Chapter 33- Family
Na discharge na ako sa hospital at madaming pinapayo sakin yung mga doctor pwede pa namang akong makapasok sa school kung kaya ko daw basta lang daw ay wag akong magaslaw at wag daw akong magpapatuyo ng pawis.Gaya ng sabi ng doctor andito ako ngayon sa school at alagang alaga ako nila eurika at maureen, nagtataka na nga sila louigi at blake sa inaasta ng dalawa habang si alex naman ay medyo tumutulong tulong din. Habang nandito kami sa canteen nagtataka kami kung bakit hindi pa din pumapasok si drake ilang days na syang hindi pumapasok at wala ni isa samin ang may ideya kung bakit sya laging absent. Ako ang laging kinukulit ng mga ibang students kung asan si drake pero hindi ko din alam, at wala akong balak malaman.
"Pano kaya kung bisitahin natin si drake sa bahay nila?" Biglang salita ni blake na kinatuwa naman ni louigi pero hindibkami sumang ayon lalo na yung tatlo.
"Bakit naman ayaw nyo? Ang KJ nyo kaibigan din naman natin si drake ah pero kung umasta kayo parang hindi nyo kilala si drake at hindi man lang kayo nag aalala about sa kanya." Asik ni louigie. Sa tono nang pananalita nya ay hindi maganda ang pinapakita naming asal dahil hindi namin talaga pinag kukwentuhan si drake.
"babe hindi kasi sa gano-"
"Isa ka pa eurika napapansin na kita lagi ka nalang kay raine naka dikit wala kang time sakin si raine nalang kaya jowain mo badtrip naman" sigaw ni lougi kay eurika na nagpagalit saakin.
"Bakit mo sinisigawan si eurika? Ha? Anong karapatan mo ha?" Sigaw ko pa balik sakanya kaya naman nagulat sya ako rin ay nabigla sa pagsigaw ko nag iinit na kasi ang ulo ko ang ingay ingay nakaka preste.
"Oppp kalma raine" bulong sakin ni rika kaya naman kumalma ako at tumingin sakanila bakas kay lougi na nagulat sya sakin dahil alam nyang hindi naman ako nangingialam sa away nilang dalawa.
"S-sorry" ani ni lougi at tumango din ako at nagsorry pabalik para matapos na din at wala ng gulo.
Its been a month umalis si drake dahil sa balitang nabuntis nya si meisha, nagkakaroon na din ako ng baby bump at hindi na ko nagpatuloy sa pagpasok sa school. Nag home study nalang ako at kada weekend ako pinupuntahan ng naassign na teacher.
Alam na din ng parents ko na buntis ako nung una nagalit sila pero kinalaunan ay inintindi nalang nila ako. Alam kong hindi pa nila tanggap ang nangyari nagsisisi din ako kasi hindi pa ko nakakabawi kila mommy.
"Iha ngayon ang araw ng check up hindi ba?" Paalala sakin ni manang kaya naman bumalik ako sa ulirat.
"Opo manang mamaya nalang siguro po ako pupunta dahil nahihilo pa po ako"
"Kung gusto mo ay tawagan nalang natin ang doktor mo upang tignan ka para hindi ka na babyahe pa."
"Mas maigi kung ganon po manang hindi din po kasi talaga maganda ang tema ko e"
"Osya sige dadalhan kita ng gatas dyan sa kwarto mo at tatawag na din ako sa doktor mo."
"Okay po manang salamat po"
Pag alis ni manang ay nagpahinga muna ako. Hinihintay ko pa din kung may tawag or text manlang ang ama ng anak ko.
Maraming nangyare sa loob ng isang buwan, nalaman na nila louigi ang lahat at ang reaksyon nila ay kagaya lamang sakin ang pinagkaiba lang nagalit sila kay drake dahil hindi na ito sumulpot or nagpakita pa.
Alam nila ang tungkol kay meisha dahil kinuwento ko, hindi sila naniniwala na si drake ang ama ng batang yon. Dahil matagal na silang wala. Naisip ko din yun kung pano nangyari ang lahat dahil kami lang naman ang mga nakakasama ni drake kahit sa pagbabar nya ay nandun kami. Kaya imposibleng sya ang ama ng batang dinadala ni meisha.
Ganunpaman hindi ako pwedeng mang judge dahil may mga oras din na busy si drake lagi. Siguro nga ay nagkikita sila? Yun ang hindi ko masigurado.
Matagal tagal din akong nagisip isip at hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako at kinatok ako ni manang kaya nagising ako.
"Iha nandito na ang doktor mo upang tignan ka"
Tumango ako kay manang at pumasok na ang doktor maraming tinanong sakin ang doktor at marami din sinabi ngunit ang naintindihan ko lang ay wag akong magpapastress dahil nakakasama saming dalawa ni baby.
rika calling...
"Hello bffffff!!!!" Napalayo ko ng konti ang selpon ko sa tenga ko dahil sa lakas ng boses ni rika.
"What the heck rika ang sakit sa tenga" bulyaw ko din pabalik sakanya.
"Ops sareh, anyway kamusta? Imissyou so much raine, sorry hindi kami makadalaw dahil sobrang busy namin sa school and malapit na din ang party." Speaking of party sayang lang yung pinagawa kong dress kay tita hindi ko din pala masusuot.
"Okay lang ako at si baby namiss ko din kayo, kailan kayo dadalaw? Nagtatampo na ko ang akala ko kinalimutan nyo na ako"
"HAHAHA gaga dadalaw kami dyan sa weekend kaya tumawag ako para naman paghandaan mo kami ng pagkain"
"Ako pa talaga maghahanda a?, kayo nga dapat magdala sakin dahil ako ang buntis dito" natatawang sabi ko sakanya.
"Oo nga sabi ko nga, anyway nabalitaan mo na ba?"
"Ang alin?"
"About kay drake"
napatahimik ako saglit
"Raine? Are you there?"
"Yes uhh what about him?"
"Kalat dito sa school na ikakasal na daw si drake kay meisha sa U.S"
Bigla nalang pumatak ang luha ko nang hindi ko namamalayan.
"Raine?"
"Raine? Are you still there? Hey raine i heard you. Im sorry raine dapat pala hindi ko muna sinabi baka kung ano pang mangyari sayo. Raine don't cry please isipin mo yung baby mo."
Salita parin ng salita si rika sa phone pero hindi ko na maintindihan ang sinasabi nya dahil nagpapatuloy lang ako sa pag iyak.
Tapos na.
Wala na kaming pag asa ng baby ko. I feel so bad for my baby. Anong gagawin ko? Sinong tatayong ama ng baby ko? Ano nalang sasabihin ko sa anak ko pag nagumpisa na syang hanapin ang tatay nya?
Umiyak nalang ako ng tahimik upang hindi ako marinig ni manang at para na rin hindi sya mataranta pag nakita akong ganito ang itsura.
"Raine?" Napalingon ako sa pintuan ng kwarto ko ng marinig ko ang boses ni manang. Dali dali akong tumingin sa salamin upang ayusin ang sarili ko at binuksan ang pinto.
"Iha andito ang kaibigan mong si alex sa baba."
Napatigil ako bigla at sa tingin ko may kasagutan na ko sa lahat ng tanong ko kanina lang.
"Alex" tawag ko sakanya at napatingin naman sya sakin.
YOU ARE READING
My Gay Bestfriend Got Me Pregnant
RomanceSimpleng babae si raine may kaibigan syang bakla well hindi naman mawawala yun saatin pero ano ang kanyang gagawin kung ang kaibigan nyang ito ay may tinatagong lihim..Alam natin ang malaking lihim nang kanyang kaibigan.