KEI's POV
Ang saya-saya nilang dalawa..
Andito ako ngayon, nakatingin sa labas bintana ng room namin ni Iya...
...pinapanood na naglalaro si Tyfie at si bes sa mga alon..
<//3 <//3 <//3 <//3 <//3
Bababa sana ako para hanapin ang bes ko kaso nakita ko ngayong nag-eenjoy silang dalawa..
hmmm... wag na lang.
Nakita kong napatingin sakin si Iya at kumaway, baba raw ako at sumali sa kanila.
"HINDI NA!!! MALAMIG JAN!" sigaw ko sa kanya saka ngumiti.
Nginitian rin ako ni Tyfoon ng pagkakyut.
>__________<
Nginitian ko rin siya.
ANG HIRAP NAMANG ngumiti pag nasasaktan ka ng sobra.
Tinititigan ko lang si Tyfoon habang titig na titig siya kay Iya.
Di sana masakit kapag gusto rin siya ni Iya...
..e kaso iba rin ang itinitibok ng puso no bes kaya mas lalo akong nasasaktan para sa kanya...
T__________T huhuhu..
NAKAKAAWA NAMAN TONG LAGAY KO NGAYON..
Kumuha ako ng salamin at tinitigan ang mukha ko.
"O kita mo yan!!! Mukha ka na tuloy halimaw... Mukha ka na ngang engot, magmumukha ka pang monster sa mukha mo.. Ngumiti ka nga!" sigaw ko sa sarili ko.
Pinahid ko ng unti-unti ang di maubos-ubos na luha.
Di ako magseselos keh bes kahit kelan para sa isang lalaki no?
Tsaka si Tyfoon ang kailangan niya ngayon para makalimutan si Thunder...
...kailangan kong suportahan ang bes kooo!!! (fighting!)
Ngumiti ako ng ubod ng tamis at lumabas ng kwarto ko.
FLOOD ASAN KA NA?? KUKULITIN KITA Humanda kaaaaaaa!!
IYA's POV
Sayang naman.. Nilalamig ba talaga siya?
Naman bes... Gusto kitang makasama ngayon..
"Iya, pahinga muna tayo. Lumalamig na o. Eto jacket ko.." inilagay niya sa likod ko.
"Salamat."
"Tyfoon, pwede bang magtanong sayo?"
"Hmm? Oo naman. Ano yun?"
"Ganito kasi.. pag ikaw may gusto ka sa isang tao kaso di ka niya pinapansin... Tapos ginawa mo lahat para mapansin ka niya.. Tapos bigla siyang nag-iba at pinansin ka na. Nagpakabaliw ka sa pag-aakala na may something na nga tapos naibigay mo ang hindi mo inaakalang maibigay mo kasi umasa ka... tapos bigla ka niyang nilaglag sa bandang huli.. Ano ang gagawin mo?"
Napaisip siya nang matagal.
"Siguro.. ewan ko. Kasi kung nilaglag niya na ako, bat pako lalaban, diba? Kung may konting chance pa sana, ok lang... Kaso para na rin niyang pinamukha sakin na wala parin akong kwenta matapos ang lahat-lahat... kaya bibitaw na ako."
NAPAISIP AKO.
BIBITAW NA NGA BA AKO?
inside my mind....
*echoserang_love figure: wag! hindi ka pa naman niya binitiwan, right? May chance ka pa kaya GO GO GO GO!
*echoserang_hate figure: sus! diba nga sabi ni Thunder wala na? Bat ka pa aasa? Gusto mo magpakatanga uli? E ginawa mo na nga yun wala parin nangyari! stop it!
*echoserang_love figure: pano mo naman nalaman e di mo pa nga sigurado diba?
*echoserang_hate figure: e diba nga tinanong mo na sa kanya, sabi niya wala na talaga!
*echoserang_love figure & *echoserang_hate figure making *AWAY* at *rambol*
end of daydreaming.
AYOKO PANG BUMITAW.
BAKA MAY KONTING PAG-ASA PA.
MASKI 0.00000001% YUN, SUSUGAL PA RIN AKO.
AJA! ^________^
"Basta Iya pag kailangan mo ako, I'm only a text or call away. Lagi lang ako andito.."
Ngumiti lang ako sa kanya.
Tinitigan ako ni Tyfoon saka dahan-dahang lumapit ang mukha niya sakin..
..mukhang hahalikan ata ako >____<
Bago pa dumapo sakin yung lips niya e umiwas na ako. Pagkadilat ko nakita kong....
....nakatingin samin si Thunder sa may balcony.
BINABASA MO ANG
MY IDOL... my LOVER?? [COMPLETED]
FanficIYA, isang teenage girl na obsessed fan ng K-OS, na superrrrrr sikat lang naman around the country dahil sa superrrrrr KAGWAPUHAN at superrrr anghel-like na boses. Ang tanging pangarap niya lang naman ay makilala o makita lang sila sa personal. Pero...