CHAPTER 17 part2 A WEEK WITH HIM

708 13 1
                                    

A/N: ANG WHOLE CHAPTER NA ITO AY NAKAFOCUS LANG SA DALAWANG LOVEBIRDS NA SINA THUNDER (which will be Mrae) at IYA kaya point-of-view lang nila ang ilalagay ko.

Sa next chapter magre-resume na ang lahat ng characters.

ENJOY :))

---------------------------------------------------------------------------------

DI KO NA MAGETS TONG TAONG NASA HARAPAN KO NGAYON?

TALAGA BANG SI THUNDER TO???

AY DI NA PALA. SI MRAE PALA ANG KASAMA KO.

We decided na mag-date sa labas kaya saan-saan kame napunta. Nag-eyeglasses at nag-cap siya para di siya makilala. Ganun din ang ginawa ko para di mapicture ng press ang mukha ko.

Nauna kaming pumunta sa boutiques at namili ng couple shirts.. tapos naghanap kami ng couple chains. Bumili rin kami ng tigdadalawang ice creams, lollipops at cotton candies.

Nagsticker photo rin kame kaya anu anong 'gwiyomi' poses ang ginawa namin.

Talagang di siya tahimik. Ang ingay inga niya at enjoy siyang kasama.

"O natahimik ka na jan, Iya?"

"Ahy wala." kinurot ko ang ilong niya. Wooo~ ang tangos ng ilong niya.

"San mo pa gustong pumunta?

"Sa Planetarium."

"Ok lets go.."

ILANG MINUTO pa lang kame sa loob pero feeling ko inaantok na ako. Ganun din si Mrae kaya naidlip kaming dalawa. Hiniga niya ang ulo ko sa balikat niya at yakap-yakap niya ako.

Kyaaaa~~ ang sarap sa pakiramdam na kayakap si Mrae Thunder Lee..

Parang alam mo yun, safe ka at feeling mo wala talagang mangyayaring masama.

.

.

Nagising ako sa maingay kong ringtone.

Ahhh.. Si Mama.

"Hello Ma?"

"Hija. Tumawag ang tita mo sa Ilocos at sabi kakarating lang raw kaninang umaga galing States. Kababata naman ng Papa mo yun kaya magi-isang linggo kame ron. Tinawagan ko na si Kei na siya mag-aalaga sayo for the whole week kaya umayos ka. Bye anak at ingat."

"Sige mama have a safe trip!"

Hohoho I'M FREEEEEEEEEEEEE!

Nilingon ko uli si Mrae. Ang himbing-himbing ng tulog. Halatang pagod.

Hinawakan ko ang mukha niya saka nilaro-laro ang mukha niya.

"Sana totoo na lang lahat to. Sana di na to matatapos... Waaa~~" hinawakan ko ang cute na labi ni Mrae at pinisil.. Saka ko naalala si Suzy.

Bat sya pumasok sa utak ko?

Ugh. Naalala ko na lang tuloy na may nangyari na pala sa kanila.

Iisipin ko pa lang na nahalikan niya ang labi ni Suzy, naiinis na ako.

Bigla akong hinila ni Mrae at hiniga saka siya nakapatong sa itaas ko.

"Gising ka na pala.." umiwas ako ng tingin.

KYAAAAA~~~ ANO BINABALAK MO SAKIN? (sana gawin mo na XD)

Tinitigan niya lang ang mukha ko nang matagal.

Saka pinisil ang ilong ko. "Uwi na tayo."

NGEHHHH.

Sinimulan na niyang i-start ang motorbike engine niya at pinasakay ako at nilagyan ng helmet.

"Wag mong sobrahan ang tsansing mo sakin." sabi nito na nakangiting ang kyut-kyut. 

>_______<

"Ay oo pala. Wala sina Mama at Papa sa bahay kasi pumunta sa Ilocos e. Ako lang mag-isa. Sabay nako sayo.."

"Ayoko. Baka reypin mo ko ron e di pa naman ako makakasigaw kasi walang tao ron.." sabi nito tapos humagikhik.

"SIRA! Totohanin o yan, humanda ka."

AFTER ilang minutes nakarating na kami sa ****Hills kung san ang subdivision niya.

Ang yaman pala nila. Grabe. Ang laki ng bahay niya tapos ang ganda. At siya lang mag-isa??

"Pasok."

Napanganga ako. Grabe. Isipin mo na ang pinakamagandang sala na maiisip mo, yun na yun.

Puro glass yung bahay niya, ang taas ng ceiling. Yung sala niya naman parang yung design na pang-futuristic. White and Beige yung color mix ng interior nya. Tapos may mini-bar.

Basta ang ganda-ganda. Kaso nakakaawa yung bahay. Kasi kahit gaano siya kaganda, yung namamahay sa kanya halos wala, tapos broken pa.

"You like it?"

"Oo ang ganda. Bahay mo talaga to?"

Natawa siya. "Halika manood tayo movie. Pili ka na lang ng movies jan tapos iplay mo. Magluluto pa ako."

"Huh? wala kang maids?"

"Gusto kong mag-isa. You're the first person besides sakin ang nakapasok dito."

AYYY. FLATTERED ANG LOLA NYO HIHI :P

Tinignan ko ang mga movie collection niya. Puro family-theme ang movie. Walang love story o comedy. Ay ang boring. Nanood na lang ako ng cable. Nilagay ko sa comedy channel.

Saka ko naamoy ang ulam. Waa ang bango!!! Nagutom ako agad kaya pumunta ako sa kitchen.

O___O  woah!  Ang gwapong si Mrae, naka-apron at busy sa pagluluto. May hawak siyang mga ingredients tapos panay buhos niya sa niluluto niya habang meron rin siyang nilagay sa oven.

Ang liksi niyang kumilos...

Napansin niya atang may nakatingin sa kanya kaya lumingon siya at napangiti.

"Wag kang lumingon. Mas maiinlab ako sayo." Biro ko, na may halong totoo  :P

"E di mas dapat akong lumingon." saka niya ako binigyan ng killer smile  >__<

Hinanda ko na ang mesa at inayos ang plato at kubyertos. Naglagay na rin ako ng plate mats at nagtimpla ng juice.

"Alam mo Mrae, para tuloy nanay kita. Hahaha mukha kang babae. Nabawasan ang 'hunk points' mo saken."

Bigla itong lumapit sakin hanggang sa mabangga na ang likod ko sa wall. Saka siya napangisi.

"Talaga?"  saka niya tinignan ang mga labi ko.  "Ang cute ng lips mo. Sinasadya mo yan?"

*boom!* di na makaya ng brain ko. Sumabog na sa sobrang ineet!     >___< 

MY IDOL... my LOVER?? [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon