Chapter 25 - Pag-iwas
RAINE'S POV
Hindi parin ako makapaniwala sa nagawa namin ni drake. Wtf raine! Bakla sya, BAKLA. Hays gulong gulo na yung isip ko ngayon kung paano ko sya haharapin. Baka isipin nya na pinagsamantalahan ko yung kalasingan nya huhuhu
Kakagising ko lang at buti nalanag wala dito si drake kasi hindi ko alam kung anong magiging reaction nya sa nangyari kagabi. At hinihiniling ko na sana nananaginip lang ako kagabi, babangon na sana ako pero may napansin akong dugo sa bedsheet! Omg, totoo nga?! Hindi nga talaga panaginip. Paano ko to haharapin?
Dali dali akong bumangon kahit nakaramdam ng kirot sa aking maselang parte, pinalitan ko agad ang bedsheet para walang bakas sa nangyari kagabi. Sobrang nakakahiya talaga, i lost my virginity. At ang mas nakakahiya pa ay si drake ang nakakuha nun.
Nakapag-ayos na ako ng sarili at handa na akong bumaba para mag-almusal. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko nung nakita ko silang lahat sa lamesa. At biglang dumapo ang tingin ko kay drake, hmmm mukhang wala syang naaalala ah?
"Uy raine gising kana pala, di ka namin ginising kasi mukhang pagod ka kagabi eh. Tara kain na!" Sabi ni maureen.
"Ha? Anong pagod ka dyan? Hindi ah, bat naman ako mapapagod?" Bigla akong kinabahan, alam ba nila yung nangyari kagabi?
"Raine bat parang namumutla ka? May sakit ka ba?" sabi naman ni eurika
"A-ano wala, ang init lang kasi." Bigla akong napalunok ng dumapo ang tingin sakin ni drake.
"Anyway, bat parang ang ingay sa room nyo kagabi? Parang may naririnig akong kaluskos nung napadaan ako eh." Tanong na naman ni eurika
"May hinahanap lang kasi ko kagabi kaya siguro a-akala mo maingay" sagot ko naman. Bat parang nasa hot seat ako ngayon? Sa mga tingin palang nila parang may alam sila huhu
"Ayusin mo lang kierra!" Sabi naman ng kuya ko, hala don't tell me alam nila? Huhuhu lupa kainin mo ko please, sobrang kinakabahan na talaga ako.
Makalipas ang ilang minuto tapos na ang lahat kumain, napagdesisyunan nilang maglaro ng beach volleyball. At mukhang excited ang lahat pwera sakin, hanggang ngayon kasi kinakabahan parin ako baka kausapin ako bigla ni drake di ko alam kung anong magiging reaction ko.
Nakaready na ang lahat para sa laro ang magiging laro namin ay girls vs. boys at ang matatalo ang maghahanda ng hapunan para mamaya. Madalas napapadako ang tingin ko kay drake kasi parang weird nya ngayon, sobrang seryoso kasi ang mukha nya na para bang may malalim na iniisip.
Nagsimula na ang laro at ang panalo sa first round ay kami, napagkasunduan namin na gawing third round ang laban para ma-enjoy namin ang laro. At para narin pagbigyan ang boys na makapuntos. Tumigil ako sa paglaro dahil sumakit bigla ang aking puson.
Tapos na ang laban at kagaya ng ine-expect ko ay kami nga ang nanalo. Syempre girl power eh. Bigla akong nakaramdam ng uhaw kaya naman bumalik ako sa hotel para kumuha ng maiinom at para makapag-ayos na din dahil puno ng pawis ang katawan ko.
Pagkatapos kong magpahinga, nagpasya na akong maligo. Bigla kong nakasalubong si drake pagkatapos ko maligo at nagkatitigan kami at bigla akong umiwas dahil naiilang parin ako sa nangyari kagabi. Magsasalita pa sana sya pero umalis na agad ako dahil hindi ko pa sya kayang harapin ngayon.
Pagod na pagod ako kaya naman hindi ko namalayan na nakatulog ako, pero nagtataka ko sa sofa ako nakatulog pero bakit nandito na ako sa room namin ngayon? Ah baka si kuya nilipat ako dito.
DRAKE'S POV
Pagkatapos kong ilipat si raine sa room namin ay dali dali akong lumabas para magpahangin. Nahihiya ako sa nagawa ko kay raine pero may part sa akin na ginusto ko ang nangyaring yun. Isa lang naman ang dahilan kong bakit ko nagawa yun, dahil mahal ko sya. Natatakot ako na baka galit sya sakin kasi kanina nya pa ako hindi pinapansin at iniiwasan.
Gusto kong magsorry sa kanya at gusto ko na rin umamin pero hindi ko pa alam kung paano ko gagawin. Siguro uunahin ko nalang muna magsorry sakanya bago ako umamin na hindi ako bakla at mahal ko sya.
Sana mapatawad ako ni raine, natatakot ako na baka isang araw bigla syang mawala sakin. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nangyari yun. Mahal na mahal ko na sya at handa akong gawin ang lahat para sakanya.
"Blake sa tingin mo panahon na ba para umamin ako kay raine?" Tanong ko kay blake na nasa tabi ko.
"Yes drake, kailangan mo ng sabihin sakanyan lahat bago pa maging huli ang lahat." Sagot nya, "Wag ka mag-alala tutulungan ka namin" dagdag pa nya.
"Thankyou blake" sagot ko naman. Sana maging maayos na ang lahat at sana matanggap ni raine lahat ng malalaman nya kapag umamin na ako.
Handa akong sumugal dahil mahal ko sya, handa akong gawin lahat mapatawad nya lang ako sa mga nagawa ko sakanya. Alam kong hindi magiging madali ang lahat pero nangangako ako na kakayanin ko lahat para kay raine.

YOU ARE READING
My Gay Bestfriend Got Me Pregnant
RomanceSimpleng babae si raine may kaibigan syang bakla well hindi naman mawawala yun saatin pero ano ang kanyang gagawin kung ang kaibigan nyang ito ay may tinatagong lihim..Alam natin ang malaking lihim nang kanyang kaibigan.