"I can be the father of your child"
Kumuha ako ng orange atsaka binalatan yon pag katapos kong marinig ang kainyang sinabi.
"H-hey?"
Tss at sinong tangang papayag non? Ayoko, ayokong lokohin ang baby ko ayoko magsinungaling sa kanya.
Hindi ko gagawin ang bagay na iyon gusto ko mang lumaki si baby ng may ama pero, sa paningin ko ay b-bawal paniguradong magagalit sila mommy sakin nito kapag nalaman nila.
Kailangan kong gumawa ng paraan, kailangan si drake ang makilalang ama ng baby ko.
/:Flashback
"Drake magkakababy na tayo"
"Meisha.."
/:End
Si Meisha.. Buntis din sya papaanong?
Bakit sya nabuntis? Ay mali.
Pano? Matagal nang wala sila ni drake higit isang taon na ang nakalipas papaanong ngayon lang sya nabuntis?
Nakakabaliw to.
"Hey raine"
Napabalik lang ako sa reyalidad nung tawagin ako ni alex, nakalimutan kong nandito nga pala sya. Teka may sinabi sya kanina diba? Ano nga ulit yon?
"Ano nga ulit yung sinasabi mo kanina?" Paulit kong tanong sakanya, ganon na ba ko kakalimutan hayst. Ang dami kong iniisip lalo na si baby ayokong lumaking walang ama si baby at isa pa kahihiyan to sa pamilya namin sigurado akong magagalit sakin sila mommy at daddy. Napabuntunghininga nalang ako sa nangyayare sa buhay ko.
Nakakaloka naman to.
Bwisit ka drake.
"Hey ayos ka lang ba? Kanina ka pa buntong hininga ng buntong hininga kanina pa kita kinakausap pero parang wala ka sa sarili, magpahinga ka muna raine makakasama sa inyo ng bata ang maistress ka, ako na bahalang mag bantay sayo" napatingin naman ako kay alex, bakit ba nya ginagawa to? Hindi nya dapat to ginagawa ayokong madamay pa sya sa mga problema ko. Magsasalita pa sa ako ang kaso lang ay pinatahimik nya na ako at gusto nya na kong pagpahingahin, ano pa ba nga bang magagawa ko.
ALEX POV
Napabuntong hininga akong nakatingin kay raine habang tulog sya, i can't deny the fact na naawa ako sakanya lalo na at alam kong buntis yung ex girlfriend ni kaizer.
Kung sana ako nalang hindi ka pa sana namomomroblema ng ganyan. Biglang bumukas ang pinto sa kalagitnaan ng aking pag iisip.
"Maraming salamat iho sa pagbantay sa alaga kong ito" mangiyak ngiyak si manang habang sinasabi nya ito.
"Napakabuting bata nito ni reyn ako ang nagpalaki dito noon nasaksihan ko yung paglaki nya, kaysa sa tunay kong mga anak. Ang hindi ko lang matanggap e buntis na itong alaga ko parang noon lang ang liit liit nya pa madaming pangarap si reyn naaawa ako sa alaga kong ito lalo na ang bata sa sinapupunan nya." Pag kuwkento ni manang, isa na din sya sa tumayong magulang ni raine kaya alam kong nasasaktan din sya.
"Ang bata pa ni raine para maging isang magulang na nakakalungkot lang dahil hindi nya na mararanasan mag debut pangarap pa naman ng kanyang lolo na maisayaw sya na nasa amerika na nagpapagaling" malungkot na ani ni manang.
"Wag na po kayong malungkot manang maayos din po ang lahat maging masaya nalang po tayo para kay raine at para sa magiging anak nya"
"--sya nga po pala alam na po ba nila tito? Ang tungkol dito? O kaya ni tyler?" Biglang napatingin sakin si manang.
YOU ARE READING
My Gay Bestfriend Got Me Pregnant
RomanceSimpleng babae si raine may kaibigan syang bakla well hindi naman mawawala yun saatin pero ano ang kanyang gagawin kung ang kaibigan nyang ito ay may tinatagong lihim..Alam natin ang malaking lihim nang kanyang kaibigan.