026: Meet the Clans

67 4 3
                                    

THAMINA
9:30 am


"PAKSHET!"


Napasapo ako sa aking noo habang mangiyak-ngiyak na nakatingin sa mga dilaw na taxi na nakaparada sa harap ng hotel. Napatingin pa sakin ang iilang tao na napadaan dahil sa pag-sigaw ko. Sino ba naman ang hindi magtataka eh, nagmumukha na akong baliw dito. Pawisan, sabog ang buhok at magulo pa ang mukha.


Tinahak ko ang daan papalapit sa mga taxi. Isa-isa kong sinilip ang loob ng mga ito, sakaling hindi pa nakakababa si Blaze.


"Asan ka ba, Blaze?" pagmo-monologue ko. Napakamot ako ng ulo ng maubos ko na lahat ng taxi pero ni anino niya wala akong nakita. Kainis! ni hindi ko manlang nakabisado kanina ang plate number ng taxi.


Asan na ba ang apoy na 'yon?! Naknamputcha, baka nareklamo na 'yon dahil wala siyang pinambayad sa taxi? huhuhu.


Natigilan ako ng may maalala. Dali-dali kong pinasok ang kamay sa bulsa ng suot na pantalon para kunin ang cellphone ko. Ambobo ko talaga! pwede ko naman siyang tawagan nalang kanina para sabihin na naiwan ang wallet niya.


Magkasalubong ang dalawang kilay ko ng mapatingin sa bulsa ko ng wala akong makapa na cellphone. Inusisa ko na lahat ng bulsa pero wala talaga.


Kapag minamalas ka nga naman, ni cellphone ko hindi ko nadala sa sobrang pagmamadali. Pano na 'to? grabeng kamalasan 'to, oh! up to the highest level na talaga.


Ilang minuto akong nakatayo sa labas hanggang sa napag-isipan kong pumasok nalang. Malay mo, nandoon na pala siya sa loob at may mabuting tao na bumayad sa pamasahe niya?


Kahit kinakabahan ay humugot ako ng lakas para mai-galaw ang mga paa papunta sa entrance ng hotel. Napansin kong maraming tao ang nagsisidatingin at nakatambay lang dito sa labas na parang may inaabangan. Maybe this event is really important for this people to come and wait here.


Akmang papasok na ako ng hinarang ako ng dalawang guwardiya.


"Miss, bawal po pumasok dito." aniya ng isang guard.


"Po? may pupuntahan lang po ako sa loob—"


"May invitation po ba kayo?"


Napanganga ako sa tanong ng isa pang guard. Tangina, may pa invitation pa pala bago makapasok dito. Pano na 'to?! wala ako niyan!


"W-wala po ako niyan, kuya."


"Kung sa ganon po, hindi po kayo pwedeng pumasok." ani nito.


Napakagat ako ng labi at ginamit ang natitirang dalawang braincells para mag-isip ng alibi para payagan ako. Bahala na, kaya mo 'to, Thamina!


Hinawakan ko ang braso ng isang guard at nag-kunwaring naiiyak na. "Kuya naman, papasukin niyo na po ako! importante lang po talaga!"


Kumunot naman ang noo nong guard sakin, "Hindi nga po pwede—"


"Sige na po! maawa na po kayo sakin, kahit ngayon lang ho, please?" pagmamakaawa ko with matching beautiful eyes pa. Sige, Thamina! panindigan mo 'yan!


It's Playtime, Alpha! (Online Game Romance)Where stories live. Discover now