THUNDER's POV
Hawak-hawak ko pa rin namamagang paa ni Iya.
Wow. Sa lahat naman ng oras sa mundo, ngayon pa siya natapilok!
Binigay ko keh Iya ang flashlight at ang blade.
"Ikaw maglight habang karga kita.. Halika." turo ko sa likod ko.
"K-kakargahin moko?"
Ay hindi kakasabi ko lang.
"Bakit tingin mo ba makakapaglakad ka? Wag ka na mahiya dali na bilis.
Tiningnan ko ang langit. Dumidilim na nga.
IYA's POV
Weew~ Lord magpapasalamat po ba ako sa biyayang ito?
Karga ako ni hubbie ngayon kyaaa~
Sininghot-singhot ko pa ang pawis niya..
Gandang lalaki nitong ex ko o! (hayaan niyo na ako.. echosera muna ako today XD)
"Ayun o! May maliit na kweba dun o!" itinuro ko yung dulo ng nilalakaran namin.
"Oo nga. Sige konting tiis na lang..."
THUNDER's POV
Buti na lang hindi mabigat si Iya.. Di kasi siya tabain kaya hindi rin ako masyadong nahirapan.
Nagtataka pa nga ako kung bakit to tahimik..
Nakakailang tuloy. Di ko alam kung galit pa ba siya sakin o di na.
Pero masaya naman ako at karga-karga ko siya ngayon.
Nakarating na kame sa kuweba kaya inilapag ko siya at naghanap ng tuyong dahon na pwede naming maupuan.
"Iya gutom ka ba?"
"hindi. ok lang ako."
Nilagay ko ang flashlight sa gilid at nagpahinga na rin sa sulok.
MASYADONG TAHIMIK.
IYA's POV
Masyadong tahimik >.<
Bat ba di siya nagsasalita? Talaga bang iniiwasan na niya ako???
Urgh. E bat din ako di nagsasalita? Affected?
"Waaa di ko na kaya! Magsasalita ako kahit mag-isa rito basta may ingay lang akong naririnig..."
.
.
.
.
.
"Kamusta ka na?"
O___O
HUWATTT??
Ngayon mo pa ako kinakamusta? Ano to nagpapatawa ka ba o gusto mo lang meh topic?
Susme aatakihin ako sayo. E kung sabihin ko kaya lahat ng pinagdaanan ko last week dahil sa breakup *kuno* natin?
Makonsesiya ka pa na iniwan moko!!! *char lang :P
"Ok lang... i-ikaw?"
"Ok naman."
weew~
"Iniiwasan mo ba talaga ako?" sabi ko na nakatingin sa malayo.
"Hindi naman. Ayoko lang na laging magkrus ang landas natin."
E ANO PA TAWAG MO DUN???? Grrrr....
Saka ko naalala yung moments ko with him..
Natawa ako nang mahina at paulit-ulit na kinikilig.
"Bat ka natatawa?"
"Wala lang.. Naalala ko lang yung times na magkasama tayo---" ooops.
"Uhm Iya.. wag mong isipin na iniiwasan kita dahil galit ako sayo, o ayaw na kitang makita... may rason lang ako."
"Di mo ba pwedeng sabihin sakin bakit?"
"Hindi pwede."
TAHIMIK NA NAMAN. weew~ O diwata ng katatawanan, dumako ka muna sa kuweba namin at tanggalin ang cloudy atmosphere dito~~
NANG maalala ko yung mga ngiti niya (na di na niya ginagawa ngayon), napangiti ako.
Di ko na napansing nagsalita ako ng natural.
"Alam mo Mrae... Namiss kita." Ngumiti ako at tumingin sa kanya.
Napatitig siya sakin.
"Masakit pa rin dito (tinuro ko puso ko).. Ambait mo nga e.. Sino ba namang maayos na tao ang sasakay sa kabaliwan ko diba?"
Hinawakan ko ang isang tuyong sanga at sinulat ang 'Thunder' at 'Mrae' sa lupa.
"Pero lam mo kung ano masakit dun? Kasi umasa ako na meron nga.. umasa ako na totohanin natin yung buong week.. Ang tanga-tanga ko nga. E diba sa simula pa lang sabi ko na na fanservice mo lang yun sakin.,"
Tiningnan ko ang mukha niya. Wala parin itong expression. Tahimik parin siya.
SIGE MAGPAKATANGA KA. MAGSALITA KA PA RIN IYA.
"Idol kita, tinitingala kita, pinapangarap lang kita dati habang hinahalik ang pictures mo. Kaya di ako makapaniwala hanggang ngayon na nakasama ko ang isang tulad ni Meacko Thunder Lee.."
BAT AKO NAUUTAL? HINAWAKAN KO ANG PISNGI KO. O BAT AKO NAIIYAK?
"Pero nakapagdesiyon na ako. I will move on and forget about you... Kakalimutan ko lahat p-pa..ra s-sayo....kakalimutan ko yung kulitan natin.. yung sweetness mo.. yung mga lugar na napuntahan natin iiwasan ko na lahat yon.. kakalimutan ko ang lasa ng luto mo... ang kurot mo sa pisngi at ilong ko.. ang mga h-halik mo.. lahat.."
saka ako humagulgol.
".. pati si Mrae kakalimutan ko."
Lumapit siya sakin at niyakap ako nang mahigpit.
"marami akong naramdaman na bago na sayo ko lang naranasan..... kaya mas masakit... Kasi...
...YOURE MY FIRST LOVE."
Ngumiti ako nang pinahid niya ang luha ko.
TINITIGAN KO SIYA AT HINAWAKAN NG MAHIGPIT ANG MGA KAMAY NIYA.. at HINALIKAN SIYA NG MATAGAL.
HINDI KO MUNA IISIPIN ANG NGAYON..
ANG BUKAS...
ANG 'AKO'..
ANG 'SIYA'..
..basta 'kami' lang muna ngayon.
KAMI MUNA.
BINABASA MO ANG
MY IDOL... my LOVER?? [COMPLETED]
FanfictionIYA, isang teenage girl na obsessed fan ng K-OS, na superrrrrr sikat lang naman around the country dahil sa superrrrrr KAGWAPUHAN at superrrr anghel-like na boses. Ang tanging pangarap niya lang naman ay makilala o makita lang sila sa personal. Pero...