinawagan ko si alex at agad naman itong sumagot.
"Hi raine"
"Hello alex"
"Bakit ka napatawag? Do you need anything?"
"Uhm alex i finally made up my mind"
"What do you mean by that?"
"Gusto ko sanang i-enjoy mo yung life mo na binata ka at na realize kona ayoko sanang guluhin ang buhay mo kaya naman pinuputol kona ang konesyon natin sa pag shoulder mo bilang tatay-tayan ng anak ko"
"Huh raine? No bukal sa loob ko yung desisyon ko na yon besides-"
"Hindi na alex, okay na ako kaya ko naman ang sarili ko hindi mo na kailangan mag effort ng ganito i-enjoy mo kung anong buhay meron ka ngayon mas masaya maging binata"
"Mas masaya kung kasama kita raine" seryosong sabi nya na nagpatigil sakin sa pag iisip.
"I love you raine" mabilis na tumibiok ang puso sa narinig kong iyon. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko or sasabihin ko. In short speechless ako.
YOU ARE READING
My Gay Bestfriend Got Me Pregnant
RomanceSimpleng babae si raine may kaibigan syang bakla well hindi naman mawawala yun saatin pero ano ang kanyang gagawin kung ang kaibigan nyang ito ay may tinatagong lihim..Alam natin ang malaking lihim nang kanyang kaibigan.