CHAPTER 15
*NAMIE FLASHBACK*
"Tay.. wag mo akong iwan!!!!!!!!! Tay ayoko rito! Diba pupunta tayo kina Nanay? Tay!"
nakita kong nagalit si Manang Rosie kay Tatay.
"Akala ko ba mabait at masunirin tong anak mo? Eh nag-iilang araw na rito walang nagagawa.. Iyak lang ng iyak. Sumsakit na ang ulo ko. At ni Madame Marie."
Tumingin sa akin si Tatay at sinigawan ako.
"Ikaw bata ka pinapahiya mo ako! Sumunod ka na sa kanila! Di na kita babalikan. Dito ka na habambuhay kaya kalimutan mo na kami. At ilang beses ko bang sasabihin sayo na patay na ang ina mo?"
AYUN. NAPAHAGULGOL AKO NG MAS MALAKAS. YUNG AYOKO SA LAHAT AY YUNG PINAPAALALA NI Tatay SA AKIN NA WALA NA SI Inay.
Kasalanan ko kasi. Kung hindi ako nagkasakit, di sana si Inay ang naglalako ng paninda at nagkapulmonya. Namatay siya kasi wala kaming pampagamot sa kanya.
Natahimik ako at galit na tumingin sa kanya.
"Kasalanan nyo kasi! Lasinggero kayo at pala-sugal. Kung sana di niyo kinuha ang ipon namin ni Inay di sana napagamo---"
Aray. Sinampal ako ni Tatay. Ang sakit.
"Ipasok nyo na yan. Huling punta ko na rito kaya kayo na ang bahala jan. Saktan nyo na lang kung ayaw pang magtrabaho.."
Tinignan ako ni Manang Rosie ng masama.
"Gagawin ko talaga yan."
Ilang araw na akong walang kain dahil di pa raw tapos ang labada.. Pag matapos yun ay papakainin na niya ako. Gutom na talaga ako... *grrrrgggggggg*
"Manang! Manang!"
Sino yun? Hala kailangan kong magtago kasi papaluin ako pag nakita raw ako ng ibang tao, sabi pa ni Manang Rosie.
Dahil sa bigla akong tumayo ay nadulas ako sa mabulang tiles at natumba..
Narinig ata ng tumawag kanina kaya biglang tumakbo papunta sakin..
PATAY.
"Okay ka lang?"
"Okay lang. S-salamat."
"Bago ka ata rito. Kaanu-ano mo si Manang Rosie?"
"Ahhh-----" Ano isasagot ko?
"Ahh tanga ka talaga.. Halata namang pamangkin. Di niya naman magiging anak kasi matandang dalaga siya..." tsaka siya napatingin sakin.
"Ahh pasensya ka na. Mahilig talaga akong magsalita mag-isa.. Wala kasi akong kalaro e. Halika."
Inabot niya ang munting kamay niya sakin. "Hello. Ako si Strom Sander Rafez."
Di ko makakalimutan ang kabaitang yon.
"Storm! Bilisan mo na male-late na tayo!!!" Tong taong to o. Nakakotse na nga pero lagi parin akong nauuna sa kanya. Ang bagal maglakad!
"Oh my gosh si Strom Rafez!"
"Ang gwapo niya talaga!"
"Anak mayaman pa! Grabe I will do everything para maging girlfriend nya!"
"Sasali siya sa Basketball Team, diba?"
"Hindi ata. Kasi raw gagawa siya ng banda niya e. Yun ang narinig ko sa school fans niya."
HUH? AT KELAN YAN SINABI NI STORM?
"Ang bilis-bilis mong maglakad. Lagi mo akong iniiiwan.. "
"ikaw kasi kalalaki mong tao ang bagal mong maglakad.."
"Saka di mo parin ba makuha hanggang ngayon? Strom ako, hindi Storm."
"E sa ang hirap sabihin ng pangalan mo e. San mas madali, Storm o Strom??"
"Strom."
"Storm ang mas madali."
"Oo na.. Amasona."
"Ano sabi mo?" Tsaka ko siya hinabol at kiniliti.. naghabulan kami sa campus.
AT HIGH SCHOOL NA KAME.
Simula kasi ng makita niya ako na naglalaba habang gutom, sinumbong niya kay Madame Marie kaya pinagalitan si Manang. At pinakilala niya ako kay Tita Marie na mukhang suplada at ayaw ata sakin. At dahil sa di pala-labas si Storm, mahilig niyang ideposit yung allowance kaya kahit elementary pa lang may bank account na siya.
SIYA NAGPAPAARAL SAKIN.. O DIBA AMBAIT?
PERO SA ALLOWANCE AT PROJECTS LANG NAMAN. Scholar kasi ako e.
BINABASA MO ANG
MY IDOL... my LOVER?? [COMPLETED]
FanfictionIYA, isang teenage girl na obsessed fan ng K-OS, na superrrrrr sikat lang naman around the country dahil sa superrrrrr KAGWAPUHAN at superrrr anghel-like na boses. Ang tanging pangarap niya lang naman ay makilala o makita lang sila sa personal. Pero...